Chap27- Realization

42 3 0
                                    

Kakaunti lamang ang mga taong kayang pigilan ang kanilang emosyon, at hindi ro’n kasama si Franz.

Kanina pa kasi siya nakayukyok sa mesa habang humihikbi. Kakatapos pa lang niyang ikwento sa akin yung tungkol sa Lolo niya. Sabi ko naman kasi proceed na kami do’n sa meaning ng dybroxonin pero hindi siya maawat sa pagkwento.

I'm not good at comforting others but here I am, caressing his back to atleast give ease on him. Pero talaga nga palabg hindi ako marunong mag-comfort. Mag-uumaga na kasi pero nakayukyok pa rin siya sa mesa.

Pakiramdam ko nga napudpod na ‘tong palad ko kakahagod sa likod niya. Namamanhid na rin, eh.

“Franz?” Bahagya ko siyang niyugyog.

No response...

“Franz?”

Still no response...

Sa pagkakataong ito ay malakas na ang pagkayugyog ko sa kaniya dahilan para matumba ‘yung upuan niya.

Kasabay ng pagkatumba ng upuan ay ang pagbulagta ng humihilik na si Franz. Pero buti na lang at nasalo ko ang ulo niya kaya naman ‘yung pwet lang niya at likod ang tumama sa matigas na sahig.

Tumayo ulit ako. My eyebrows furrowed and  crossed my arms below my abdomen. Mokong na ‘to, mukhang kanina pa yata tulog tapos ako ‘tong todo try-hard na i-comfort siya.

Hmmmm... Pero teka? Hindi kaya effective yung pag-comfort ko kaya nakatulog siya?

Itinukod ko ang aking tuhod sa sahig para punasan ang basa sa luhang pisngi ni Franz.

Sobrang lakas naman niya humilik.

Dahil mukhang nag-eenjoy naman siya sa pagtulog sa sahig, iniwan ko na siya ro’n tsaka tumagos sa closet. Ako na ang nahiga sa malambot niyang kama.

Nanuot sa ilong ko ang pamilyar na mabangong amoy ng may-ari ng kama na ‘to. Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at ipinikit ang mga mata. Bukas makikita ko na ang kapatid ko na halos dalawang taong nawalay sa’kin. Ang akala ko ay ako na lang mag-isa, pero bukod kay Uncle ay mayroon pa pala akong kapamilya.

“Ugh, why my butt hurts? And my back too?”

Naalimpungatan ako nang may marinig na boses. Nagmulat ako ng mata ngunit agad rin namang pumikit nang masilaw sa sinag ng araw na tumatama mula sa kabubukas pa lamang na bintana.

“Leissandra!”

Iminulat ko ang mga mata ko at nilingap ang paligid upang hanapin si Franz na siyang inis na isinigaw ang pangalan ko.

Nakita ko siyang nakapameywang sa may bintana kaya naman hindi na ako nasisilaw dahil sa likod na niya tumatama ang sinag ng araw. Mukhang siya rin ang nagbukas ng bintana.

“Bakit ganito?” aniya sabay daing at hawak sa bumbum niya.

“Huh?” patay malisya kong tanong ‘saka nanalukbong ng kumot.

Enjoy na enjoy ko pa sana ang pag-amoy sa mabango niyang kumot nang marinig ko ang yabag niya papalapit.

“And why are you there in my bed? Huh?”

Naramdaman ko ang paghila niya sa kumot kaya naman agad akong bumangon at dumiretso sa pintuan upang lumabas na.

Iniwan ko siya ro’n habang panay pa rin ang reklamo sa nananakit niyang likod at bumbum. At tsaka isa pang dahilan kung bakit ako umalis doon ay para maiwasan na may makakita sa amin na nasa iisang kwarto lamang at baka ma-misinterpret pa.

Nagtungo ako sa sa Guest Room at naglibot-libot sa loob nito para malaman kung may hidden room din ba dito. Baka kasi bukod sa kwarto niya ay may iba pang kwarto dito na may hidden room din na katulad ng kaniya. O kaya naman magkaiba ‘yung style ng pasukan.

Binuksan ko ang closet pero wala naman akong nakitang sign na may hidden room doon. Ininspeksyon ko rin ang pader pero wala pa rin.

