Chapter 16

816 10 1
                                    

Gianna Dela Vega

We're here now at Drake's car. I know na pupunta siya dito sa condo ko, para hulihin ako nitong babaeng to. Mahusay kayong dalawa makipaglaro, pero mas tuso ako sa inyo. Ngayon makikita niyo kung paano ko ibato sa inyo ung ginagawa niyo sakin.


Hindi kapa ganon kagaling Louis para magtago at makipaglaro, sa nakikita ko sakanya ngayon halatang may usapan silang dalawa sa text. Sa mga susunod siguro nilang gagawin sa akin. Alam kong marami silang plano para tuluyang mahulog ang loob ko dito kay Drake. Pero sorry siya, maaga ko na pinutol ang maling naramdaman ko noon para dito simula ng nalaman ko na pinagplanuhan lang pala nila akong paglaruan.



Hindi ko masisisi si Louis kung bakit niya sakin ginagawa itong mga bagay na to. Siguro ay nakakaramdam siya na niloloko ko ang Daddy niya. Which is totoo naman, hindi naman mapagkakaila yon.

Kaya yun ang sinasabi ko, ayokong may maiinvolve na kahit sino sa ginagawa kong ito dahil marami ang makikialam at lalo lang gugulo.

May naisip akong plano, sasakyan ko ang ginagawa nila sa akin ni Drake. Tutal gusto nila ng laro. Pero kapalit non ay lagi kong pang iinis sakanya. Hahaha!


Kitang kita ko ang pagkagulat niya kanina nung sinabi ko kay Drake na girlfriend ko siya. Hahaha! I know it! Hindi ka straight Louis. Palalabasin natin yang unicorn mo sa kaloob looban mo hanggang sa ikaw naman ang magmakaawa sakin na ikaw ang piliin ko kesa sa Daddy mo. Haha! Sounds good!


Gusto nila ng laro diba? Pwes pagbigyan ko sila. Mataas pride ko, ayokong natatapakan ego ko. Ayokong ako ung pinaglalaruan. Magaling ka Louis. Pero pasensiya na, nakialam kapa kasi. Hindi kana dapat kasali sa plano ko. Masyado mokong minaliit.


" So, girl's san ang punta natin? " tanong ni Drake habang nakangiti sakin na may halong landi.

" Well, let's have some fun. Mag bar tayo. " ngiti kong sagot dito.


" Seriously Bitch?! Este Gianna?! What the fuck. Ang aga aga pa! " sigaw sakin ni Louis.


" Take it easy baby. Baka mahighblood ka naman diyan at atakihin. Lagot ako sa daddy natin. " sabay wink ko sakanya at inirapan ako nito. Hahaha!


" Don't call me baby. I'm not your baby. "

" Yes you are. " sagot ko sakanya.


Minsan natutuwa nalang ako sakanya lalo pag inis na inis ito sakin. Although we're both 19 years old pero mas childish siya sa akin. Lumalabas ang pagka pikunin niya. Hahaha!


" Seryoso kaba don sweetheart? " tanong ni Drake sa akin. Tumango lang ako dito at tuluyan na kaming umalis.


Nakikita ko na nagkakambatan ung dalawa. Kaya natatawa ako sa isip isip ko. Hays!



" We're here na. " excited na sabi ko sabay baba ng kotse.


Hindi naman talaga ako palainom. Ewan ba ngayon at parang gusto nalang lagi ng alak sa lalamunan ko.


Pumasok na kami agad sa bar. Wala naman akong planong lasingin ung dalawa. Gusto ko lang sila makakwentuhan, hindi naman ako ganon kasama para gawin yon.


Natatawa nalang kasi ako na nilalaro ko sila sa sarili nilang laro.


" Good afternoon everyone. Sana mag enjoy kayo sa songs na kakantahin ko. " sabay kanta ng singer sa harapan.


Andito kami sa isang table ngayon, tahimik ang bawat isa. Nangangapa pa siguro. Itong si Louis, alam kong mailap siya sa tao. Pansin na pansin ko sa mga mata niya yun nung unang kita ko palang sakanya.

I'M SECRETLY INLOVE WITH MY STEPMOM ( GXG ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon