CHAPTER TWENTY

482 59 11
                                    

Shane Andrea Juarez

"Let's go." At hinila ako palayo ni Felina. Nagpahila naman ako. I pretended everything was okay kahit gusto ko nang umiyak right there and then. Pero siyempre kailangan ko ring magpigil. Nahihiya rin ako kahit papaano kay Taba.

"Gusto kong mag-shift ng psychology," bigla ko na lang nasabi out of the blue, maiba ko lang ang ihip ng hangin. Saka gusto ko may pinag-uusapan kami, hindi itong ang tahimik naming dalawa.

"Okay din naman ang psychology. At least kapag nakatapos ka at naging counselor, sa iyo na ako pupunta lagi kapag sobrang stress sa buhay," nakangising sagot ni Felina tapos tila natigilan. Biglang natahimik. Tingin ko may naalala siya sa sinabi. Nalambongan ng lungkot ang maaliwalas niyang mukha. Nagsisi pa ako tuloy na nabanggit-banggit ko ang psychology. Wala naman talaga akong balak mag-shift dahil feel ko naman ang course ko.

Nang maabot namin ang pinakadulo ng Uste, tumigil ng paglalakad si Felina at hinarap niya ako. She held both of my hands.

"Kung pumayag siyang pakasal sa iyo, that means may special place ka sa puso niya. Hindi magpapakasal ang lalaki sa babae kung wala siyang nararamdamang something," sabi pa nito sa mataimtim na tono.

Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi kasi ako naniniwala roon.

"Thank you for boosting my morale," sabi ko. "Kahit mas matanda ka sa akin, mas marami naman akong alam sa iyo tungkol sa bagay na iyan. Aware ako na hindi lahat ng nagpapakasal ay gusto nila ang isa't isa. May ibang katulad ni Micah na masidhi lang ang paghahangad sa mana."

"Don't say that." At inakbayan niya ako. "Pumunta ka nga muna sa amin. Ipagluluto ka ni Mom ng paborito mong dish. Iyong buttered chicken saka laing."

"Sige," napilitan kong sagot. Naisip kong mas mabuti nang may kadaldalan ako ngayon kaysa dumeretso agad ako ng uwi sa bahay at magmukmok sa kuwarto.

Kararating lang namin kina Felina nang makatanggap ako ng tawag kay Mom. She seemed excited na hindi maintindihan. Napag-alaman kong mayroon pala kaming importanteng bisita. Dumalaw daw ang mommy ni Micah at mukhang may dalang mamahaling pasalubong. The only thing that excites Mom these days is an expensive gift. Sad to say that but it's the truth.

"Kailangan ko nang umuwi." At pinakita ko kay Felina ang sunud-sunod na texts nila Mommy at Ate na hindi ko na-replayan dahil busy kami kanina sa pinoproseso kong damdamin.

Felina came to me and gave me a hug. Ganoon din ang ginawa ng mommy niya. Medyo na-disappoint pa si Tita na hindi ako mag-ii-stay to sample her upgraded buttered chicken. Sayang daw. Saka may ipapatikim pa raw sana siyang bagong recipe na pinaplano niyang idagdag sa mga io-offer sa catering service niya.

"Next time, Tita. Promise."

She kissed my cheeks and gave me another tight hug. Wala kaming sinabi sa kanya ni Felina pero she seemed to know what's bugging me.

"You're a beautiful girl, Shane. You can have any guy you want. Tandaan mo iyan kaya do not settle for less, ha? Or else, malalagot ka sa akin." At pinisil pa niya ang baba ko.

Nagkatinginan kami ni Felina.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

My crew were curious kung sino ang magandang babae with fake blond hair na dumalaw sa store ko. First time kasi ni Janice bumisita sa branch ko sa España. Actually, first time naming magkita sa Manila after a long time. Ang last naming pagkikita ay noong junior high school pa kami pareho. It was in Russia. Summer vacation naming dalawa. Anak siya ng family friend at paminsan-minsan ay nakakasabay kong bumisita sa mga relatives ko sa Moscow.

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Where stories live. Discover now