Chapter 2

1.4K 23 0
                                    

Gianna Dela Vega

" Clyde, kamusta ang pag aaral mo? Pinag bubuti mo naman ba? " tanong ko sa kapatid ko habang nagsasampay dito sa balcony.



" Yes naman po ate. Ang totoo nga po niyan ako ang high score kanina. Look oh! " sabay taas niya ng test paper niya sakin.


Manang mana talaga sa akin tong mga kapatid ko. Hahaha


" Wow naman. Ikaw Cheska, how's your school? Mababait naman ba ang taong andon? " tanong ko kay bunso namin.


" Yes ate, mababait sila. Lagi nga silang nagpapalibre sakin. Sabi ko kasi I'm rich. Hahaha "


" Lokong bata ka. Huwag mo uubusin ang weekly allowance mo kakalibre sakanila. Tandaan mo hindi biro ang tuition fee mo sa school na gusto mong pasukan. " napapailing kong sagot


" Yes naman ate. And actually pala ate kahit transferee ako gusto nila ako maging part ng student council. "



Napapangiti ako dito sa mga kapatid ko habang pinapakinggan ko ang mga kwento nila about sa nangyari sa school nila pati na din ang achievements nila araw araw.



Mapag mahal akong ate, lahat gagawin ko para sa mga kapatid ko. Walang oras na hindi ko naipaparamdam sakanila ung pagmamahal ko para sakanila. Kahit na minsan ang titigas ng ulo. Lagi din nila ako pinipilit na kumuha nalang kami ng katulong para daw hindi na ako mahirapan sa gawaing bahay. Pero gaya nga ng sabi ko ayokong may taong mainvolve at malaman pa kung ano dahilan kung bakit ako nagkakapera.



Sa school kung makikita nila ako, para akong maarteng tao na puro luho lang ang alam. Pero hindi nila alam kapag uwi ko ng bahay may mga kapatid pa akong makukulit na inaalagaan at inaasikaso araw araw.



" So dahil diyan, anong gusto ng mga matatalino kong kapatid? Tell me. Bibilhin natin yan. " ngiti kong tanong sakanila.


Ganito ako kapag natutuwa sakanila, lahat ng gusto nilang bilhin ay binibili ko. Syempre papalitan naman iyon ng mga daddy ko HAHAHA. Spoiled din kaya sila sa mga yon.


Napagpasyahan namin pumunta sa mall at gusto daw nila magshopping. Pinagbigyan ko nalang ito, para mas lalo silang magsipag sa pag aaral nila. Gusto kong maenjoy ang buhay nila na hindi ko manlang naranasan nung bata ako. Hays! Bigla naman tuloy akong nalungkot.


" B-babe? " nabubulol pang tawag sa likuran ko ng isang matikas na boses na hindi ako nagkakamali. Si Rey.



Paglingon ko dito ay hindi nga ako nagkamali ng akala. Akalain mo yun, makikita ko tong matandang to dito, kung tutuusin ayoko muna nga dapat magpakita sakanya para mamiss naman niya ako.



" Hello Babe, ikaw pala. Whatta co-insedence! I miss you! " sabay lapit at yakap ko sakanya na kunware ay namimiss ko pero ang totoo diring diri ako sa ginagawa ko.



Napagpasyahan naming kumain sa isang sikat na restaurant kasama ang dalawa ko pang kapatid. Tuwang tuwa naman ang mga ito kasi bihira lang din kami lumabas at kumain sa ganitong lugar kasama sila.



Si Rey nadin ang nagbayad sa mga pinang shopping namin gamit ang card niya, mabuti na din to para medyo makatipid kami at hindi magalaw ang budget namin.



" Babe, i have to go. Actually may meeting ako after this. Hope nag enjoy kayo. Bye guys, see you next time. Loveyou babe! " sabay halik nito sa pisngi ako at tuluyan na ding umalis.



" Ang bait bait talaga ate ni kuya Rey hano. Tignan mo mga binili niya sa amin. Ang gaganda, at ang mamahal pa. " wika ni Clyde.



" Oo nga ate " tila tuwang tuwa at nagnining ning pa ang mata ni Cheska habang binubuklat ang mga napamili namin.


Ako naman ay nagsinop na pagdating namin dito sa bahay pagkatapos ay nagreview na din. Ayokong palagpasin bawat chapter ng pinag aaralan namin kasi isa din akong Dean's lister sa school namin.


Review dito review doon. Medyo nananakit na ang mata ko kaya napagpasyahan ko nalang na mag facebook.



Madami nanamang tawag at call ang mga daddy ko pero hindi ko nalang ito pinansin kasi tinatamad ako makipaglandian sakanila. Saka nalang siguro kapag may kailangan ako sakanila. Hahaha!


Scroll down dito, scroll down diyan.


Ganito lang ang buhay ko kapag bored na bored ako sa buhay ko. Wala din kasi ang totoong karelasyon. You know what i mean. Everything is a work, trabaho na hindi dapat sineseryoso.


Ewan ko ba kung bakit madami ding nanliligaw sa akin sa school pero wala akong natitipuhan, at mahirap na malalaking tao ang mga daddy ko. Baka mamaya pinamamatyagan ako don kung may karelasyon ako maputol pa ang sustento ko.


Nang biglang may nag pop up sa notification sa facebook na galing sa di ko naman kilala kasi nasa message request ito.


" Hi beautiful lady. Hope you're doing fine. I want to meet you soon, I'm your secret admirer. :) "



Hindi ko nalang ito nireplyan matapos kong makita yung profile niya. Ano to jejemon? Panahon pa ng 2012 era? Gosh! Isang anime lang naman ang profile niya.


Wala akong panahon pa para makipagchat sa mga ganoong bagay kaya mas pinili ko nalang matulog kasi medyo makati na ang mata ko.

..

--

To be continue

I'M SECRETLY INLOVE WITH MY STEPMOM ( GXG ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now