Instead, ang nakita ko ay isang banyo kaya naman do’n na ako naligo.

“Sige, ija. Mamaya ay nandito na ‘yon si Ali kasama ang tita niya,” ani Tito Carlos.

Kasalukuyan kaming nandito sa hapag-kainan at nag-aalmusal kasama si Franz at ang mga magulang niya, si Judith at ang mga magulang niya na sina Ate Luz at Mr. Oblignar. Pero ang sabi ni Mr. Oblignar ay Tito Carlos na lang ang itawag ko sa kaniya.

Nabanggit niya kanina habang kumakain kami na kagabi raw bumiyahe galing probinsiya ang kapatid niya at si Ali kaya naman pihadong maya-maya lamang ay nandito na ang mga ‘yon.

Ganado akong kumakain dahil sa excitement na nadarama. After two years of longing, I would be able to see my two years lost little brother.

Wala sa sariling napatingin ako kay Franz. Kumakain siya at panay ang ngiwi, bahagya rin siyang umiigtad dahil na siguro sa iniinda niyang sakit sa katawan.

He threw dagger stares on me the moment he noticed I was staring kaya naman iniwas ko na lamang ang tingin ko ‘saka nagpatuloy sa pagkain.

Kitang-kita ko ang kulay gray na aura sa mag-asawang Oblignar. Nangangahulugan iyon ng kalungkutan na marahil ay dahil sa issue ngayon.
Gayunpaman, nagagawa pa rin nilang makipag-kwentuhan sa mag-asawang Schrödinger. Masaya silang nagkukwentuhan na animo’y hindi inaalintana ang kaibahan ng estado nila sa buhay. Para lang silang magkumpare at magkumareng nag-uusap.

Sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan ng dining room nang bumukas iyon. Isang lalaking nasa mid-30s ang pumasok. Hinuha ko ay siya ang family driver dahil siya rin yung nakita ko na sumundo kay Franz dati.

“Sir, may nasa labas po. Carla raw ho,” anito.

“Papasukin mo,” ani Tita Francheska.

The driver obliged. Pagbalik niya ay may kasama na siyang isang babae na may karga-kargang batang lalaki.

Ali...

Pinaghalong kaba at saya ang naramdaman ko nang magtama ang mga mata namin. Masaya dahil buhay pa pala siya at makakasama ko na, ngunit nakaramdam ako ng kaba sapagkat pa’no kung hindi na niya ako kilala? Paano kung nakalimutan na niya ako dahil sa nangyaring insidente noon?

I had read somewhere that there is tendency that persons who has trauma loss their memories.

“Ate...”

My heart thumped as my eyes grew bigger when he mouthed that word.

Kumawala siya mula sa pagkakakarga sa kaniya ng babae, ibinaba naman siya nito.

The next scene was dramatic for me. Bakas ang kasiyahan sa kaniyang mukha habang tumatakbo patungo sa’kin at sumisigaw-sigaw ng ate.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at sinalubong siya ng mahigpit na yakap. Naninibago ako dahil hindi na siya mataba katulad ng dati. Sakto lang naman ang katawan niya pero mas gusto ko pa rin yung dating katabaan niya dahil masarap unanin at yakapin.

“Ate, ate... ate, ate..”

Patuloy lang siya sa pagsambit sa pangalan ko. Narinig ko pa siyang umubo, dahil siguro umiiyak siya? Ako kasi nauubo rin sa tuwing umiiyak.

Naramdaman kong gusto niyang kumawala pero hindi ko siya hinayaan dahil baka tumakbo siya palayo sa’kin. Baka narealize niya na hindi niya ako kilala....

“Liessandra.” Hinawi ko ang kamay ng kung sino man ‘yon dahil sinubukan niyang paghiwalayin kami ni Ali mula sa pagyayakapan.

Couldn't they see that we’re still having our moment here? Tiyak akong mas umiiyak ngayon si Ali dahil umuubo-ubo siya. Tears of joy.

“Leissandra!”

Realization hit me.

━━━━━ ━━━━━ ━━━━━

I’m back, clumsies♥
More updates coming!!!

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now