CHAPTER TWENTY-FOUR

519 59 8
                                    

SHANE ANDREA JUAREZ

Nagulat ako nang makita kong papalapit sa kinaroroonan ko ang lalaking inakala kong matagal nang nakalimot sa existence ko sa mundo. Hindi halos nagbago ang kanyang mukha. Parang kahapon lang kami nag-usap sa Pizza Hut sa Legarda. He still looked the same except that he has an air of authority now. Iyong isang tingin mo lang, alam mo na agad na isa siyang boss. And it's not because he's wearing an elegant dark blue suit.

Upon remembering the last scene we shared, iyong last dinner namin sa Pizza Hut, may kumirot sa puso ko. It was a bittersweet memory. Ramdam ko pa ang yakap niya no'n sa akin dahil sa pag-aakalang iniinda ko pa rin ang mabilisang pagpalit ni Thijs ng girlfriend after we broke up. Ang damuhong iyon ang tinitingnan namin nang bigla na lang niya akong niyakap.

"Run and leave him there!" sabi agad ng maliit na tinig sa isipan ko.

"Ano siya? Hilo? Matapos ng nangyari sa inyong dalawa---ang paasa, ang pang-aabala sa iyo, ang naudlot na pangako ng mommy niya sa mommy mo, heto siya ngayon at lalapit lang sa iyo na parang walang nangyari? Hello! Shane, takbo na!" sulsol din ng isa pang tinig.

But my heart tells me otherwise. Somehow, it wants me to stay and talk to him. Ang dami kong gustong itanong. Halimbawa na lang ang scholarship ko. May iba akong pakiramdam do'n kasi timing ang pagdating no'n sa buhay ko. Saka parang hindi kapani-paniwala ang sabi ni Dean na ako at si Felina ang bukod-tanging qualified sa study grant na iyon. Ang dami kayang matatalino at talented sa FEU. Bakit kaming dalawa pa?

Felina and I had always suspected na baka may kinalaman si Micah o si JT Zaldua doon. Nagbiruan pa nga kami. What if they secretly sent us to school? To which we both giggled. Tinukso pa kami nila Keri at Eula na may mga poging sugar daddy. Paniwalang-paniwala si Yolanda na si Micah at JT Zaldua ang nagpaaral sa amin. Gusto ko ring paniwalaan iyon. Gayunman, sa side ko, I still cautioned myself. Mahirap nang umasa muli. Na ganoon siya ka-concern sa akin kaya tinulungan niya ako. Nang nag-usap kasi kami sa Pizza Hut, alam niyang walang-wala na ang family ko at maaaring hindi ko na maipagpatuloy ang pag-aaral ko.

"Congratulations, Shane! I am so happy to see you graduate. Alam kong isa ito sa pangarap mo," nakangiti niyang bati saka inabot sa akin ang isang pulumpon ng pink roses.

Hindi na ako nakaiwas. Paano kasi parang ipinako ang mga paa ko roon. Nang magkahinang na ang mga mata namin, nabuhay ang samu't saring hinanakit sa puso ko. Gusto ko siyang sumbatan. Kasi, ilang taon akong nangulila sa kanya. Ni minsan he never contacted me. Tapos heto siya ngayon. Basta na lang sisipot at magbibigay ng bouquet. Pink roses pa. Ano ang gusto niyang isipin ko?

Teka. Bakit para akong nagtatampong nobya? Hindi naman naging kami.

"Hello, Shane! He led you on!"

Naguguluhan na ako. Ang malaking bahagi kasi ng puso ko'y gustong manatili pa roon at kausapin pa siya, kumustahin, gano'n. I missed him so much! But then, I knew it wouldn't do me any good.

"Kakagulat ka. Akala ko na kung sino," kunwari'y kaswal ko na lang na bati.

He smiled even widely at inilapit pa niya sa akin ang dala niyang bouquet dahil hindi ko pa tinatanggap. Napilitan na akong kunin iyon sa kanya. But I kept on reminding myself to keep the talk short. Ano siya, hilo? Gano'n-gano'n niya lang ako lalapitan? Hindi niya ako kinumusta nang matagal tapos iisipin niyang ganoon pa rin between us?

"Akala mo ba artista?" may himig pagbibiro niyang sagot.

Hmp! Hindi bagay magpakwela.

Hindi ko na sinakyan ang biro niya. Palakas na kasi nang palakas ang mga boses sa isipan ko na nagsasabing kailangan ko nang lumayas doon.

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon