CHAPTER THIRTY-NINE

543 65 9
                                    

Shane Andrea Juarez

Dati na kaming nakapuntang Iloilo nila Felina, Keri, at Eula. Dito kasi kami dumaan papuntang Boracay noon. I could say na na-impress ako sa lugar. Kakaiba kasi ito sa Manila. Masasabing highly urbanized na rin ang kanilang siyudad pero napanatili pa rin nito ang karisma ng isang probinsya. Masigla man ang negosyo, laidback pa rin ang mga tao. This is what I like about their city.

Five years ago, when I was just starting college never kong inisip na pupunta akong ibang probinsya para makipagsapalaran. Mangibang-bansa, oo. Pangarap ko iyon noon. In fact, lahat kaming magbabarkada nagplano nang pumuntang Amerika pagkatapos ng college. Sabi namin, mauuna sila Keri at Eula sa Maryland dahil may mga connections na doon ang kanilang mga magulang tapos susunod kami ni Taba. Kaso, nang makilala ni Yolanda si Sir Maurr, tila nagbago ang ihip ng hangin. Nawalan na siya ng ganang sundan ang yapak ng mommy niya sa Amerika. Gusto niyang pumirme kung saan si Sir Maurr.

Napangiti ako nang maalala ang kabaliwan ng kaibigan kong iyon. And for one brief moment nakaramdam ako ng lungkot. Saka takot na rin. Hindi ako sure sa gagawin ko pero determinado akong umasenso sa sarili kong kayod na malayo sa magulang at sa ate na maya't maya ay nag-o-offer ng capital for a business.

"Ne, hambal ko ma-board ka diri sa amon? (Ne, ang sabi ko magbo-board ka ba rito sa amin?)" tanong ng ale na parang nayayamot na.

Napakurap-kurap ako at napatingala sa luma niyang two-storey house na malapit sa isang state university. Parang mukhang haunted house, pero ang mura ng bedspace. Malapit pa sa mga schools. Iyan ang kailangan ko sa naisip kong negosyo.

"Sorry, manang. Hindi po ako nakakaintindi ng Ilonggo."

"Ah. Tagala ka pala. Akala ko kasi tagarito ka lang sa Iloilo."

Napangiti ako sa tono niya. Ang cute. Para siyang kumakanta. But of course, I controlled myself. Kapag tumawa ako, though hindi ko naman pinagtatawanan ang punto niya baka mainsulto siya.

"Opo," pakli ko.

Nagpaliwanag na siya sa rules ng paupahan niyang kuwarto hindi pa ako umu-oo. Napakamot-kamot na lang ako ng ulo.

Nang tinu-tour na niya ako sa bawat sulok ng bahay, I was convinced na doon na nga ako titira pansamantala. At iyon ang una kong naging tahanan sa Iloilo.

Habang tinitimpla ko ang unang tasa ng milk tea na inorder ng buena mano kong customer na anak lang din ng landlady ko, naisip ko si Mom at ang sinabi niya sa akin. "Hindi ka yayaman sa pagtitinda ng tsaa na may gatas!"

I smirked. And I promised myself I will make something out of my obssession.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

Pagkapa ko sa katabi, malamig na kutson ang nahawakan ng kamay ko. Bigla akong nadilat at tiningnan ang space ni Shane sa tabi ko. It was empty. Though it was not the first time it happened dahil laging mas maaga siyang gumigising to cook me breakfast, may kakaibang dating sa akin ang umagang iyon. Bigla akong kinabahan nang todo. Napabangon ako agad at dali-daling pumuntang kusina. Wala siya roon. Ang nandoon ay isang kapirasong papel na nakatupi sa ibabaw ng counter. Mayroon nang mainit na kapeng nakasalang sa coffee maker, pero wala na siya.

Napatitig ako sa maikli niyang note ng pamamaalam at napamura ako nang malakas. Without me knowing it, butil-butil nang luha ang umagos sa pisngi ko. Parang delubyo pang bumalik sa aking alaala ang mga huling iilang araw. I was mean to her. Nasigawan ko siya. Sinilent treatment. And all because I was so stressed out and worried about our future. Natakot akong iiwan niya ako dahil wala na akong pera. At nagkatotoo nga!

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Where stories live. Discover now