CHAPTER THIRTY-TWO

545 58 10
                                    

Shane Andrea Juarez

Hindi ko alam kung totoong sumakit talaga ang tiyan ni Felina o gusto lang kaming magkaroon ng quiet moment ni Micah. Kami na nga lang dalawa ang sumakay sa pump boat at nag-ikot sa isla.

Na-mesmerize ako sa mga bahay diumano ng mga politiko, celebrities, at multi-millionaires na nakahilera na parang sa isang postcard sa isang isla na pinuntahan namin.

"That's the house of Senator Lee," sabi sa akin ni Micah. Iyong Senator Lee na sinasabi niya ay ang may-ari ng mga cheap housing sa bansa. Grabe, nalula ako sa ganda ng bahay niya. Gawa sa fiber glass ang dingding at ang bubong ay ginawan pa raw ng helipad. Straight from a postcard din ang hardin na nakabalandra sa pampang.

"Iyan naman ang bahay ng dating Chief Justice natin. I think that's one of the most expensive houses in that village. He used to serve as the associate justice for two consecutive presidents of the country."

Napanganga ako sa bahay lalo pa nang makita itong napaligiran ng mga armadong bodyguards. Tanaw mula sa kinaroroonan namin ang kanilang infinity pool at mga exotic trees. Parang hindi aakalain ninuman na nasa Pilipinas ang tanawing iyon. Sobrang ganda!

May pinindot si Micah sa sinasakyan naming pump boat at tila nag-honk ito. Kitang-kita kong napa-hand salute ang gwardyang pinakamalapit sa pampang.

"I always had to do that to let them know who I am. Namamaril ang mga iyan ng magkakamaling mapalapit sa pampang."

Napanganga na naman ako. "No kidding?"

Umiling-iling si Micah. "I'm serious. The Chief Justice is a good friend of my abuelo."

Napaisip ako roon. Sabi kasi nila, birds of the same feather, flock together. At sigurado akong hindi nakuha ng hukom na iyon ang kanyang kayamanan sa malinis na paraan. Hindi naman siguro nakaka-bilyonaryo ang pagiging chief justice ng Pilipinas. Sinarili ko na lamang ang naisip ko about his grandfather.

Umikot pa ang sinasakyan naming pump boat hanggang sa pinakadulo ng isla at bawat malampasan naming pamamahay ay larawan ng grandiosong disenyo. Muntik na akong malaglag sa bangka nang sinabi niya kung magkano ang pinakamurang bahay doon. Nine hundred million pesos daw! Ang pinakamahal naman ay umaabot ng tatlong bilyong piso. Bahay pa lang daw iyon at hindi pa kasama ang accessories sa loob na natitiyak niyang papantay o hihigit pa sa overall worth ng kabahayan.

Nilingon ko uli ang isla. Ang bahay ng isang female celebrity ang pinakamura roon. Binalikan ko sa isipan ang mga nagawa niyang pelikula at TV shows noon. Hindi ko sukat-akalain na sa ganoong pa-ekstra-ekstra lang sa kung ilang movies at TV series ay makakalikom siya ng ganoon ka laking halaga. Na-question ko tuloy kung tama bang nasa advertising ang pinili kong kurso.

"She's a mistress of a corrupt politician," pahayag ni Micah. Nabasa siguro ang laman ng isipan ko. Pagkabanggit niya sa pangalan ng naturang politiko, naimbyerna ako. Now, I know kung saan napupunta ang pork barrell ng legislator na iyon. Nainis ako agad.

Habang nagkukwento siya tungkol sa bawat may-ari ng mga nadaanan naming bahay, pinagmasdan ko siyang mabuti. He looked relaxed and happy. Walang pinagkaiba sa Micah na una kong nakilala. I felt happy and contented just by looking at him. Winish ko nga nang mga sandaling iyon na hindi na matapos ang aming pamamasyal. Parang ayaw ko nang bumalik sa resort dahil alam kong nandoon ang toxic niyang ex saka ang mahaderang ex din ni Thijs na kahit saan niya ako makasalubong sa beach ay pinaparinggan pa rin ako. Parehong bruha.

Napahawak sa mukha niya si Micah. No'n lang ako napakurap-kurap. I felt like I was caught red-handed doing something I was not supposed to do.

"May dumi ba ako sa mukha?" may himig pagbibiro niyang tanong.

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum