CHAPTER THIRTY-EIGHT

503 52 15
                                    

Shane Andrea Juarez

When I was a child, kapag sinabi ni Mommy na, "H'wag ka nang sumali sa girl scout na iyan. Sayang ang oras mo riyan. Doon tayo sa mas sosyal. Mag-ballet ka or piano lessons," hindi na ako pumapalag kahit na inggit na inggit ako sa mga kaklaseng maraming stories pagkatapos ng camping. Ang tingin ko kasi noon kay Mom, gusto niya lang na mapabuti ang kalagayan ko.

Never akong naging suwail na anak. Hindi ko rin nilalabanan ang mga desisyong ginagawa niya noon para sa akin. Hipon lang ako lagi. Kung saan ang agos, nandoon ako kaya heto ako ngayon, almost a quarter of a century years old na pero wala pa ring binatbat. Walang narating.

Kung ang iba kong ka-batch ay CEO na ng kanilang kompanya o may mataas na katungkulan sa trabaho, ako'y isang ulirang palamunin pa rin. Ang milk tea business ko ay ni hindi makaarangkada. Takot din kasi akong mag-explore ng kaya kong gawin kahit suportado ako ni Ate dahil ang sabi ni Mom, hindi ako kikita sa pagtitinda lang ng tsaa na may gatas.

Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako sumagot-sagot kay Mom. Ngayon lang din ako naglayas. Ngayon ko lang din sinuway ang kagustuhan niya nang bonggang-bongga. Dati-rati, nang ginawa iyon ni Felina to give JT and her a chance, isa pa ako sa nagsabi na, "Maghunos-dili ka, Taba! Ang boyfriend ay kayang palitan, ang mommy ay hindi!"

Ngayon ko lang na-realize na hindi sa lahat ng pagkakataon ay nanay natin ang masusunod. Hindi sa lahat ng oras ay alam nila ang mas mabuti para sa atin.

As I looked at Micah peacefully sleeping beside me on his bed, naisip kong I made the right decision. This is the man I want. This is the man I love to spend the rest of my life with. Pero bakit hindi ako lubusang masaya?

"Good morning, babe. Ang aga mong nagising, ah." Inaantok pa siya. Halos hindi pa nga dumidilat. Nang gumalaw siya't ilagay ang braso sa ilalim ng ulo ko at hapitin ako palapit sa kanya, nahiya pa ako. Lalo pa nang bumaba ang kumot hanggang sa kalagitnaan ng hita niya at masilayan kong muli ang pinagsisintir ng ex niya. Na hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinamamalita sa kahit sinong handang makinig sa kanya na depressing daw ang sandata ng ex niya. Maliit na'y mapayat pa. Napaghalataan tuloy na bitter at hindi---nakatikim!

Ang liit daw at payat! Natawa ako.

I have to restrain myself from letting it out or else magmumukha akong weird. Pagsulyap ko sa kanya, his other eye was half open and he was eyeing me with curiosity. Nag-init ang mukha ko at pinamulahan ako agad.Tumagilid ako patalikod sa kanya sabay hila sa kumot hanggang dibdib ko. Kahit nakasuot ako ng T-shirt niya, I felt exposed pa rin dahil wala akong saplot underneath.

Tiningala ko ang alarm clock sa bedside table namin. Alas tres pa lang ng umaga. Kung sa bahay ako, mahimbing pa rin akong natutulog sa mga oras na ito. Usually kasi pagdilat ko'y sumisikat na ang araw.

Bigla na lang akong hinapit ni Micah palapit sa kanya at daganan ng isa niyang hita ang gilid ng hita ko. I felt his throbbing manhood somewhere on my butt. Nag-init ang buo kong katawan at na-excite na naman sa prospect ng pag-aanuhan namin. But I'm still sore from last night.

"What are you doing?" I wanted to sound cool, but it came out like a moan.

Hindi siya sumagot. Sa halip ay naramdaman ko na lamang ang mumunti niyang halik sa leeg, pisngi, balikat, at braso ko. Nang lumanding uli sa leeg ko ang mga labi niya, tila sinisipsip na niya akong parang bampira. Kasabay niyon, pinatihaya niya ako at hinalikan sa mga labi. Kinailangan kong umiwas. Hindi pa ako nag-tootbrush!

"What's wrong?" He sounded worried.

"Hindi pa ako nagmumog!" pabulol kong sagot dahil nakatakip ang isang kamay sa bunganga ko.

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Where stories live. Discover now