Chapter 47

479 8 0
                                    

Rendiel Louis Salonga


Lumapit ako kay Daddy para yakapin ito ng mahigpit, bigla nalang tumulo ang luha ko habang yakap yakap ito. Nung huli kaming nagkita ay nag away kami ng sobra, pero ngayong nagkita kaming muli hindi ko lubos maisip na ganito ko siyang dadatnan.



Si Daddy nalang ang meron ako, nag away man kami ng sobra ay kasalanan ko din naman lahat ng yon. Hindi ko mapigilan ang luha ko habang yakap yakap siya. Parehas na din kaming nag iiyakang dalawa.


" Daddy, I'm sorry. It's my fault. Umalis ako, iniwan kita. Now I'm here. Pangako babawi ako sayo. " patuloy padin ang luha sa mga mata ko habang nakaluhod dito sa harap niya habang yakap yakap siya.



" Anak matagal na kitang pinatawad. Namiss din kita ng sobra, buong akala ko ay kinalimutan mo na talaga ako. " umiiyak din ito.



" Tahan na Daddy, di bagay sayo umiiyak. Hahaha! Kalimutan na natin ung nangyari dati, magstart na ulit tayo ng next chapter ng buhay natin. " pilit kong pinapakalma ung sarili ko.



" Oh, anyway Daddy, si Yumi. Friend ko, and eto si.. G..g.. Gianna! Girlfriend ng daddy ko. " shit bat ba nabubulol pa ako! Ano ba naman to!



" Hello po Tito, hi Gianna. Nice to meet you po. " sabay beso naman nitong si Yumi sakanila.



Ngumiti lang si Daddy, pero si Gianna ay alam kong pinilit lang ang ngiti sabay tango kay Yumi.



Patuloy lang ang kwentuhan namin ni Daddy. Pinakita ko lahat ng achievements ko sakanya sa States. Dahil isa na akong ganap na registered nurse doon. At sinabi naman niyang sobrang proud na proud daw siya sa akin.


Kitang kita ko sa mata ng tatay ko na sobrang saya saya niya ngayong kausap niya ako. At ganon din ako, mahal na mahal ko si Dad. At hindi ko na hahayaan na malayo ulit ako sakanya.


" Tito, ang pogi niyo po. Kuhang kuha po ni Rendiel ung smile niyo. Pero may kaunting diffrences lang po, ung smile niyo po parang anghel. Ung kay Rendiel po kasi mukang demonyo eh! Hahaha! " aba ung babaeng to!


" Yumi stop! " bawal ko dito at tawa lang ng tawa si Dad.



Si Gianna ay patay malisya na nagliligpit dito, hindi manlang siya magsalita. Nakakainis! Hindi ko na dapat siya pinapansin pa eh! Kung bakit naman kasi ung mata ko gustong gusto nakikita ung muka niya. At aaminin ko miss ko na siya. Pero, kailangan ko ilayo ang sarili ko dito. Ayoko ng masaktan si Dad.



" Gianna, can you do me a favor? Pakisabi kila manang linisin ung room ni Louis and ung guest room para dito sa bisita nating si Yumi. " utos niya kay Gianna at mabilis naman itong sumunod.




" Daddy, tabi nalang kami ni Yumi. " sagot ko dahil ayoko mabored sa kwarto ko. Kailangan ko ung kadaldalan ni Yumi kapag nalulungkot ako.



Lalo pa ngayon at nandito kami sa iisang bubong ng taong minahal at ung taong dahilan kung bakit ako sobrang nasaktan.


" Sige. Sabihin ko nalang kila manang. " oh shit! Ung boses na yon. Ung boses nayon na gustong gusto ko marinig kanina pa. Ung boses na yon na halos kinabaliw ngayon ng puso ko. Shit!





" Hoy, ang ganda ng gf ng Daddy mo ah. Pero mukang masungit. " andito na kami ngayon sa kwarto ko ni Yumi habang inaayos ang mga maleta naming dalawa.



" Hindi siya masungit, mabait yun. " sabay ngiti ko.




" Parang familiar nga yung boses niya eh. Hindi ko lang matandaan kung saan ko narinig. " daldal pa nito.



Oo nga pala, minsan ay naabutan niya ako sa kwarto na pinapakinggan ko ung voice record ni Gianna sa manika. Pero agad ko itong pinatay dahil ayokong marinig iyon ng bruhang to.



