CHAPTER SEVEN

569 68 10
                                    

Shane Andrea Juarez

Habang nakikita ko ang ibang mga estudyante na masayang nakikipag-holding hands sa kanilang partner papunta sa love booth na itinayo para sa araw ng mga puso, parang binibiyak naman ang puso ko. Naisip ko noong isang taon, about six months ago, nang sinagot ko si Thijs na hindi na maging malamig ang Valentine's Day ko. Iyon pala'y umasa lang ako sa wala. Kung dati napapalampas ko ang araw na ito nang hindi masyadong malungkot, iba ang sitwasyon ngayon. Iba kasi iyong you were almost there kumbaga. Almost part ng mga taong hindi malamig ang Valentine's Day kaya medyo masakit ang dating ng araw na ito ngayon para sa kin.

"Maghihiwalay din kayo!" sigaw ng isang bading sa sweet na sweet na couple na siyang nagpapa-picture ngayon sa love booth. Magkaakbay sila sa ilalim ng arkong pinalamutian ng mga ginupit na pulang cartolina na hugis puso. May cut-out pa ng kupido sa magkabilang gilid nito. Nagtawanan ang mga estudyanteng nanonood sa dalawa dahil sa matinis na sigaw ng bakla. Na sinundan ulit ng isa pa from the same person. "'Tangina n'yo! Mga bwisit kayo! Painggit pa more!" At naghagalpakan ng tawa ang grupo nito, pati na rin ang nasabing couple.

Naupo ako sa isa sa mga concrete benches sa harapan ng Administration Building. Tinatanaw ko lang ang mga naghaharutang mga couples sa hindi kalayuan. Karamihan sa kanila'y nasa booth na nasa gilid ng Science Building. They seemed so happy.

"Psst. Shanitot!"

Napalingon ako sa sitsit. Boses ni Yolanda Ysadora iyon, pero wala ang loka-loka sa paligid. Nagpalinga-linga ako. Tapos bigla na lang may gumulat sa akin sa kabilang direksiyon. Nakangisi itong parang timang. Kaakbay niya si Keri. They asked how I was.

"Tumayo ka," sabi pa nito sa akin.

Sinimangutan ko silang dalawa. Lalo na ang baliw na Yolanda.

"Ano ka ba? Tayo sabi, eh."

Pinagbigyan ko ang loka-loka. Tumayo nga ako. Tapos I saw Felina coming towards me with a bouquet. Napatingin ako kina Eula at Keri. They hugged me tightly. Habang inaabot sa akin ni Felina ang isang pumpon ng yellow tulips they told me how much they cared about me.

"You do not always need a man to be happy," sabi naman ni Keri. "Men do not define us. Having a boyfriend does not define us."

Naiyak ako. "Pang-ampalayang dialogues naman iyan," sagot ko. I pouted.

Naghagikhikan ang dalawang baliw. Si Felina lang ang tahimik. I know she feels me. Pareho kaming sawi kasi. Buti pa itong dalawang kiri. Ang alam ko kay Keri may tinatago ito sa aming mysterious guy. I have a feeling ito ang dahilan kung bakit hindi na siya sumasama nang madalas sa gimmicks naming magbarkada. Si Yolanda naman alam kong masaya rin. Nakikita ko naman sa way ng pakikitungo sa kanya ni Sir Maurr. Hindi na tulad ng dati na parang she does not exist. Kami na lang talaga ni Felina ang bigo.

"Sandali lang, guys," bigla na lang nasabi ni Felina. Nakatitig ito sa cell phone. Tapos biglang napangisi hanggang tainga. At kitang-kita ko kung paano ito pinamulahan ng mukha. I frowned at her. Ibig bang sabihin nito'y may lovelife na rin si Taba? Oh shit! Ako na nga lang ang bigo!

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

Pinanood ko muna siya habang naglalakad mag-isa sa kahabaan ng España. I was standing in front of my store. Although malayu-layo siya sa kinatatayuan ko, I can feel her pain. May pakiramdam akong iyong lalaking iyon pa rin ang nananakit ng kanyang damdamin. Hindi sa may pagka-tsismoso ako, pero I heard from one of our loyal patrons na taga Uste na mayroong isang guwapong-guwapo na basketball player nila na nahuhumaling daw sa isa ring hunk sa gold and green team. Kahit hindi nila sabihin ang pangalan, alam ko na kung sino ang pinag-uusapan nila. I made up my mind. I have to do something to ease her misery.

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Where stories live. Discover now