CHAPTER TWELVE

625 66 5
                                    

Shane Andrea Juarez

I froze. Hindi ako nakahuma. Pati paghinga ko ay tila natigil din. Ganoon ako ka shocked. I came with them thinking na bibisitahin lang namin ang lolo ni Micah. Hindi ko sukat akalain na pipikutin na nila ako. Teka. Ginagamit din ba ang pikot sa babae?

Pinilig-pilig ko ang ulo. Now is NOT the time to think about trivial matters. Kailangan kong magprotesta. Hindi dapat matuloy ang kasal namin ni Micah. Gusto kong magsalita ngunit lagi akong nauunahan ni Mrs. Contreras. Ang bilis ng mga kilos niya. Akalain mong sa kasal namin ng anak niya nakasalalay ang kaligtasan ng mundo!

Kung hindi nasabi sa akin ni Micah ang tungkol sa mana, I would have been so flattered na may isang mommy na hindi makapaghintay na maikasal ako sa guwapong-guwapo niyang anak. Biruin mo siya pa ang nagmamadaling magpakasal kami ng unico hijo niya? Kaso nga lang, alam ko nang pera-pera lang din ang rason ng lahat.

"Mrs. Contreras---"

"Don't worry, hija. Your parents' consent is here. Everything is taken cared of." At kumindat pa siya sa akin sabay wagayway ng isang papel sa harapan naming lahat pero mabilis din niyang isinilid ito sa kanyang Hermes purse.

Binigyan ako ng consent ng mga magulang ko? No way! "Mom and Dad gave me their consent to marry?" isinatinig ko pa. Hindi ako makapaniwala kasi.

"Well, of course, darling. I wouldn't be able to arrange this wedding if they did not give me their go signal."

"Can we see the papers?" sabat naman ng Tetya Karine ni Micah na mabilis na sinang-ayunan ng isa pa, ang Tetya Lelyah niya.

Gusto ko rin sanang tingnan ang papel pero ayaw nang ipakita ni Mrs. Contreras. H'wag ko na raw alalahanin ang mga bagay na iyon. Sa kanya ko na raw ipagkatiwala. Tapos tinaasan nito ng kilay ang dalawang kalahi. May sinabi siya sa mga ito sa kanilang lenggwahe na hindi nagustuhan ng dalawa sapagkat biglang umasim ang kanilang mukha. Magsasalita pa sana ang mga ito pero naawat na ng kani-kanilang mga anak.

Ako nama'y napapaisip. Knowing my mom, hindi iyon basta-basta nagtitiwala sa hindi kakilala. It would take a lot of effort to convince her to marry me off. Ako ang bunso niya. Ang kanyang baby. Si Dad pa siguro, oo. But then, Mom can always change his mind. Saka hindi pupwedeng hindi banggitin ng mommy sa akin ang tungkol doon kung talagang authentic ang consent. Kaya kung totoong binigyan nila ako no'n dapat ay alam ko rin iyon.

Binalingan ni Mrs. Contreras ang matanda sa kama.

"Daddy, I am hoping that you will be happy now that Micah has found the right girl for him. Isn't it your dying wish?" maluha-luha pang banggit ng ginang sa kanyang father-in-law na mabilis na inangilan ng mga kalahi. Narinig ko na naman silang nagbanggit ng, "Blyat!" habang pinanlalakihan ng mga mata ang mommy ni Micah.

Samantala, mukhang oblivious naman si Don Filipo sa reaksiyon ng dalawa pa nitong manugang. Nakapokus ang atensiyon nito sa sinasabi ni Mrs. Contreras. Nang mga oras na iyon ay sobra itong naluluha. I wanted to protest more but seeing the joy in the old man's face really warmed my heart. Hindi ko sukat-akalain na may ganoong epekto ang balita ng pag-iisang dibdib namin ng kanyang apo. I have to admit, it made me feel so good about myself. Ang sarap pala sa pakiramdam na gusto kang maging parte ng pamilya ng ibang tao. Not to mention, mukhang kilalang tao sa larangan ng negosyo si Don Filippo Contreras. Pamilyar kasi ang mukha niya sa akin. Alam kong nakita ko na siya noon, siguro sa TV o sa newspaper, at natitiyak kong may sinabi siya.

Nawili ako sa sariling emosyon kung kaya hindi ko agad napansin na medyo makulimlim ang mukha ni Micah habang nakatingin sa mommy niya. He was trying to tell her something in Russian. Mahina lang din ang tinig niya. Katunayan, pati ang mga tetya niya as what he calls his aunties were also saying, "ha?" Ang mga pinsan naman niya at mga partners ng mga ito nakatingin lang sa amin na para bagang kami'y mga tauhan sa dula at sila ang manonood.

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Where stories live. Discover now