CHAPTER TWENTY-EIGHT

507 60 16
                                    

Shane Andrea Juarez

I froze when I heard his words. Speechless rin si Taba. Napatanga kami sa kanya as he was telling everyone in the room that he was referring to ME when he said he wanted his special guest to be treated like a queen.

Ang malanding ex ni Thijs na ako ang sinisisi sa pagkakahiwalay nila ay natameme rin. Sa laki ng pagnganga niya'y maaari nang pumasok sa bunganga ang isang buong elepante.

I was more than flattered, of course. Grabe ang pagkalabog ng puso ko. Nag-init pa ang mukha ko sa sobrang excitement at embarassment na rin dahil pinagtitinginan na ako ng lahat ng nandoon, guests man o staff ng resort. Hindi ako magtataka kung nagmumukha na akong hinog na kamatis nang mga oras na iyon.

"Shanitot, narinig mo ang sinabi ng Micah mo?" kinikilig na anas sa akin ni Taba. Sinisiko-siko pa niya ako habang piril na pigil ang sariling tumili sa kilig.

"Magtigil ka. Huwag mo akong hiyain dito," anas ko rin sa kanya.

Nakatingin na ako kay Micah. Naka-side view siya sa akin. Inakala kong haharapin niya akong muli at sasabihan na mag-request lang ako kung ano ang gusto ko sa staff niya and my wish will be their command. Inasahan ko rin kahit papaano na may gawin pa siyang pa-surprise. I promised myself na kahit medyo dyahe, hindi na ako magpapatumpik-tumpik. I will accept his marriage proposal right there and then sakaling gawin niya iyon. But then, he simply turned his back and walked towards the pool side without saying anything directly to me. Ang excitement at happiness ko na hanggang langit ay bigla na lang bumagsak sa lupa. Nasundan ko pa siya ng tingin. Isang malungkot na tingin.

"Hmp! Malandi! Hindi lang pala si Thijs ang kinakalantari mo, eh!"

Sinulyapan ko lang ang ex ni Thijs at nagpahatak na kay Felina papunta sa inarkila naming cottage. Wala pa kaming limang minuto roon nang dumating ang dalawang orders na piña colada.

"We didn't order yet," sabi ko.

"Ano ka ba!" kinikilig na namang asik sa akin ni Felina. She was grinning from ear to ear. "Treat you like a queen, di ba?"

Ngumiti ang staff. At pinaliwanag nito na ang boss nga niya ang nagpahatid no'n sa amin.

"We also have some milk tea, ma'am, if you prefer milk teas." At binigay na sa akin ang menu na tinanggap ko naman agad. Oorder na sana ako ng wintermelon tea nang inagaw ni Felina ang menu at ibalik sa server.

"We are not drinking milk teas here! Ano ka ba? Cocktail o whatever na may halong alcohol lang ang pwede nating inumin dito."

I didn't argue with her. I simply smiled at the guy serving us at sumimsim na rin sa piña colada.

"Whoah! Sarap ng libre!" tumatawang bungisngis ni Felina. "How I wish nandito rin ang dalawang buntis. Ang saya sana natin!"

"Does he hate me? Ba't ganu'n?"

"Ang ano?" Napatingala sa akin si Taba mula sa paghuhubad ng suot na denim jeans. Naghalungkat na ito ng maipampalit na two-piece swim wear sa dalang bag.

Ako nama'y palakad-lakad lang sa cottage habang sumisipsip sa hawak-hawak na piña colada.

"Si Micah. Bakit ganoon siya? He didn't even talk to me."

"Baka nagpapa-hard-to-get. Ewan ko ba sa inyong dalawa. Pareho kayong pabebe!"

"Kung ikaw ang nasa katayuan ko. Kung ginawa sa iyo iyon ni JT Zaldua, ano ang gagawin mo?"

Pagkabanggit ko ng JT Zaldua, natigilan si Taba. Parang nalambungan ng kalungkutan ang kanyang mga mata. Naalarma ako. I was so busy with my own worries and problems that I failed to keep track of what was going on with her life. Kapag kasama ko siya, lagi na lang mga alalahanin ko ang pinag-uusapan namin. Never akong nagtanong kung kumusta naman ang kanya.

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Where stories live. Discover now