11

125 10 0
                                    

MATAPOS naming kumain ay napagdesisyonan na naming bumalik sa camp tent. Pero biglang sumakit ang tiyan ko kaya pinauna ko nalang sila doon.

Sinamahan ako ni Abby, mag re-retouch din siya saglit. Ilang minuto na kaming naghahanap ng cr kaso wala parin kaming mahanap. Hindi rin kasi namin kabisado ang mga pasikot-sikot dito.

"Ayon may tour guide, tanungin natin dali." mabilis akong hinatak ni Abby papunta doon.

Nang makalapit ay nagkatinginan kaming dalawa. Alam ko na ang mga tingin sa'kin ni Abby.

Matunog akong bumuntong-hininga. Ano pa ba magagawa ko? Kanina pa sumasakit ang tiyan ko. Kaya naman ako na ang nag tanong.

"Ah kuya, excuse me po.... pwede ho bang magtanong?"

Napabaling ang tingin niya sa'min. "Oo naman, ano 'yon?"

I smiled. "Saan po ba dito 'yung may malapit na comfort room?"

"Ah 'yon lang ba? Dumiretso lang kayo sa bandang don, tapos may makikita kayong malaking cottage, malapit lang doon." sambit niya habang ikinukumpas 'yung daan.

"Ah sige po, maraming salamat."

Naglakad na kami kaagad doon sa direksyon na tinuturo ni kuyang tour guide. Marami kaming nakasalubong na mga taong naka bikini, or something like Beach outfit.

Siniko ko si Abby nang mapansin kung paano siya tumingin sa mga dumadaan. Hine-head to foot niya kasi ang mga 'to, tapos 'yong klase ng tingin niya ay parang nanghuhusga.

Inirapan niya lang ako saka naunang pumasok sa loob ng comfort room. Napatingin pa muna ako doon sa mga tinatarayan niya. Mabilis akong sumunod kay Abby sa loob nang tingnan ako ng masama ng isang babae. Aba'y gago!

Pambihira kasi 'tong si Abby, akala tuloy nila pati ako hinuhusgahan sila. Pagkapasok ko sa loob, nakita ko nang nasa harap na ng salamin si Abby, nag reretouch. Napailing nalang ako bago pumasok sa loob ng isang cubicle.

Ilang minuto lang ay lumabas na ako ng cubicle. Lumapit ako kay Abby na hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos sa ginagawa niya.

Kinuha ko sa aking bag ang pang-ipit ko at saka marahang tinali ang aking buhok. Nag-ayos narin ako ng sarili saglit.

"Bilisan mo d'yan Ali para makapag pahinga pa tayo ng ilang oras." Grabe siya porke tapos na siyang mag retouch.

"Alam mo ba kung anong oras magsisimula 'yung mga activities?" tanong ko bago naglagay ng kaunting liptint sa labi.

"Actually, nag chat sa'kin si Klea kani-kanina lang, sabi niya mamayang alas tres e medya daw. So that's why we need to take some rest." pinagkrus niya pa ang dalawa niyang braso.

Tumango naman ako bago ko inilagay sa pouch ang aking liptint. "Okay, let's go then."

Nauna na akong maglakad kay Abby para buksan ang pintuan. Nagtaka ako bigla nang ayaw itong mabuksan. Impossible namang may nag lock sa'min dito sa loob. Sino naman gagawa nun diba?

"Ali what happened? Bakit ayaw mabuksan?" hinawi niya ako para siya naman ang sumubok na buksan ito.

"Hindi ko rin alam, na lock ata tayo." natampal ko ang noo ko.

"Pano na tayo dito?" halatang paunti-unti ng kinakabahan si Abby.

"Teka, susubukan nating humingi ng tulong, baka may makarinig sa'tin mula sa labas." pagpapakalma ko sa kaniya.

Tumango siya. "Subukan ko ring tawagan sina Klea." mabilis niyang kinuha ang cellphone niya.

"Tulong! May Tao ba diyan? Tulungan niyo po kami! Na lock po kami dito sa loob." paulit-ulit kong sigaw habang kinakatok ang pintuan.

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Where stories live. Discover now