CHAPTER TWENTY-NINE

490 61 13
                                    

Shane Andrea Juarez

Tumigil kami sa paglalakad at nang hindi ako makasagot, Micah held me by the shoulder at pinaharap niya ako sa kanya. Hindi ako makatingin ng deretso sa kanyang mga mata. I tried to compose something cool as a response to his question, but nothing came in my head. Para bagang tinukso pa ako ng pagkakataon. Kung kailan ko kailangang-kailangan ng sagot saka naman naging mailap ang witty answer.

"Do I know him?" ulit niya sa mas mahinang tinig. I felt his warm fingers on my chin. Tinataas niya ang baba ko para makita ang mga mata ko.

Dahil na rin sa kaba at sa pagiging conscious sa kapiranggot na telang tumatakip sa halos hubad kong katawan, napadila ako sa lower lip ko. Narinig ko siyang napasinghap at nabitawan niya ako. Daig pa niya ang napaso. Napakurap-kurap naman ako. Parang no'n lang bumalik ang huwisyo ko.

"T-that was years ago. A lot --- a lot of things have happened since then."

Tinitigan niya ako sa mga mata. Pinilit ko ang sariling makipagtitigan sa kanya.

"So---iyong lalaking tinutukoy mo noon, the one you said you were falling for, h-hindi na siya ang gusto mo?"

Napatango ako agad. "H-hindi na," pakli ko. Ang bilis pa ng sagot ko. And I regretted it the moment I saw him smile awkwardly. Makikita na ang ibayong lungkot sa kanyang mga mata.

"At least naitanong ko kahit medyo huli na. Ingat ka, Shane. It's good to know you."

Napamaang ako nang bigla na lang siyang umalis sa harapan ko. Shit! I messed up! Magpapakipot lang naman sana ako nang slight, eh! Ba't hindi mo ako hinamon sa sagot ko?!

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nang ilang minuto. Para akong naengkanto. Nang ma-realize na baka he was saying goodbye to me for good nang sinabi niya ang, "It's good to know you," napahabol ako sa kanya.

"Micah, saglit lang! Micah, hintay!"

Hindi ko na siya naabutan. Ang bilis-bilis niyang maglakad. Nakakainis! Nilakad-takbo ko pabalik sa reception area. Pinagtinginan ako ng guests dahil naka-two-piece swimwear lang ako samantalang lahat ng tao doon ay halos balot na balot pa. Ang nakasuot lang ng maiikling denim shorts at tube ay mga dalagitang parang noon lang tinubuan ng pubes. Sa ibang pagkakataon siguro'y mahihiya ako sa sarili ko, pero nang mga oras na iyon my mind was set on only one thing. Kailangan kong maabutan si Micah. Bahala na kung magmukhang cheap. Aamin na talaga ako. Peks man!

"Si Sir Micah po ba, ma'am?" pagkompirma ng isang staff.

"Nakaalis na po yata pabalik ng Manila. Ngayong gabi po kasi ang alis niya papuntang Singapore."

"Ha? Ang bilis, ah! Kanina lang ay kausap ko pa! Wala po bang pwedeng maghabol?"

Napa-double take sa akin ang lalaking staff. I read his name tag. Doug ang pangalan.

"Doug, pakitawagan mo naman siya, o. Urgent lang!"

"We don't have his cell phone number, ma'am. Wala po ba kayong number niya?"

Shit! Meron!

Tumakbo ako pabalik ng cottage para sa cell phone ko. May kausap si Felina sa phone nang datnan ko roon. Nakabihis na siya into a low cut, spaghetti-strap, red sundress. Ang lalim pa ng ukab sa dibdib. Kung hindi lang ako nagmamadali ay bibiruin ko pa sana siya kung sino ang balak niyang i-seduce ngunit naunahan ako ng kanyang pagsinok.

"Felina? What's wrong?"

Dali-dali itong tumalikod sa akin at binaba ang cell phone. Nang humarap na'y nakangiti na siya.

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Where stories live. Discover now