CHAPTER EIGHT

677 70 10
                                    

Shane Andrea Juarez

Nang ma-realize kong nakayakap ako sa hindi ko naman kaanu-anong lalaki sa harapan ng madlang pipol, kumalas ako agad. Hindi ko agad siya tiningnan dahil nagpahid pa ako ng luha. Nang tingalain ko na'y nahuli ko siyang nakatitig sa akin. At no'n ko napansin na ang ganda-ganda pala ng kanyang pilik-mata. Nagku-curl na parang inipit ng eyelash curler nang kung ilang oras. Saka ang mga mata! Gosh, hazel eyes pala siya! Bakit no'n ko lang napansin iyon?

"Gwapo," narinig kong sabi ng isang grupo ng mga tourism major nang dumaan sila sa gilid namin saka kilig na kilig silang nagbungisngisan.

"Rapunzel, Rapunzel, let down your hair!" sigaw pa ng isang bading sa unahan.

Napakagat-labi ako sa pagpipigil mangiti. Sobra akong proud na nasa akin ang atensyon ng pinagkakaguluhan ng mga kaeskwela ko.

"I hope you like the flowers," sabi niya.

Parang hindi napapansin ni Micah ang epekto niya sa mga kababaihan at miyembro ng federacion sa paligid. Ako nama'y mukhang dedma lang din kunwari, pero deep down kinikiliti ako. Sino ba naman ang hindi kiligin? May isang poging nilalang lang naman ang nagbigay sa akin ng isang bouquet of red roses on Valentine's day!

"Thank you so much. I love them." At inamoy-amoy ko pa ang mapupulang rosas.

"I'm glad you love them."

"You just don't know how much this means to me right now."

Lumingon ako sa kinaroroonan nina Vivi para ipagyabang sana si Micah. Wala na sila sa likuran ko. I looked around looking for signs of them elsewhere. Wala na talaga.

"They already left."

Napatingin ako kay Micah. For a while ay hindi ko siya naintindihan. Nang mag-sink in ang sinabi niya sa akin, nag-init nang bahagya ang mukha ko. Baka kasi iniisip niyang pinangangalandakan ko siya sa mga bruha kong kaeskwela. Though iyon naman ang totoo, siyempre ayaw kong malaman niya. Natatakot kasi akong baka bigyan niya iyon ng meaning.

"Are they bullying you?" tanong niya sa akin. Tiningnan niya ako nang matiim.

Hindi ako nakasagot. Inulit niya ang tanong kung kaya napilitan akong sumagot.

"Crush nila si Thijs, iyong boyfriend ko---I mean my ex."

Magkukuwento pa sana ako nang bigla na lang akong napasubsob sa dibdib ni Micah. May sumagi sa aking lalaki. Awtomatiko namang hinarang ni Micah ang mga braso niya sa isang grupo ng mga naghaharutang mga atletang lalaki ng university. Nang ma-realize nila ang nangyari, sabay-sabay silang nag-sorry sa amin. Tiningnan lang sila nang masama ni Micah saka hinila niya ako palayo roon. Magkahawak-kamay kaming tumawid ng kalye.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

Nandoon na ang lahat kong pinsan sa tabi ng kama ni Lolo nang dumating ako sa St. Luke's Medical Center. Sina Olezka at Tobias ay nakahawak pa sa kamay nito. Tig-isa sila. Sa likuran nila'y nakatayo naman ang kani-kanilang mga ina. Ang sa akin ay sa bandang paanan at lumingon ito nang bumukas ang pintuan para pumasok ako. Mom scowled at me. Hindi na niya ako hinintay pang makalapit. Sinalubong niya ako at hinila muna sa isang tabi para pagalitan.

"Where the fvck have you been, Micah Rufus Alexander? And you weren't answering your phone, Goddamnit!" gigil na gigil na asik nito sa akin. Her big hazel eyes were emitting fire.

"I was not in my store. I---I was away and I didn't bring my cell phone with me," sagot ko sa mahinang tinig.

Siyempre, hindi ko inamin na nang mga panahong iyon ay nasa harapan ako ng FEU sa Morayta at kino-comfort ang isang cute na cute na estudyanteng babae dahil hindi umabot ng Valentine's Day ang relasyon nito sa boyfriend.

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Where stories live. Discover now