CHAPTER FOURTEEN

607 75 10
                                    

Shane Andrea Juarez

Kinalabit ng dad si Mom. Then, I heard him whisper na h'wag daw magkalat doon ang mommy. Tumahimik nga ito, pero she was eyeing Micah with contempt. Napailing-iling na lang ako sabay labas na ng silid na iyon. Tinawag niya ako, pero hindi na ako lumingon pa.

Sa labas ng silid ay hiningi ko ng paumanhin kay Micah ang inasal niya. He just laughed. He seemed amused. Ni hindi ko siya nakitaan ng hinanakit.

"I do understand. If I were your mom, I think I would not approve of an older guy seemingly showing an interest in my daughter."

Napadila ako sa upper lip ko. Seemingly showing an interest...Nagpaparinig ba ito? Nakita kong kumislap ang kanyang mga mata at tila namungay pa when he looked at me. Hindi ko napaghandaan iyon. Tumalon ang puso ko. Tila'y kinilig ako sa nakitang expression sa kanyang mga mata, pero alam ko ring hindi ko dapat ipakita iyon. Dapat kong panindigan ang sinabi ko sa kanya noon nang tanggihan ko ang alok niya na maging kahit pretend girlfriend lamang.

"H-hindi n-naman d-dapat gano'n," nauutal kong sagot. "Kahit ano pa ang tao, walang sinumang dapat mang-insulto sa kanya. No one has the right to make somebody feel bad about his status in life. Saka---,"lumingon ako sa direksiyon ng pintuan kong saan ko iniwan sina Mommy, "h-hindi na kami ang dating kami, if you know what I mean."

Tumingin siya sa akin nang matiim.

"We're broke," sabi ko pa. Iyon naman ang paglabas ng mga magulang ko sa silid. Narinig ni Mom ang sinabi ko. Pinandilatan niya ako agad at hinablot palayo sa harapan ni Micah.

"How dare you say that!" nanggigigil na asik niya sa akin sa mahinang tinig. Tapos nilingon nito si Micah at sinabi ritong, "WE-ARE-NOT-BROKE! And even if we are, we are still ten times or more better than you are!"

"Mommy!" halos sabay naming bulalas ni Dad.

"Corazon, that's enough! H'wag mo akong ipahiya rito!" At hinila niya si Mommy palabas ng bangko. Ako nama'y humingi pa uli ng paumanhin kay Micah.

May lumapit sa aming mga bank employees. Alanganin silang sumulyap kay Micah at sa aming tatlo saka nagtanong sila kung ano ang nangyayari.

"Are you okay, sir?" tanong pa ng isa.

"Shane Andrea!" tawag ni Mommy sa akin.

"Again, I'm sorry, Micah," sabi ko at dali-dali nang sumunod sa lumalabas kong mga magulang but not before one of the bank employees said something which made me turned to Micah again. Pero hindi na siya nakatingin sa amin. Naglalakad na rin siya kasunod ng tatlong bank employees.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

My grandfather has always warned us of gold-diggers. That they all come in different forms. Mayroong mahirap pa sa daga na naghahanap ng masisilong mayaman. Mayroon namang mula sa middle class family na maluho at nangangarap ding makauto ng isang may pera. At mayroong nandoon na kaso na-bankrupt kaya nagkaroon ng masidhing pangangailangan sa salapi.

Naisip ko agad si Mrs. Juarez nang sumagi sa isipan ang pangatlong tipo ng gold-digger. Kada kita namin kulang na lang ay itulak ako paalis sa harapan niya. I used to think people soften when they see good looks. Hindi sa nagbubuhat ng sariling bangko, I grew up hearing words like, "Ang guwapo! Mukhang artista!" O di kaya, "Wow! Pang-Hollywood star ang look." At mayroon ding nagsasabi na kamukha ko raw ang batang Robert Redford. I have no idea how he looked like in his young years and I am not that interested enough to find out online. Pero basi sa ekspresyon ng mga babaeng nagsabi no'n sa akin noon, nasisiguro kong may hitsura nga ang Hollywood actor na iyon. All I'm saying is, walang dudang may hitsura nga ako. Pero bakit gano'n na lang kung itaboy ako ng mommy ni Shane? Parang masahol pa ako sa pulubi.

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