Chap32- Major in Stalking

34 3 0
                                    

“Oh, pamangks. Ginabi ata kayo.”

Hinilot ko ang nanakit kong batok ‘saka nagmano kay Uncle.

Kabit-kabit niya si Ali na nginangatngat ang daliri niya habang nakatingin sa akin. Dumukwang ako para halikan siya sa noo.

Sasagot na sana ako nang si Franz ang nagsalita.

“Pasensya na ho. Nagpasama pa po kasi ako kay Liessandra kaya nagabihan kami.”

Tinitigan ko siya. Hindi pa rin bumababa sa motor.

“Ah, gano’n ba. Sige, salamat sa pahatid sa pamangkin ko, ijo. Oh s’ya, pasok na kayo, dito ka na mag-dinner, ijo. Ise-celebrate natin ang pagbabalik ng isa ko pang pamangkin.”

“Salamat ho pero baka hinahanap na rin ako ng mga magulang ko,” si Franz.

Busy ako sa pagpipisil ng pisngi ni Ali pero nakikinig pa rin sa usapan ng dalawa.

“Okay sige. Ingat ka, ijo.”

Pagkalingon ko sa kanila ay saktong paalis na si Franz.

Sumunod ako kay Uncle papasok ng mansiyon. Isasara ko na sana ang pinto nang bigla kong naalala ang motor! Ng garapatang si Stern.

Tiyak kong may nakakabit na GPS sa motor na iyon at tiyak ko rin na ita-track ‘yon ni Stern.

Sa oras na gawin niya ‘yon, sa bahay ni Franz siya mapupunta... at kung lumabas ang totoo niyang kulay... Maaring madamay nga sila Franz.

Dali-dali akong lumabas pero wala na, hindi ko na naabutan pa si Franz. Nakasara na rin ang gate.

Sa labis na frustrasyon ay paulit-ulit kong sinabunutan ang sariling buhok pero agad din namang napatigil nang sumakit ulit ang batok at ulo.

Nakapikit akong yumuko at sinapo ang batok na parang namamaga at naputol ang ugat. Parang—

Ano ‘to?

Sa pag-inda ng sobrang nanakit kong batok kaya siguro hindi ko napansin ‘to kanina no’ng pagyuko ko.

Isang kapirasong papel. Pinulot ko iyon para basahin kung may nakasulat.

‘Don’t worry.’
- FK.S

“Uh, ganito pala ang sulat-kamay niya huh. Cool,” sambit ko sa sarili.

Sobrang ikli ng nakasulat pero nakuha ko naman agad ang gustong ipahiwatig niya.

“Leissandra? Bakit hindi ka pa pumapasok? Halika ka na.”

Lumingon ako sa pintuan. Nandoon si Uncle na karga-karga na si Ali.

“Sige po, Uncle.”

Naglakad ako papasok at sabay-sabay kaming pumasok sa loob at dumiretso sa dining room.

Pagkaupo namin ay agad akong binati ni Manang Rosie. Tinugunan ko naman siya ng isang magiliw na ngiti at binati pabalik.

Marami ang nakahandang pagkain. Marahil siguro dahil isini-celebrate ngayon ang muling pagbabalik ni Ali.

Magkatabi kami kanina at sinusubuan ko siya pero kinuha siya ni Uncle, kinandong at siya na ang nagpakain kay Ali.

Hinayaan ko lang si Uncle kanina dahil alam kong namiss niya ang kapatid ko, pero ngayon ay kami na ni Ali ang magkatabing matulog dito sa kwarto ko. Besides, may online meeting si Uncle with his investors kaya dito na sa akin ang kapatid ko.

Pinagmamasdan ko siya habang payapang natutulog.

Marami ang iniisip ko ngayon...

Isa na ro’n ang pagpapakita ni Stern na ang akala ko noon ay napatay na ni Axel. Sayang nga lang talaga at hindi pa pala. Pero nag-iwan naman ng marka sa kaniya ang ginawa niya noon, ‘yun ay ang pilat niya sa mukha na dahil sa sunog.

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now