CHAPTER FOUR

667 62 6
                                    

Shane Andrea Juarez

Tumanggi agad ako sa inalok niyang mainit na sopas at gatas. Sabi ko hindi ako nagugutom, pero pagkatapos kong sabihin iyon ay tumunog ang tiyan ko. Napangisi siya. Ako nama'y napahawak sa tiyan. Wala na akong mukhang maipapakita sa kanya. Nakakainis!

He put the tray on the bed. Sa bandang paanan ko. Tapos ay lumabas na siya't may tinawagan. Pagkaalis niya, wala na akong inaksayang panahon. Sinunggaban ko agad ang sopas. Nasimot ko agad iyon nang kung ilang minuto lang. Nag-isang lagok lang ako sa gatas tapos ay iniwan na ito sa tray. Nilagay ko na ang mga ito sa bedside table at bumaba ng kama. Hinanap ko sa paligid ang mga nahubad kong kasuotan. Natingnan ko na ang ilalim ng kama, pero wala akong nakita. Paano ako makakauwi kong panties lang ang mayroon ako?

"Here are your clothes," sabi bigla ng lalaki sa likuran ko. Nakapasok na pala siya. Dahil sa gulat ay napasigaw ako. He smiled. And it made my heart flipped a million times. Ang ganda ng mga mata niya sa tuwing ngumingiti. Parang biglang umaaliwalas ang langit sa tuwing gawin niya iyon. "I will wait for you outside, ha? Dalian mo. On the way na kasi ang tinawagan kong grab na maghahatid sa iyo sa inyo."

Paglabas niya ng kuwarto nilapitan ko ang pintuan at ila-locked sana ito pero hindi na pala kailangan. He locked it on his way out! Hmn. Gentleman din pala ang mokong.

Inamoy ko ang mga damit ko at napansin ko agad na mabangong-mabango na iyon. Napangiti ako nang maisip na nag-abala pa siyang labhan iyon. He really is a gentleman!

Nakabihis na ako't lahat nang kumatok siya sa pinto. Walang salitang binuksan ko iyon at lumabas na. He quietly gave me my shoulder bag. Binuksan ko agad iyon at nakita kong intact ang mga gamit ko roon. Siyempre, hindi ko na tiningnan pa ang laman ng wallet ko. Alangan naman kasing tsetsekin ko pa kung nandoon pa ang pera ko. Okay na sa akin na nandoon lahat ang mga importante kong gamit gaya ng cell phone, panyo, wallet at make-up kit. Kinuha ko ang panyo. Napatingin ako sa kulay rosas na tela. At parang tinusok ng karayom ang puso ko. Gusto kong maiyak. Na-miss ko agad si Thijs. Dapat kasi'y siya ang kasama ko ngayon. Tinext ko siya bago ako tuluyang malango sa alak kagabi. But he never came.

Teka. Baka tumawag o nag-text si Thijs! Tiningnan ko agad ang cell phone. I was disappointed to see that it had no missed calls nor unread text messages. Ibig sabihin ay hindi nag-reply si Thijs. Napabuntong-hininga ako. I just tried to convince myself that maybe he didn't see my messages nor my nth attempt to call him yet. Tiningnan ko ang oras sa suot-suot na relo. Alas siyete pa lang naman ng umaga. Too early for Thijs. Lagi kasi ay tanghali na iyon nagigising.

"Ser, nasa baba na raw ang grab n'yo," sabi ng isang manang na bigla na lang nagpakita sa harapan namin. Nagulat ako at bigla'y nakaramdam ng hiya. Nakupo. Baka iniisip ng manang na babae ako ng amo niya! I glanced at the guy. He didn't look bothered nor uncomfortable at all.

Ano nga pangalan nito? Mike? Tama ba? Hindi yata. Parang pangalang babae iyon, eh. Micah. Yeah. Micah nga.

"Won't you even explain who I am to her?" tanong ko nang pabulong.

He looked surprised. Napatingin siya sa katulong niya tapos sa akin.

"Why would I? She wouldn't see you again anyway."

Hindi ko alam kung bakit, pero medyo may kurot iyong dala sa puso ko.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

Natawa ako sa babae. She just looked so innocent. It made me smile. Alam ko na ngayon kung bakit problemado siya sa boyfriend niya. Talaga ngang problematic ang relationship nila ng boyfriend niya kung totoo ang sapantaha ko. Foreigner ang lalaking iyon kung kaya strange na hindi sila umabot sa level na iniisip ko.

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Where stories live. Discover now