Chap24- Revelation

44 9 0
                                    


"Nakita lang siya ng asawa ko noong umuwi siya sa probinsiya nila dalawang taon na ang nakakaraan," ani Ate Luz. Titig na titig ako sa larawan na ibinigay niya saakin, larawan ng isang bata na masayang nakangiti. Walang duda, siya nga ang kapatid ko... si Ali.

"Kandong si Ali ng isang binatang nanghihina dahil sa sugat sa tagiliran, tinulungan siya ng asawa ko at dinala sa bahay namin sa probinsiya. Pero... pagkalipas ng ilang araw ay bigla na lang nawala 'yung binata, tanging si Ali na lang naiwan." bumuntong-hininga siya.

"Hindi namin nalaman 'yung pangalan ng lalaki, kasi kahit tinanong ko at kinulit-kulit kung ano'ng pangalan niya hindi pa rin niya sinasabi. Pangalan lang ni Ali ang binigay niya." sabad naman ni Judith. "Ang akala pa nga namin, anak niya si Ali. Pero sabi niya hindi raw, basta ang sabi no'ng lalaki sa'min ay may kapatid raw si Ali na kamukha niya."

"Noong nakita kita kanina, Liessandra ay naramdaman ko na talaga na kapatid ka ni Ali. Pero no'ng sabihin ni Franz na Cy ang apelyido mo ay iwinaglit ko na ang posibilidad na 'yon dahil magkaiba naman kayo ng apelyido." tumingin si Ate Luz kay Franz na ngayon ay sumisimsim ng maligamgam na tubig habang nanonood saaming nag-uusap.

"G-gusto ko po siyang makita," pinipigilan kong mamilisibis ang mga luha ko. Bukod sa ayaw kong may nakakakita sa'kin tuwing umiiyak ako, ayoko ring madagdagan pa ang eyebags ko.

"S-Sige... pero wala siya dito sa Maynila. Nasa probinsiya siya eh." nag-aalangang tugon ni Ate Luz.

Naiintindihan ko siya, kitang-kita ko ang pangamba at takot sa kaniya, hindi lang sa kaniyang aura kundi pati na rin sa kaniya mga mata. Natatakot siyang mawala si Ali sa kanila na dalawang taon nilang inalagaan, marahil ay napamahal na ang kapatid ko sa kanila.

Pero... nangungulila rin naman ako sa kaniya at may karapatan din akong makita at makasama ang kapatid ko.

"Huwag po kayong mag-alala, hindi ko naman po ilalayo sa inyo si Ali," I assured them, umaasang sa gano'ng paraan ay mabawasan ang pangamba nila. Ngayon pa nga lang ay nalulungkot na sila, paano pa kaya sa oras na hilingin kong

"Salamat." tanging tugon nito, halatang pinipigilan ang gustong kumawalang emosyon. Ipinagpatuloy na lamang niya ang kaniyang niluluto.

"Liessandra... sana naman, huwag mong ipagkait sa'min si Ali sa oras na magkita na kayo..." si Judith, seryoso siyang nakatingin saakin. "Mahal namin si Ali, at itinuring na ring parang tunay na kapatid... kaya, please."

Tumango-tango ako, "Hindi gano'n ang mindset ko, 'wag kang mag-alala dahil hindi ako gano'n."

Isa pa ay hindi lang sila ang maaapektuhan, pati na rin si Ali dahil malamang ay sila na ang nakasama nito sa mga nagdaang taon. Naiimagine ko tuloy kung kagaya pa rin ba siya ng dati, 'yung bubbly at sweet sa'kin at pati rin 'yung pisngi ay bubbly. Dito kasi sa picture, katamtaman na lamang ang hubog ng katawan niya, hindi tulad ng dati na inaasar ko pa siyang 'piggy'.

"Tiyak na malulungkot din si Papa... kung mawawala sa'min si Ali," malungkot ang tono niya.

Someone cleared his throat, interrupting our conversation. "Mas mabuti pang samahan mo na muna si Liessandra maligo at magbihis, Judith."

"Huh? Ayoko nga." saad ni Judith, nakanguso pa ito.

Teka? Sino ba'ng boss dito?

"Why?" kunot-noong tanong ni Franz. "Kelan ka ba naging boss?"

Humalukipkip si Judith at tumingin kay Franz. "Kuya Ser Franz," she emphasized the 'ser'. "Hindi ko pa nararanasan maging boss."

Mukhang makakasaksi ako ngayon ng live bardagulan. Kung pustahan lang naman, si Judith ang manok ko. Sa tono pa lang ng boses niyang matinis, maiiyak sa rindi ang kaaway nito.

"Oh. So, what's with the sudden bossy attitude? Ang sabi ko, samahan mo si Liessandra maligo at magbihis." ungos ni Franz at muling itinapat ang basong may maligamgam- malamig na sigurong tubig dahil kanina pa niya iniinom, pero di pa rin ubos.

"Ayoko nga," bwelta ni Judith. "Hindi kami talo Kuya Ser Franz, sasamahan ko lang siya papunta sa common bathroom. Ayoko nga'ng samahan siyang maligo at magbihis," she tsk-ed. Nasamid si Franz 'saka salubong ang kilay na tumingin sa'min habang umuubo-ubo pa. Humarap si Judith sa'kin at ngumiti. "I'm sure na ayaw din naman ni Liessandra na magpasamang maligo at magbihis."

"Tha-that's not what I meant Judy!" asik ni Franz.

"Hay nako, alam mo naman 'yan mag-isip si Judith, Franz." natatawang wika ni Ate Luz.

"Hahahaha! Ang langya mo kuya ser! Sige na, halika na Liessandra." aniya at marahan akong hinila papunta sa common bathroom.

Dumaan muna kami sa living room kung nasaan 'yong paper bag na may lamang pambihis ko.

Pero nagtaka ako dahil hindi naman kami sa common bathroom nagpunta, maid's quarter ito. Hinila niya ako papasok, maganda ang loob nito at katamtaman lamang ang lawak. May mga gamit rin na pihadong pagmamay-ari nila Judith.

"Bakit dito?" nagtatakang tanong ko kay Judith na may hinahalungkat sa isang pink na cabinet.

"Shokong talaga 'yong si Kuya ser Franz, paano ka maliligo kung wala kang pampaligo?" iniabot nito ang isang kulay pink na malapad na tuwalya sa'kin. "Yan, malinis 'yan wag kang mag-alala. Tsaka, doon kasi sa common bathroom... wala do'ng shampoo, sabon at mga gamit pampaligo, kaya dito ka na lang maligo." ngumiti pa siya.

"Ahh... salamat ha." nginitian ko rin siya.

Lutang siguro si Franz, o baka naman epekto pa rin no'ng leeg niyang namamaga.

Pumasok na'ko sa CR nila at inilock ang pinto. Ang gara ng CR dahil parang pang-mayaman lang din, seperated 'yung bowl at shower area. May bathtub pa.

"Nga pala, Liessandra! Wag mong gamitin 'yung kojic ko ha!" sigaw ni Judith mula sa labas.

Napatawa na lamang ako ng bahagya, hindi ko naman talaga gagamitin ang kojic niya kasi alergy ako do'n. Nasubukan kong gamitin dati pero nagka-rashes ako kaya nadala na ako't hindi na gumagamit ng beauty products.

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now