Chapter 42

427 5 0
                                    

Rendiel Louis Salonga


" Daddy, bakit hindi pa umuuwi si Gianna? Nag aalala ako sakanya. Hindi mo ba talaga alam kung nasaan siya? Baka nagtanan na kayo ah? " pagdududa kong tanong sa tatay ko.



Andito ako ngayon sa bahay, dahil ang huling sinabi ni Gianna sa akin ay ihahatid niya si Daddy pero gabi na ay wala pa ito sa condo. Madami akong missed calls and text msgs sakaniya ngunit hindi siya nagrereply sa akin. Sinusubukan ko pading kontakin ito pero nakapatay na ang phone niya. Sobra akong nag aalala sa babaeng un. Humanda talaga siya sa akin pag uwi niya.



" Anak, kung nagtanan kami wala ako rito sa harapan mo. " ngisi sakin ng tatay ko. Hindi talaga ako naniniwala na wala siyang alam. May ibang nangyayari, okay kami kami kanina ni Gianna bago ito umalis. Ngunit nung ihatid niya tong tatay ko ay hindi niya sinasagot ang mga msg ko sakanya.




" Bakit hindi ka nag aalala sa gf mo? " tanong kopa sakanya.



Nakakainis na kasi! Parang wala lang sakanya na hindi ko makontak si Gianna. Nawawala na nga ito, tila parang kalmado padin siya.



" Baka naman may pinuntahan lang. Ang paranoid mo naman, daig mo pa ako. Ako ang boyfriend niya anak. " tila biglang naging seryoso ang muka nito.



" Oo nga boyfriend kanga niya. Wala ka manlang pakialam sakanya! Nawawala na nga ung girlfriend mo! Ganyan kapa! " sigaw ko dito dahil hindi nako natutuwa sa inaasta niya.




" Louis, hindi kita pinalaki para sigawan ako. Ano bang nangyayari sayo ha?! Masaydo kang paranoid dahil lang kay Gianna! Nababaliw kana! " galit na sigaw din nito na lumapit pa sa akin para lang kumprontahin ako.





Hindi ako kumibo sakanya dahil sobrang naiinis ako! Oo paranoid ako dahil hindi ko alam kung asan si Gianna at kung ano na nangyari sakanya.


" San ka pupunta Louis?! Bumalik ka dito! " sigaw ng magaling kong tatay.



" Hahanapin ko ung girlfriend mo! Tutal wala ka namang pakialam sakaniya! Ako na lang ang hahanap! " sabay layas ko sa harapan niya.



Nakakainis ung matandang yon! Masyado siyang kalmado na tila alam niya kung nasaan talaga si Gianna. Masyadong tuso ung tatay ko, pero alam kong may hindi magandang nangyayari.



Sinubukan kong tawagan ung mga kapatid niya baka kasi sinundo niya ito. Pero ang sinabi daw kanina sa mga tita nila ay doon muna sila. Shit!



Bakit hindi manlang niya ako nireplyan, tapos nakontak na pala niya ung mga kapatid niya. Samantalang akong gf niya, wala siyang paramdam!




Mabilis akong nagdrive, hindi ko alam kung saan ako pupunta at hahanapin si Gianna. Wala akong alam kung saan madalas nagpupunta yong babaeng yon. Makita ko lang talaga siya lagot siya sa akin.



Teka, may naisip ako! Baka nakila Jenica siya!



Oo tama! Un lang ung kilala kong bestfriend niya!



Sinearch ko ito sa fb pero hindi ko nga pala alam ung aplido non! Damn!



Sa friendlist naman ni Gianna ay hindi ko din makita dahil naka hide ito.



Damn you Gianna! Pinapasakit mo ulo ko! Nag aalala na ako sayo.




Napansin ko na nagtext sa akin ung tatay ko na bumalik ako sa bahay. Pero hindi ko iyon pinansin.


Natuon ang pansin ko sa pangalawang text msg niya kaya mabilis kong hininto ang kotse ko sa gilid kalsada.

" Huwag mo ng hanapin si Gianna. Umuwi ka ng bahay at mag usap tayong dalawa. hihintayin kita anak. "

Pero ano kaya ang pag uusapan naming dalawa?! Bakit hindi pa niya sakin sinabi kanina! Jusko naman! Nakikisabay pa ung tatay ko, pero kailangan ko malaman kung ano ang pag uusapan namin. Baka tungkol ito kay Gianna kaya mabilis akong nag u-turn pabalik ng bahay.




" Ano ba daddy pag uusapan natin?! Busy ako maghanap sa jowa mo tapos nakikisingit kapa! " galit na bungad ko dito. 



Andito kami sa mini bar ng bahay, tahimik lang itong nagsalin ng alak sa baso at inabot niya sa akin. Napansin kong medyo namumula na ito, kanina pa kasi siya nag iinom nung nagpunta ako dito sa bahay ay naabutan ko na siya rito.



" Nung namatay ung mommy mo, feeling ko para akong naputulan ng isang binti. Nung mga panahon na nagsasama kami at lumalago ang negosyo natin, siya ung naging pahinga ko. Pero heto nga at kinuha siya agad sa atin. Nung panahon na pinanganak ka Louis, ako ang pinaka masayang tao sa ospital na yun. Nang magtama ung mata natin ay naluha ako, isa ka sa pinaka magandang nangyari sa buhay ko. " ngiti ng daddy ko na parang naiiyak pa.


" Daddy, huwag ngayon. " pigil ko rito dahil mahina ang damdamin ko. Mabilis akong umiyak, ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ano ba ang problema? Hays!



" Makinig ka muna anak. Back to the story, never ko pinagtaksilan ung mommy mo at alam mo yan. Buong buhay at puso ko binigay ko sakanya. Nung mawala siya ay unti unti akong nawalan ng gana, to the point na kahit ikaw ay hindi ko na nabigyan ng atensyon. Masyado kong ginugol ung sarili ko sa negosyo natin, na ang hindi ko na pala alam ay kung ano ang nangyayari sa pinaka mamahal kong anak. Alam kong malaki ang tampo mo sa akin dahil sa mga pagkukulang ko sayo bilang ama. Pero anak, simula ng dumating sa buhay ko si Gianna. Ung puso ko na madilim dahil sa pagkawala ng mommy mo ay unti unting nalalagyan ng kulay. Mahal na mahal ko si Gianna at ayokong mawala siya. Ayokong mawala ka din sa akin anak. Mahal ko kayong parehas, hindi ko nanaisin na may isa sa inyong mawala sa buhay ko. Sana maintindihan mo ang ibig kong sabihin. " paliwanag nito sa akin.



May kaba akong naramdaman. Para akong binuhusan ng malamig na tubig para matulala ngayon sa pagkakaupo, hindi ko lubos maisip na magkukwento ng ganito ung daddy ko. Pero isa lang ang pumukaw sa isip ko, hindi kaya may alam na siya sa relasyon namin ni Gianna?! Pero shit! Pano nangyari yon.



" Mahal kita anak, mahal na mahal kita. Hayaan mo akong bumawi sa pagkukulang ko sayo bilang ama mo. Hayaan mo na kaming maging masaya ni Gianna. Ibalato mo na sa akin ito.  " dugtong pa nito.




Hindi ko na kaya ung mga naririnig ko, hindi ko madirekta sakanya kung may alam naba siya sa relasyon namin ng gf niya. Shit!


Mabilis akong lumabas ng bahay, hinayaan kong mag-isa ung tatay ko don. Dahil baka may alam na siya at hinuhuli nalang ako. Hindi pwedeng mangyari yon dahil wala akong mukang ihaharap sakanya pag nagkataon. Eto na ang pinaka kinakatakot ko sa lahat. Shit!  kailangan ko makausap si Gianna. Siya lang ang makakasagot ng mga tanong ko!

--

To be continued..

I'M SECRETLY INLOVE WITH MY STEPMOM ( GXG ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now