CHAPTER THIRTY-THREE

564 60 12
                                    

Shane Andrea Juarez

Napangiti ako nang mabasa ang text message ko nang umagang iyon. Ang sarap sa pakiramdam na ang unang bubulaga sa iyo sa umaga ay ang mensaheng, "Good morning, my love. Kumain ka na ba?" Dati, naalibadbaran ako niyan kina Ate Eileen at Kuya Roark. Naalala ko pa, habang tumitili ang Ate at binabasa niya sa harapan ko ang ganoong mensahe ng asawa niya when they were just dating, tumatakbo agad ako palayo dahil diring-diri ako. As in, so cringey! Ngayong, ako na ang pinapadalhan, gusto ko nang magtititili. Sayang at hindi na nakatira sa bahay ang ate ko. Siguro'y, tulad niya, napatakbo rin ako sa kuwarto niya at napabasa sa text sa kanyang harapan. Muntik na nga akong mapapunta kina Mom. Naalala ko lang na hindi pala pwede. Baka kasi mausog ang kung ano man mayroon kami ni Micah. Saka, baka umandar na naman ang cash register sa utak niya at magkwenta na ng maaari niyang makuha sa oras na ikasal ako sa isang Micah Contreras.

"Mukhang ang ganda ng gising ng bunso ko, ah," bati ni Dad nang bumaba ako for breakfast. Napa-double take naman ang mommy habang naghahain.

"Ano naman ang nakain mo't mukhang nanalo ka sa lotto?"

"Better than that."

Natigil si Mom sa paglalagay ng kubyertos sa mesa. Napatingin sa akin. Trust me. If you want to get my mom's full attention, just mention anything about money. Napailing-iling tuloy ako.

"I'm just so happy, Mom. Siyempre, when someone is happy daig pa niya ang nanalo sa lotto."

Napatirik siya ng mga mata. "Kung sinasabi mong happy ka, sigurado, ang babaw ng dahilan mo. Bumalik na naman ba sa Pilipinas ang mga kaibigan mong nag-settle abroad? Ano nga ang pangalan no'ng apo kamo ng isang Mafia Boss sa Italy? Bakit hindi ka magpareto doon ng mapapangasawa? For sure, madatung ang mga kakilala no'n."

"Mommy!" saway ni Dad. Mukhang naeskandalo ito. Kung sa ibang araw siguro'y maiirita rin ako kay Mom, pero not today. Natawa na lang ako sa kanya.

Pagkalapag ni Mom ng almusal namin sa mesa, naupo na rin siya. Just when she was about to put rice on her plate, tumunog ang cell phone niya na nasa mesa. Sinilip niya iyon.

"Itong Eileen na ito, magtatanong na naman siguro ito kung paano magprito ng kung anu-ano. Ba't hindi silipin sa YouTube? Kawalang kwentang kausap ng batang ito!" At napasimangot ang mommy. Ni hindi pa niya nabubuksan ang text ng ate niyan. Sinaway na naman siya ni Dad. Ako na ang nagdampot ng cell phone niya at nagbukas ng text ni Ate para sa kanya. Namilog ang mga mata ko sa nabasang mensahe.

"Mom, Roark and I are going to Europe this weekend. Patingin-tingin sa bahay. I deposited five grand in your dollar account for this. Don't disappoint us, please," basa ko nang malakas. And just like that, inagaw na ni Mommy sa akin ang phone at tumili nang tumili. Umiling-iling na lang ang daddy sa kanya.

Minadali ko ang pag-almusal para maka-telebabad na si Micah. Since he went to Singapore two weeks ago, daily routine na namin iyong morning text saka tawag sa phone after ko mag-breakfast. Short calls lang naman. Around thirty minutes. Enough lang na ma-energize ang buong araw namin.

Naligo ako nang madalian para fresh akong makipag-usap sa kanya. I waited for his call. But then, instead of a call, text ang natanggap ko. Ang sabi, "Sorry, my love. I can't call right now. Busy. Have an important client to attend to."

Na-disappoint ako. First time in two weeks na nangyari iyon. I thought wala nang mas importante pa sa pakikipag-usap niya sa akin. Napabuga ako ng hangin. Mag-uumpisa na sana akong mag-isip-isip ng kung ano nang maalala ko ang mga sinabi ni Ate. Do not dwell on the negatives. You become what you think, so just fill your mind with positive thoughts!

Iyon nga ang ginawa ko.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora