Chapter 39

494 10 0
                                    

Rendiel Louis Salonga



" Daddy, ayoko muna umuwi. And beside mabobored lang ako sa bahay. Ikaw nalang muna umuwi, dito muna ako kay Gianna. " pagmamaktol ko sa tatay ko



Hanggang ngayon tulog pa si Gianna, masyado atang napagod sa ginawa namin kagabi. Nakikipagpilitan din ako ngayon sa tatay ko dahil ayoko pang umuwi sa bahay namin. Gusto kong lagi akong kasama ni Gianna.



Bahagya akong nagselos simula ng dumating si Daddy ng Pilipinas. Pero wala naman ako magagawa, dahil ginusto ko naman itong set up na ito.



Masaya padin ako dahil alam kong wala pa kina daddy at Gianna na nangyayari. You know what i mean guys. Sa nangyari sa amin kagabi ni Gianna, dun ko napatunayan na birhen pa ito. Actually wala akong idea sa mga ganong gagawin, pero dala nadin siguro ng init at bugso ng damdamin kaya ko siya nasatisfy sa mga ginawa kong iyon.



" Anak, nakakahiya kay Gianna kung mananatili pa tayo dito. Mukang sumobra naman na ata ang pagiging magkasundo niyo? " takang tanong nito.



" Diba eto naman ung gusto mo? Ang magkasundo kami? Then ikaw nalang ang umuwi, ill stay here sa ayaw at sa gusto mo. " madiin na sagot ko sakanya.



" Louis, papayagan kita na magstay dito kay Gianna, pero umayos ka. Huwag kang gagawa ng kalokohan okay? " sabay buntong hininga nito.



Wala siyang magagawa kapag gusto ko ipilit ang gusto ko, sakanya ako nagmana. At alam kong alam niya sa pagkakataong to hindi niya ako mapipilit na umuwi ng bahay. Dahil ayoko. Ayokong malayo sa babaeng mahal ko. Sorry daddy, pero mas mahal ko siya kesa sa pagmamahal na binibigay mo sakanya.




" Goodmorning guys. Kanina pa kayo gising? Sorry medyo nalate ako. " bungad ni Gianna. Napataas ang kilay ko.



Shit! May kissed mark siya sa leeg!



Agad ko itong hinila papuntang kwarto.


" Louis, ano ba! Ung braso ko! Makahila ka! " galit na hiyaw niya after non tinutok ko siya sa man-sized na salamin dito sa kwarto.



" What the fuck! Hindi ka nag iingat! Tignan mo tong ginawa mo! Ano sasabihin ko sa daddy mo kapag nakita niya to?! " galit padin niya at kinurot kurot ako.



Pinagpalit ko agad siya ng turtle neck dahil hindi pwede makita iyon ni Daddy. Kung baka isipin niya may ibang lalake itong girlfriend niya na girlfriend ko din. Tssk!



" What's going on Babe? " takang tanong ni Daddy sabay halik nito sa pisngi ni Gianna na tila alalang alala.



" Daddy, ang oa mo naman! " bawal ko dito.



" Shut up Louis. " pagsusungit niya at inirapan ko lang ito.



Nakapameywang ako habang pinanunuod ung lovers. Halatang mahal na mahal ni Daddy si Gianna. Nakikita ko kung paano niya tignan si Gianna sa mga mata niya ay pakiramdam ko ganon din ako.



Mag-ama nga kami, parehas kami ng taste sa babae. Mukang kailangan naming mag usap ng love ko kung paano ang gagawin namin sa relasyon naming dalawa. Pero ayoko pang maghiwalay kami, sigurado pag sinabi niya un ay baka magwala ako.



Lihim akong nasasaktan sa tuwing nakikita ko sila ng harap harapan. May part sa akin na naaalala ko si Mommy at hindi ako sanay na sa ibang tao ni Daddy gagawin ung ganitong sweetness. Matagal kong hindi nakita ung ganitong emosyon sa tatay ko, simula ng mamatay si Mommy lagi lang tahimik si Daddy at puro trabaho na ang inatupag nito, wala nga siyang time palagi sa akin. Kaya nga nung sinabi niyang may gf siya ay nasaktan ako ng sobra at naginf selfish ako to the point na binawalan ko magmahal ulit ung tatay kokasi ayokong mapalitan si Mommy sa puso niya. Pero eto ang isa ko pang problema, ang kaisa isang bumuhay ulit sa puso ng tatay ko ay lihim kong karelasyon ngayon. Hindi ko mapatawad ung sarili ko dahil sa mga ginagawa kong katarantaduhan ngayon, pero hindi ako nagsisisi. Kasi mahal na mahal ko si Gianna, masyado akong baliw dito at hindi ko kayang maghiwalay kaming dalawa.



Para akong highschool student na inlove na inlove. Eh ano magagawa ko, pinana ako ni kupido tas dito pa niya ako pinatner kay Bitch na jowa ng tatay ko.



Minsan naiiisip ko din kung hanggang saan aabot itong pagtataksil na ginagawa naming dalawa. Pero isa lang ang lagi kong nasa isip, un ay laging iparamdam kay Gianna kung gaano ko siya kamahal.



" Anak, mamayang unti ay uuwi na ako. Gianna, pwede bang ihatid mo muna ako mamaya? " ngiti nito.


" Sama ako Daddy! " singit ko sakanila.



" No Louis maiwan kana muna dito. Ako na muna bahala kay Rey na maghatid. Saka may pasok kapa mamaya. " pigil ni Gianna sakin.



Inirapan ko lang siya. Masyado naman siyang takot na takot sa tatay ko para isang pabor lang nato ay susunod agad siya.


Under yan?! Kainis! Hindi na ako kumibi habang ung dalawang sweetlovers andon masayang nagkukwentuhan, lihim akong nakikinig sa kwentuhan nila pero deep inside sa akin ay naririndi na ko dahil nag throwback pa si Daddy ng mga nakaraang date nila na tila sweet daw at memorable daw ito para sakanya.



Feeling ko tuloy namumula na ung muka ko sa galit. Kung pwede ko lang halikan si Gianna sa harap ng tatay ko para matigil ung landian nilang dalawa ginawa ko na! Bwcit! Bwcit! Bwcit!

--

To be continued..

I'M SECRETLY INLOVE WITH MY STEPMOM ( GXG ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon