Chapter 43

539 11 0
                                    

Rendiel Louis Salonga


Hindi ko alam kung bakit may kung anong ihip ng hangin na pumasok sa utak ko para bumalik ng condo, nakita ko si Gianna na nakaupo sa lamesa habang may hawak hawak na alak. Pansin ko din ang sobrang pamumungay ng mata nito na mulang galing sa pag iyak.

Agad ko siyang nilapitan at niyakap, ngunit hindi ito gumanti sa yakap kong iyon. Dun palang ay alam ko ng may problema sa amin.


" Saan ka nang galing? Nag alala ako sayo Love. Ang dami kong text at tawag pero hindi mo sinasagot. Uhmmm. May problema ba? " alangang tanong ko. Natatakot ako sa magiging sagot nito.



" Narealized ko na hindi pwede itong relasyon natin Louis. Pasensiya kana pero kailangan na nating putulin. " seryosong sagot nito na hindi tumitingin sa akin pagkatapos ay nilagok nito ang alak na hawak niya.



" Damn! Maghapon akong nag aalala sayo kung nasaan ka, tapos ngayon uuwi ka at sasabihin mo sa akin na kailangan na nating putulin tong relasyon na to?! " biglang uminit ung ulo ko kaya ko siya nasigawan ngayon. Damn! Sana panaginip lang to!



" Palayain mo na ako. " maikli pading sagot niya na tila walamg kaemosyon emosyon.




Agad ko itong siniil ng halik para masiguro na nagbibiro lang siya sa sinasabi niya, baka ginugood time lang ako nito at miss lang niya ako. Pero mali ako, tinulak niya lang ako. Para tuloy akong napahiya sa ginawa niyang iyon.


" Ano ba ang problema Gianna? Pag usapan naman natin ito. "


" Wala na tayong dapat pag usapan, pinuputol ko na kung anong merong uganayan meron tayong dalawa. "


" Shit Gianna! Tingin mo ba ay ganon ganon lang yon! Kung iniisip mo si Daddy, handa naman ako mag tiis kung ano kaya mong ibigay sa akin. Kaya kong magtiis bolang kabit at maging karibal ung mismo kong tatay. Promise hindi na ako magseselos. " pagmamakaawa ko dito. Hindi na napigilan ung luha sa mga mata ko, pero siya tahimik padin at seryoso ang mukha nito. Hindi ko siya mabasa ngayon, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ko.

" Walang araw na hindi kita minahal Louis. Kung pwede lang kita ipaglaban gagawin ko. Pero hindi tama na manaig ang pagmamahal ko para sa'yo. I'm so sorry. " seryosong sagot nito na mas lalong kina durog puso ko.



" Alam kong mali ang mahalin ka Gianna. Pero shit! Handa akong tanggapin ung pagkakamaling yon para lang iparamdam sayo kung gaano ka ka-importante sa akin. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka sakin, papayag akong itago natin tong relasyon natin. Gagawin ko lahat ng gusto mo, hindi ko kayang mawala ka sa akin. Nagmamakaawa ako sayo. Huwag mo kong iwan. " iyak kong sagot dito.



Wala na akong pakialam kahit magmuka akong tanga at kawawa sa paningin niya. Pero shit! Hindi ko kayang putulin kung ano man meron sa aming dalawa.



" Ang usapan natin paguwi ng daddy mo, titigilan na natin ito. Hindi ko masisikmura na lokohin si Rey ng dahil lang sayo. Tingin ko ay labis lang akong natuwa sayo kaya ako pumatol. "



" Tanginang tuwa mo Gianna! Hindi ako naniniwala, sa mga araw na magkasama tayo alam ko na naging masaya ka! Alam ko kung paano ka nasasarapan sa mga ginagawa natin, alam ko kung paano ka kiligin sa bawat date natin. Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa sinasabi mo na natuwa kalang sakin kaya pumatol. Tangina naman Gianna, wag tayong maglokohan! Kanina lang ay sinabi mona walang araw na di mo ako minahal, tapos ngayon ganyan ang sasabihin mo! Kung ano ang problema, harapin natin ng magkasama. Huwag mo naman akong iwan sa ere! " sigaw ko sakanya. Hindi ko na mapigilan ung sakit na nararamdaman ko.


