Chapter 35

506 6 0
                                    

Gianna Dela Vega

" Are you okay Love? Kanina pa kita napapansin na tulala ka? " tanong sakin ni Louis habang nilalagyan ako ng pagkain sa plato. Ang sweet naman ng babaeng ito.



" I'm okay, nothing to worry about. Anyway, how's your day? " ngiti ko sakanya.


" Ayun, lagi kita namimiss. Lagi ko hinahawakan ung bracelet na bigay mo, iniisip ko na kahit malayo ka sakin ay hawakan ko lang ung bracelet ko napupunan na ung pagka miss ko sayo. " sabay ngiti niya ng pagkatamis tamis.

Hay! Ang babaeng to, lalo akong pinakikilig.


" Araw araw na nga tayo magkasama, hindi kaba nagsasawa sa pagmumuka ko? " tanong ko.


" Dati sawang sawa ako sa muka mo to the point na ayaw kita makita, pero dati un nung hindi pa kita mahal. Eh ngayong super love kita, bawat segundo nga gusto ko nasa tabi lang kita e. Magshift kaya ako ng course? Para magkaklase tayo. Haha! " loko talaga tong babaeng to. Kung ano ano naiisip pero ung puso ko grabe nanaman tibok. Oa na kung oa, pero kahit anong salita lang ni Louis parang hinahaplos lagi ung puso ko.



Nagkulitan lang kami ng nagkulitan ni Louis dito sa condo. Habang nanunuod ng movies. Hindi ko mapigilan na kung minsan ay titigan ito.

Napaka amo talaga ng mukha niya at walang taong hindi magkakagusto dito. Ang swerte swerte ko dahil naging sakin ka. Pero kahit masakit, tanggap ko na ung katotohanan na hindi pang matagalan itong relasyon naming dalawa dahil sa anak siya ng taong totoong nag mamay ari sa akin.



" Lalim naman ng iniisip mo. Huwag mong isipin yon, busy siya. Hindi nga tumatawag e. Sana makahanap na siya don ng iba para sakin kana talaga ng buong buo. " ngiti nitong pilit.


Alam kong nasasaktan din si Louis sa ganitong set up naming dalawa. Pero dahil sa pagmamahal ay nagagawa niya itong tiisin.


Napansin siguro niya na wala akong imik samantalang comedy itong pinanunuod namin sa netflix.


" Hindi ko naman siya iniisip, ikaw kaya lagi kong nasa isip. " ngiti ko



" Weh? Lagot ka kay Daddy, pinagpalit mo siya sa akin. Hahaha! " alam kong nagbibiro lang siya pero ramdam ko sa mga mata nito ang sakit.


" Shhh. Wag na natin pag usapan ung daddy mo. Enjoy nalang natin ung movies. " sabay halik ko sa noo niya.



Maaga akong pumasok dahil marami akong gagawin sa school, iniwan ko na si Louis sa kwarto na tila mahimbing ang tulog pero nilutuan ko muna siya ng makakain lalo na ung mga kapatid ko.





" Weeksary nanamin ni Louis, ano kaya magandang iregalo sakanya? " tanong ko kay Jenica.


" Ung pepe mo iregalo mo, tutal never been touch pa yan. Hahaha! " agad ko itong binatukan dahil sa kung ano anong sinasabi nitong bwcit na babaeng to.


" Daig niyo pa ang mga highschool ah? May pa weeksary pa kayong nalalaman. Sana all! " dugtong pa nito.


Hay nako! Sasawaan ka nalang talaga makipag usap sa babaeng to dahil puro kalokohan lang ang alam sabihin.


" Alam mo, makipagusap ka nalang sa pagong baka sakaling sumagot sayo. Wala kang kwentang kausap! Hindi kita ililibre ng lunch! " sigaw ko dito dahil naiinis ako. Kailangan ko ng matinong sagot hindi ung karami raming sinasabi. Hmmm!


" Kalma besh, may regla ka siguro kaya ang sungit sungit mo. Bilan mo siya ng chocolates. " payo nito


" She didn't like chocolates. Nakakataba daw. " sagot ko


" Uhmmm. Ako nalang bilan mo ng chocolates? " ngisi nito

" Bakit ikaw ba ang girlfriend ko? Duh! Bahala kana nga diyan! Nakakainis ka. Wala kang kwenta kausap! " nilayasan ko ito dahil nakakapang init ng ulo ung mga sinasabi niya!


Umupo nalang ako dito sa upuan dahil wala ako sa mood makipag usap kay Jenica. Sumasakit ulo ko kung ano pwede kong ibigay kay Louis. Kung dati naman ay kahit ano nalang ang iabot ko dito, pero bakit ngayon hirap na hirap akong isipin kung ano ppwede dahil napaka special ng araw na to. Gusto ko nga sana bawat araw mafeel niya na special siya sakin, pero sure ako kahit papaano nararamdaman naman niya yon.

" Bigyan mo siya ng isang bagay na pwede ka niyang maalala kapag namimiss ka niya. Halika samahan kita punta tayo. " sabay hila ni Jenica sa akin.

At ano naman kaya ung tinutukoy ng babaeng to sakin?! Hmmm!


Andito kami ngayon sa mall. Napakunot ung noo ko dahil puro stuffed toys ang andito sa loob.

Maraming available size at ang cute ng mga ito. Pero Teka lang? Hindi kami mga highschool students pa para magbigayan ng ganong regalo.

" Damn Jenica. What are you thinking?! Seriously Stuffed toys?! " inis na tanong ko dito. Hays! Jusko! Patawarin niyo ko baka maleegan ko nalang tong babaeng to.


" Hindi ito basta stuffed toys lang. Halika na mamili kana kung anong bibilhin mo. "

" Whatever! " sagot ko



Namimili ako ng isang stuffed toy pero hindi ako makapamili mabuti dahil hindi ko naman alam ang gusto ni Louis. Siguro ay isang maliit nalang na manika ang ibibigay ko dito, para madali mabitbit at kung hindi man niya magustuhan ay anytime pwede ko itong ihagis nalang kung saan. Hahaha!

Napansin ko ung isang teddy bear na sobrang liit. Ang cute! Para itong living teddy bear, mabalbon ito at kasing laki lang ata ng palad ko.

Kinuha ko iyon at inabot kay Jenica.

" Oh ayan napili ko bayaran mo na! Eto ung card. Nakakahiya kung ako bibili. " bigay ko dito.


" Maam, okay napo ba ito? Nakaready napo ba ung ilalagay natin na voice record? " tanong ng staff kay Jenica.

" What do you mean na voice record? " tanong ko.


" Ito po kasing mga stuffed toys na binebenta namin hindi lang po basta stuffed toys, pwede namin siya lagyan ng voice record niyo po para sa pagreregaluhan niya, para just in case na mamiss po kayo ng taong pagreregaluhan niyo ay pipindutin niya lang po ang button na to, then magpplay napo ung voice record niyo. " ngiti at paliwanag sa akin ng staff.


Wow ha! Infairnes may pakinabang naman pala itong si Jenica, bahagya akong napangiti. Sana ay magustuhan niya itong simpleng regalo ko para sakanya.

--

To be continued..

I'M SECRETLY INLOVE WITH MY STEPMOM ( GXG ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon