Chapter 23: After All

11.5K 277 11
                                    

Chapter 23: After All

"PRINSESA KO," BULONG ni Marky habang naka-squat sa harapan ng anak. Nasa tapat na sila ng pintuan ng kuwarto ni Monic nang may bigla siyang maalala na ibilin dito. "Kapag pala hindi pumayag si Tita Nix na sumama sa atin, pilitin mo siyang sumama ha? Sabihin mo—"

            Natigilan si Marky dahil biglang nagbukas ang pinto at niluwa ang dati niyang nobya na mukhang nagulat na makita sila roon.

            "Oh? Anong ginagawa niyo diyan?" Tanong ng dalaga na nagpa-tensyonado kay Marky.

            P-patay. Narinig kaya niya ang pinagsasabi ko sa anak ko? Tiningala ni Marky si Monic at inobserbahan ito. Nagpatuyo pa yata ito ng buhok kaya natagalan, ayun ang napansin niya. At ang mga mata nitong nagtataka at nakatitig sa kanya... hindi niya mapigilang gantihan ng pagtitig. Bakit ba ang sarap niya titigan? Then natauhan siya. Kung saan-saan na napupunta utak ko!

            "Tita Nix! Mag-swimming po tayo!" Si Alannah na ang nagsabi.

            "Swimming?" Tunog na-excite naman si Monic. Mababakas na rin sa mga mata nito ang excitement na iyon.

            "A-ah, oo, oo." Tumayo na si Marky. "Gusto ka sana naming yayain na mag-swimming kasi ito," hinawakan niya sa ulo ang kanyang anak. "Na-engganyo sa cartoons na pinapanood."

            Natulala sa kawalan si Monic and Marky knew, nag-iisip ito kung sasama ba o hindi.

            Sumama ka... Sumama ka, Nix... He chanted in his mind.

            "Uhm..." Mukhang nag-aalangan ito. "Ngayon na ba balak niyong umalis? O mamaya pa?"

            "Ikaw, kung saan ka okay. Ngayon na o mamayang after lunch na lang?"

            "Ayun! Mamayang after lunch na lang, please?"

            Napangiti si Marky. "Sure. Walang problema. Basta makasama ka sa amin, ayos lang."

            Ginantihan siya ng ngiti ni Monic. "Well then, sasama ako sa inyo. I'd be very glad to, Marky."

            Yes! At nagwala si Marky sa loob-loob niya dahil sa tuwa.

                                                                                                ***

BILIS, MONIC! BILIS!

            Pagkabayad sa counter ng isang department store ay pigil na tumakbo si Monic, yakap-yakap ang paper bag ng pinamili niya.

            After lunch ang usapan nila ni Marky na pumunta sa isang malaking resort sa kabilang lungsod. Pero lunch time pa lang ay umalis na sila at nagpunta sa kalapit na mall. Doon na sila nananghalian. Pagkatapos kumain ay doon na rin sila namili ng babauning pagkain as well ng bathing suit na susuotin ni Alannah. Never pa pala kasi nitong nararanasan na mag-swimming.

            Paalis naman na dapat sila kanina ng mall ng biglang magpaalam si Monic na may nakalimutang bilhin sa department store. Truthfully, sinadya niya iyon. Ayaw niya kasing ipakita kay Marky ang bibilhin niya, which was a swimwear. Wala kasi siyang nadala na ganun nung maglayas siya. Malay ba niya na mangyayari pala sa kanya ang kasalukuyang nangyayari—her, spending summer with Marky and Alannah.

            Napangiti si Monic sa kanyang naisip. Parang dati lang, wala gaanong kulay ang buhay niya. Walang Marky, walang Alannah. Ngayong kasama niya ang mga ito, lahat na yata ng masasayang kulay, meron na ang buhay niya.

Love, The Second Time AroundWhere stories live. Discover now