Chap20- Strangulated

47 17 0
                                    

“That was cool,” komento ni Franz pagkatapos kong ikwento  sa kan’ya ang tungkol kay Mr. Oblignar. “I hope I have that kind of skill too.”

“You, having a Retentive memory is enough.” if ever na totoo nga na may Retentive memory talaga s’ya. “Wait, sa’n pala tayo pupunta?”

Kasalukuyan kasi kaming nasa taxi ngayon, pero ibang daan yata ang binabagtas namin.

Ngunit hindi siya sumagot, prente lang siyang nakaupo at nakatingin sa harapan, kaya naman panay na lamang ang tingin ko sa bintana at umaasang baka alam ko ang lugar na dinadaanan namin.

“Keep the change,” napatingin ako kay Franz at tumingin ulit sa may bintana. ‘Massage Spa’, yan ang nakalagay sa tarpaulin na nasa isang hindi kalakihang building.

Pihadong magpapamasahe dito si Franz ng leeg niya. Bumaba na lamang ako at sumunod sa kaniya papasok.

“Nakakaawkward naman, hindi pa tayo nagbibihis at nakakapaligo oh.” pigil ko sa kaniya. Tanging white sando lang kasi ang suot niya samantalang ako naman ay ‘yung kagabi pa na suot ko, nakasabit naman sa balikat ko ang hoodie na ipinahiram niya. Hindi pa niya ito kinukuha sa’kin, ewan lang kung bakit.

Huminto siya at humarap sa’kin, sa tuwing lumilingon siya ay kasabay pati katawan niya dahil syempre hindi naman siya makalingon talaga kaya naman palihim akong natatawa. “No one would sniff you there,” aniya saka pumasok na sa sliding glass door ng gusali.

“Hi, Goodmorning Sir.” bati ng babae sa counter na nakaputi, nakasulat sa kanyang nameplate ang pangalan niya which is Faye. Actually lahat sila dito nakaputi na parang pang-nurse ang suot, pero mas mahaba nga lang ang kanila.

“Uhm, neck massage...?” ani Franz. Mukhang hindi niya alam kung pa’no magapproach sa isang massage spa eh. Well, ako rin naman kaya hindi ko siya matutulungan.

“Ako! Ako na’ng magmamasahe sa kaniya, free time ko na ngayon,” saad ng isang matabang babae, Maria ang nakalagay sa nameplate niya. Kung ito ang hihilot sa leeg ni Franz, nako kawawa naman siya dahil kamay pa lang nitong babae wala na siyang ligtas. Baka tuluyan pa ‘yung leeg niya.

“Tabi! Magandang tulad ko ang dapat na magmassage sa kaniya,” sabad ng isang kadarating pa lang na babae na todo ngiti kahit pa sungki-sungki ang ngipin at may pangil pa, Ruby naman ang nakalagay sa nameplate nito. Mas payat ito kumpara do’n sa unang masahista, kaso nga lang ay kawawa pa rin siya dito dahil baka kagatin pa nito ang leeg niya.

“Akin ‘yan si pogi!” may isa pang babae ang pababa sa hagdan, dali-dali itong lumapit kay Franz. “Ako na lang magmamasahe sa’yo pogi. Proven and tested na ang service ko,” humagikhik pa ito habang nagsusumiksik kay Franz. “Marami na’ng costumer ang nakasubok at lahat sila ay satisfied!” pasimple pa nitong pinisil ang braso ni Franz.

“Tse! Baka gahasain mo lang yan Bernadette at pilitin!” singhal ng isa pang babae na kabababa pa lang mula sa hagdan, Tarsing. Tantiya ko ay siya ang pinakamatanda dito, mukha rin siyang mature. “Serbisyo ko na lang ang kunin mo, ijo. Tiyak na hindi kita gagahasain dahil ikaw mismo ang gagahasa sa’kin.” anito sa malamyang boses sabay hagikhik. Napangiwi na lamang ako sa kaharutan ng mga masahistang nandito.

“Teka nga muna, kamusta ‘yong mga clients na nakatoka sa inyo do’n sa second floor? Ha?” mataray na tanong ni Faye, ang babaeng pinagtanungan ni Franz kanina.

“Ah, eh.” sabay-sabay na wika ng mga babaeng nagpepresinta sa pagmasahe kay Franz.

“Iniwan muna namin, ang sabi kasi may poging customer daw eh,” ani Bernadette sabay tingin kay Franz na ngayon ay mukhang pikang-pika na. Halos lahat ng nandito ay hinahagod siya ng tingin, pa’no ba naman kasi ay kitang-kita ang maskulado niyang pangangatawan dahil sa nakasando lang siya.

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now