Chapter 9

578 6 1
                                    

Gianna Dela Vega


" Omg besh! Nagkita na kayo ni Wrestling boy?! Ano itsura niya? Di mo manlang ako sinama. Siguro kahapon un hano? Nung di mo kami pinansin at nagmamadali kang naglalakad! " sigaw ni Jenica sa akin.



Tanging ngiti lang ang binigay kong sagot sakaniya.



Naalala ko kasi ung pag uusap namin kahapon ni Drake. Drake pala ang tunay na pangalan niya, pero hindi ko na tinanong ang apilyido niya. Siguro dahil na din sa nakafocus ako masyado kapag ngumingiti ito sakin. Ang gwapo gwapo naman kasi talaga!



May sense humor din ito at napaka lakas ng dating niya, sa sandaling magkausap kami sa library para akong nasa ulap. Never ko na experience ito, ang saya niya kasi kausap. Hindi ako nabored manlang.



Para bang hindi iyon ang first meet up namin dahil wala kaming alam gawin kundi tumawa non. May minsan panga nababawal kami ng librarian dahil lagi kaming dalawa humahagikgik. Walang awkward moment na nangyari.


" Eto look. " inabot ko ung phone kay Jenica para ipakita dito ung picture ni Drake, pasimple ko kasi itong pinicture-ran bago umalis kahapon. Kasi panigurado tatanungin din ako kung ano itsura niya.



" Omg! Besh! Ang gwapo! Ang hot! Amoy baby powder! " sigaw ni Jenica na nanlake ung mata.



" Hoy, ung bunganga mong hitad ka. Tumigil ka nga diyan. Oo pogi nga, wag kang humiyaw diyan. " bawal ko sakanya. Sinu-zoom pa nito ang picture.


" Grabe ka gurl! Ang gwapo gwapo naman pala ni Wrestling boy. Kung ako siguro yan at nakita ko yan personally baka nalaglag na ung panty ko at bumukaka nalang sa harap niya.... Aray! Besh. Aray! " hinablot ko kasi ang buhok nito. Ang bunganga naman kasi! Mamaya may makarinig eh! Tsk!



" Miss President, pinapatawag kapo ni Dean sa office niya. Ngayon na daw po. " biglang lapit sa akin ng isang studyante.



Naku patay, tumakas nga pala ako sa meeting namin kahapon para lang imeet up si Drake. Lagot na.



Agad naman na akong naglakad patungo sa office niya na kinakabahan.



" So what's goin on Miss Dela Vega? Bakit bigla kang nawala sa meeting kahapon? You know that meeting is very important. " bungad sakin ng dean namin.



" I'm sorry dean. Nagkaproblema lang po, sumakit po ung tiyan ko kahapon. Kaya nagtungo ako sa cr pagkatapos ay umuwi napo ako kasi sumama ang pakiramdam ko. " pangangatwiran ko dito.



" Oh, sa library na pala ang bago niyong bagay Miss Dela Vega. " iiling iling nito.



Hays! Wrong moved Giana! Magpapalusot na nga lang palpak pa.



" I'm so disappointed Miss Dela Vega. Alam mo na President ka dito sa buong university. Mas inuna mo pang makipag hagikgikan sa lalakeng kasama mo. You should know your limit. Makakaalis kana, and ayoko ng mauulit pa ito. This is first and last warning. Kung mauulit pa itong ganitong bagay, mapipilitan akong isuspend ka as President of this University. "



" But Dean... "


" You may go now Miss Dela Vega. " pag papaalis nito sakin.



Namumugto ung mata kong lumalabas sa office niya. Mababaw lang ang luha ko at mabilis masaktan. Un na ata ang kahinaan ako. Hindi ko manlang kasi naisip ung responsibilities ko as a president nung araw na yon dahil mas pinili kong makipagkita kay Drake.



At ito pang ang masakit. Huling huli na pala ako, bakit kasi nangatwiran pa ako. Hays!

Bahagya akong napasabunot sa ulo ko.


" Hi, mukang malungkot ka? Mukang kailangan mo ako para pasayahin ka. " nagulat pa ako ng may nagsalita sa likod ko. Si Drake, nakangiti ito sa akin.



" Napagalitan ako ni Dean. Ikaw kasi, masyado mokong minadali kahapon. " biro ko sakanya.


" Sorry, hahaha! " sabay tawa nito. Sweet naman ng tawa niyan. Sarap mo ikiss sa lips para tumahimik ka sa kakatawa mo diyan. Hmm! Hahaha


" Okay lang, ako naman nag aya sayo dito sa library. " sagot ko dito.


" Ah oo pala. Ahahahaha " weird naman ngayon ni Drake. Debale na.



" Uhmm. Miss President, gusto sana kita ayain lumabas? " nag aalangan na tanong nito sakin. Baka siguro ay nahihiya pa. Pero sa text may nalalaman pang baby i want to touch your body blah blah blah.


" Sige kailan ba? " tanong ko


Nagtataka ako wala ding effort to ngayon sa kin. Dati naman nung nagkakausap kami sa chat maya't maya kung ano pinapadala. Tapos ngayong magkakilala na kami personally bigla susulpot sa harap ko.


" Later sana Miss President. Sunduin nalamg kita sa room mo? " ngiti nito sakin.


Naku kung hindi lang sweet yang ngiti mo, magtataka na ako kung bakit hindi kana nag eeffort sa akin.


Ang oa mo naman Gianna. Ngayon lang pumalya ung tao tapos nagtatampo ka agad. Oa yarn? Sigaw ng hitad kong utak. Kainis! Tama nga naman.


" Okay sige sige. After class, 4pm. " sagot ko sakanya at nagbabye na kasi malelate na ako sa klase ko.


At eto nga late na ako for the first time. Ayun nakagalitan ako ng terror naming teacher. Hays.


Natapos na ang maghapong klase ko kaya eto sinundo na ako ni Drake. Nauna pako sakanyang lumabas sa room namin, at ako pa ang naghintay sakanya para pumunta dito.


" Uy besh yan ba yon? Grabe ang pogi nga. " bulong sa akin ni Jenica.


" Ay besh, hindi mo naman pala sinabi na may gwapo kang manliligaw. Pwede kabang maagaw kay Queen-bee? Charot. " singit naman ng malanding si Venus. Hahahaha


Ngumiti lang ito at tila parang nahimatay pa kunware si Venus. Talande talaga tong mga to.


Saka haler, hindi ko siya manliligaw hano. Wala pa siyang direct na sinasabi sa akin.

" Hi guys, pero maiwan na namin muna kayo. Nice to meet you guys. " sabay hila sa akin ni Drake at sumakay na kami sa kotse nito.

--

To be continue

I'M SECRETLY INLOVE WITH MY STEPMOM ( GXG ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now