" Alam mo, ang tsismosa mo. May tsismosa din pala don sa States. " ngisi ko sakanya.




" Pero nagagandahan talaga ako sa babaeng yon. Mukang kaedad lang natin siya. Ganda din pipili ng daddy mo ah? " natatawa ako sa isip isip ko.


Oo maganda pumili ung daddy ko, siya ang pinag managan ko dahil iisang babae ang ginusto naming dalawa. Un nga lang talo ako, mas pinili siya kesa sa akin. Hahaha!




" Huwag ka ng maraming daldal diyan. Kung ayaw mong pabalikin ulit kita sa States. " tanging irap lang ang sinagot nito sa akin.



Odiba? Sabi sa inyo eh. Hindi ako mabobored kapag kasama ko siya, napaka kulit ng babaeng to as in! Hindi nauubusan ng kwento at tanong, kaya pag malungkot ako, nagiging masaya ako dahil nalilibang niya ako.



Lumabas muna ako ng kwarto dahil gusto ko pa sanang makakwentuhan si Daddy, pagkabukas ko ng pinto ay siya ding pagbukas ng pinto ng isa naming guestroom katapat ng pinto ko. Nagulat pako ng nagtama ung mata namin ni Gianna.


Pilit kong kinalma ung sarili ko at nginitian ito. Masyadong malakas ang loob ko para gawin iyon, pero un lang ang natatangi kong way para kalimutan na ang lahat ng nangyari. Para makapagsimula na din ako sa buhay ko. Dahil hanggat may poot sa puso ko, hinding hindi ako magiging masaya. Tatanggapin ko nalang na hanggang pagiging step mom ang magiging relasyon naming dalawa.



" Kamusta Gianna? " malakas na loob kong tanong habang nakatayo padin dito sa pinto. Para kaming tangang dalawa na hindi makagalaw ngayon habang magkatapat.



" Okay lang ako, ikaw kamusta kana? Baka nagugutom na kayo ng kasama mo. Magpapaready lang ako ng pagkain niyo. "


Yung babae talagang yon, mahilig akong layasan ng bigla bigla. Tinanong pako kung kamusta na ako, tapos biglang aalis?! Tssk!


Sinundan ko ito papuntang kusina.


" I'm good, kamusta kayo dito sa bahay? Namiss ko ung pilipinas kaya umuwi ako. " anong klaseng kwento yan Louis! Para akong tanga na sumasagot sakanya ng hindi niya naman tinatanong sakin! Ganito ba talaga kapag natetense.



" I'm sorry. " maikling sagot nito na hundi humaharap sa akin. Bagkus ay tumigil siya sa paglalakad.



" Sorry for what? " maang maangan ko.



" Sorry for what happened. Matagal na kita gustong makausap para humingi sayo ng tawad. " hihikbi hikbi ito.


" Humarap kanga sa akin Gianna, nakatalikod ka diyan " sabay hila ko sakanya paharap sa akin. At tama nga ako nang gigilid ung luha niya.



Siguro ay naguguilty padin siya sa mga ginawa niya sa aking pag iwan. Pero wala na yon sa akin, gaya ng daddy ko. Matagal ko na siyang napatawad. At tanggap ko na, na hanggang dito nalang kaming dalawa.



" It's okay Gianna. Wala na sa akin ung nangyari na yon. So let's be friends? " anong klaseng tanong yan Louis! Jusko. At nilahad mo pa talaga ung palad mo.



" Sure ka? " takang tanong niya at tumango lang ako.



" Salamat. " laking gulat ko ng niyakap niya ako ng mahigpit.



Eto nanaman ung puso ko, nararamdaman ko nanaman ung pagtibok simula ng naramdaman ko nung una. Tila nanumbalik lahat at may kung ano sa sarili ko na gusto kong pahintuin ang oras ngayon. Pero tila taksil itong nararamdaman ko ng bigla ko nalang din napansin ung sarili ko na gumanti sa yakap niya na matagal kong namiss.

Masaya ako at naging maayos ang paghaharap naming muli. Bilib din ako sa sarili ko kung paano ko tiisin na hindi ko sabihin dito kung ano padin ang tunay kong nararamdaman sakanya. Dahil kapag sinabi ko iyon, malaking problema nanaman ang kahaharapin ko kaya mas mainam na hanggang dito nalang talaga kaming dalawa. Unti unti ko din siguro itong matanggap.

--
To be continued..

I'M SECRETLY INLOVE WITH MY STEPMOM ( GXG ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now