" Hindi kita kayang ipaglaban, binabawi ko ung sinabi ko na walang araw kitang hindi minahal. Siguro ay nadala lang ako sa emosyon dahil ikaw ang kasama ko araw araw dito sa condo. Hindi malinaw sakin ung nararamdan ko, pabago bago ang isip ko. Tigilan na natin itong kabaliwan na ito. Nagsisisi ako at pinatulan kita, nandidiri ako sa sarili ko kung bakit ako pumatol sa babae. At mas nandidiri ako na pinatulan kita na anak ng taong totoong mahal ko. " hindi ko na pinatapos ang sinabi niya. Agad ko itong sinampal dahil hindi ko gusto ang mga naririnig ko.



Sampal sa pagkatao ko lahat ng sinabi niyang yon, mas lalo na kung paano naging reaksyon niya habang sinasabi na pinandirihan niya na pumatol siya sa akin. Kung kanina ay sakit lang ang nararamdaman ko, ngayon ay punong puno na ng galit ang nararamdaman ko.



" Hindi mo mapagkakaila na naging masaya ka sa piling ko Gianna. Pero tangina ka! Ung sabihin mo na pinagsisihan mo at nangdidiri ka ngayon sa sarili mo dahil sa pumatol ka sakin. Tangina mo! Mas nagsisi akong minahal ka, dahil duwag ka! Hindi mo maipaglaban ung totoo mong nararamdaman dahil ano?! Takot kang mawalan ng pera?! Takot kang hindi mabili luho mo?! Pera pera kalang! Masyado kang nagpapadaig sa sinasabi ng matandang yon dahil sa pera! Gold digger ka! " sigaw ko sakanya, halos magwala ako sa galit ko.




" Ung mga kapatid ko umaasa sakin, walang mangyayari kung itutuloy pa natin ito. Hindi ko kailangan ung pagmamahal Louis. Mas kailangan ko ang perang bubuhay sa mga kapatid ko. Umuwi kana, at bukas na bukas ayokong makita kapa dito. Pinagsisihan ko na pinatulan kita, lagi mong tandaan. " sabay tayo nito at pasok sa kabilang kwarto.



Tulala ako ngayon na nakatayo habang pilit ginigising ang aking isip sa masamang panaginip na ito. Daig ko pa ang sinaksak ng paulit ulit dahil sa mga binitawan niyang salita sa akin. Hindi siya ang Gianna na nakilala ko, kung pano siya naging sweet at caring sakin ay kabaliktadan na ugali ang pinapakita niya sa akin ngayon na halos ikadurog ng pagkatao ko.




Buong akala ko ay kaya niya akong mahalin at ipaglaban. Sirangsira ang pagkatao ko pati nadin ang puso ko sa mga salitang pinamuka niya sa akin habang nagsasalita ito na walang emosyon.



Napaupo nalang ako sa sahig na tila lambot na lambot dahil humahagulgol ako ng iyak ngayon. Hagulgol ng sobrang sakit dahil sa ginawang pakikipaghiwalay sa akin ni Gianna. Alam kong darating kami sa puntong ito, pero hindi ako naging handa sa ganitong pag uusap naming dalawa.



Sinusumpa kita Gianna, sinusumpa ko lahat ng ginawa mo sa akin. Masyado mo akong dinurog! Masyado mo akong sinaktan! Masyado mo akong pinaasa! Hanggang ngayon ay naduduwag kapadin! Pagsisisihan mo lahat ng ginawa mo sa akin, kakalimutan kong minahal kita. Kakalimutan kong naging kilala kita! Na sana ay magawa ko!

--

To be continued..

I'M SECRETLY INLOVE WITH MY STEPMOM ( GXG ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon