CHAPTER FIVE

642 70 12
                                    

Shane Andrea Juarez

When I smelled his cologne, may naramdaman akong kung ano. Ang init ng kanyang katawan habang niyayakap ko ay nakapagbigay sa akin ng munting kaginhawaan. Kahit papaano ay na-comfort ako sa matinding kalungkutang naramdaman ng ginawa sa akin ni Thijs.

But I reminded myself, this guy, Micah, is not my boyfriend. Hindi ko dapat nararamdaman ito. But then again, I cannot help myself.

"What happened?" sigaw niya. Ang ingay kasi sa paligid. Bukod sa andar ng mga sasakyang tila bulok na, nandoon pang tila gigil na gigil sa busina ang mga drivers ng dyipni. As if, kapag nagsabay-sabay sila ay uusad na ang traffic.

"Wala," sagot ko. Ngarag pa rin ang tinig.

"Pwede ba namang wala? Iyong lalaki pa ring iyon ba?"

Hindi ako sumagot. I just hugged him tightly and kept myself from sniffling. Parang nag-tighten ang mga kalamnan niya. Naisip ko, buti pa ang lalaking ito. Sa tuwing dumidikit ang katawan ko sa kanya'y may nakukuha akong reaksiyon.

Mayamaya pa, dahan-dahang tumigil ang motor niya. Pag-angat ko ng mukha, nakita ko ang pamilyar na gusali. Nagsalubong ang mga kilay ko. I knew that was where his condo unit was. Iyong pinagdalhan niya sa akin noon.

A part of me want to flee. But a part of me also want me to stay. Ayaw ko pang umuwi. That's for sure. Ayaw kong ipaliwanag kay Mom kung bakit namumugto na naman ang mga mata ko. Noong isang araw, inisip nila ni Dad na bumagsak ako sa lahat kong enrolled subjects. Ang sabi kasi nila sa akin once na wala akong maipasa ay patitigilin nila ako sa pag-aaral. I wish, iyon lang ang problema ko. Pero hindi, eh. Mas malala pa roon!

"'Lika na. Sigurado akong hindi ka pa naghahapunan."

He helped me get off his motorbike saka he led the way. Pumasok kami sa elevator sa basement saka umakyat sa 40th floor kung saan ang unit niya. Habang nasa loob ng elevator, kakaiba ang pakiramdam ko. Hindi ko siya matingnan nang deretsahan. Siguro na-sense naman niya iyon kung kaya hindi ito tumitingin sa akin. He was looking at the screen showing the floors we passed by. Nang makarating na sa panghuling palapag kung saan ang unit niya, medyo natakot din ako. Pinatatag ko lang ang kalooban.

"B-bakit dito pa? Sabi mo hindi mo na ako dadalhin pang muli rito."

"I'm tired. Wala ako sa mood mag-iikot sa kalye. I had an early start today so I need to take a rest," sagot niya.

I felt guilty. Kung ganoon, bakit niya ako tinigilan?

"You shouldn't have helped me."

Ngumiti siya sa akin. Hindi na nagsalita pa.

Pagpasok namin sa loob, sinalubong kami ni Manang. Iyong katulong niya na umasikaso rin sa akin noong huli kong punta roon. Medyo nagulat siya nang makita ako. And she seemed to be a little anxious. O mas tamang sabihing takot?

"Ser, nandito po kanina si Ma'm Lindsey. Baka bumalik po uli," sabi niya sa lalaki nang pabulong. Ganunpaman, narinig ko iyon.

"What did you tell her?"

"Eh di iyong tulad ng dati." At sumulyap ito sa akin. Tapos yumuko siya nang bahagya bago niya kinuha ang bag ko. "Hayaan n'yo hong itabi ko ang bag ninyo para makagalaw po kayo rito nang mas komportable."

"She is not staying for the night. Saglit lang siya rito."

Napatingin ako sa lalaki. Ano ang pinagsasabi nito? Huwag niyang sabihing tatawagan niya uli ako ng grab at ipapahatid sa bahay namin. Kapag nagkaganoon, hindi pa rin ako tutuloy sa amin.

Habang sinusundan ko siya sa loob ng unit niya, natigil ako. Bigla na lang kasing naghubad ng jacket. He's only wearing a thin, white shirt now that his jacket is with his helper. Kitang-kita tuloy ang mamasel niyang dibdib. Pakiramdam ko'y batak na batak siya sa gym. Nakaisip tuloy ako ng kung anu-ano.

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Where stories live. Discover now