CHAPTER TWENTY-TWO

420 60 10
                                    

Shane Andrea Juarez

Ilang linggo ko ring iniyakan ang paghihiwalay namin ni Micah. Ang weird. Hindi naging kami, pero bigla na lang kaming naghiwalay.

"Stop being OA, Shane Andrea," sabi sa akin ni Mommy isang umaga. Dumating kasi ako sa hapag-kainan nang maga ang mga mata. "For a while I was worried when you guys got married. Aba, gano'n lang ba iyon? Ni hindi kayo ikinasal nang bongga sa simbahan? No one in the alta sosyedad knew you got married with Don Filippo Contreras' son! No way, sabi ko."

Sinimangutak ko si Mom. Dad let out a heavy sigh as he rolled his eyes.

"Ang importante, bayad na tayo sa kanila. At least," patuloy pa ng Mommy. To which my sister happily agreed. Pahum-hum pa siya habang nagpapahid ng peanut butter sa toasted bread niya.

"Kung maka-emote ka naman, parang naging kayo," sabi pa ni Ate as she glanced in my direction.

"Pwede ba, kayong dalawa? Stop teasing, Shane!" sabat ni Dad.

"Saka, alam kong virgin ka pa, anak. Ayaw ko namang basta mo na lang isuko iyan nang gano'n-gano'n lang, no?"

Napokpok ni Dad ang mesa habang ako'y pinag-initan ng mukha sa hiya. Pinandilatan ni Mommy si Dad at sila na ang nagtalo. Nag-isang lagok lang ako sa gatas ko at bumalik na sa kuwarto. Minadali ko ang pagbihis para makapasok na sa campus at makalayas sa nakakairita kong pamilya.

Kinahapunan, habang kami'y nagmi-milk tea ni Felina sa canteen, tumawag ang mommy. Daig pa niya ang nasunugan sa pagngawa. She sounded mad as hell. Napag-alaman ko nang hapong iyon na binawi sa kanya ni Mrs. Contreras ang bigay na pabuya sa pagpayag na pakasal ako sa unico hijo nito. In short, back to square one kami. May utang pa rin kaming dapat bayaran sa bangko nila.

I have to admit, I felt good about it. Hindi sa gusto kong mag-suffer si Mommy, pero ayaw kong balang-araw ay maisumbat sa akin ang pamilya ni Micah iyon. At least naman ay masasabi kong hindi naman ako nagpabayad.

"Paano na ngayon iyan?"

"It's for the best," sagot ko kay Felina. She really looked so worried, so I have to assure her.

"Hindi ka pa bayad sa tuition mo, Shane. May mga e-books ka pang hindi nabayaran. Idagdag na roon ang mga kung anu-ano pang contributions sa project."

"C'mon! Gusto kong malibang kaya kita niyaya rito. Wala na nga ang milk tea ng Edward's dadagdagan mo pa ang inaalala ko?"

Kumislap ang mga mata niya. Tila may biglang naalala. "Speaking of Edward's, nadaan ako kanina roon. Ang nakabili sa store ay kilala ni Tito. Ipagpapatuloy pa rin daw niya ang milk tea ng Edward's! Sarado pa lang ngayon dahil they are doing some renovations."

Ang Tito na binanggit niya ay ang lover ng kanyang ama. Natuwa ako sa balita niya, pero hindi ako nasorpresa. Nabanggit na sa akin ni Micah iyon. Alam niya kasing addict ako sa milk tea.

Nalungkot na naman ako when I remembered him. But then, I tried to look happy when I met Felina's gaze. Mukha na namang nalulungkot si Taba for me kasi. Iniisip sigurong nalungkot ako upon remembering Micah. Kahit totoo iyon, siyempre ayaw kong aminin.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

I felt like something sharp poked my heart upon seeing Shane crossed the street towards the direction of their campus. Ilang araw ko pa lang siyang hindi nakita, pero missed na missed ko na siya. I was tempted to run after her and give her a tight hug.

Saka ko na lang pinaandar ang sasakyan nang tuluyan na siyang nakapasok sa university nila. Sakto ring tumunog ang cell phone ko. Nilagay ko muna sa speaker phone ito at sinagot si Mommy. Hagulgol niya ang una kong narinig. Kinabahan ako. Naisip ko agad si Lolo.

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora