Chap12- Hidden Information, is spilled!

65 15 0
                                    

"Okay na mga Miss. Wala na 'yung ahas. Naayos na rin namin yung nabutas niyong kisame." deklara ni Mang Kelyo, ang all around taga-ayos ng mga problema sa dormitory ng boys at girls.

Agad kaming nagpasalamat at tinulungan siyang mailabas ang mga kagamitan niya, tumango lamang ito.

"Parang nung isang araw lang, may inayos din akong kisame d'yan sa Room 17," napakamot pa ito sa ulo. "Tapos may nasira din nuong isang araw sa Room 21, kisame din ng banyo. Ngayon pati sa inyo rin, ano bang pinagagagawa niyo mga ineng?" nayayamot na wika niya, marahil ay dahil sa pagod kaya mainit ang ulo nito.

Sa Room 17 at Room 21 'yong sinasabing may nagpakita raw na multo. Ibig niya bang sabihin, yung mga Room kung saan nakita 'yung multo ay may mga butas ang kisame?

"Sige, una na'ko," anito. "Aray!" napaigik ito nang mauntog sa may pintuan, matangkad kasi siya kaya naman boom! Untog siya.

"Salamat po ulit," sabay-sabay naming wika.

Thelma is already calm, hindi man lang siya natakot o kaya medyo na-trauma dahil sa nakita niya. Nahubad na raw niya 'yung mga damit n'ya nung time na 'yon, tanging undergarments na lang ang natira nang may nakita siya sa peripheral vision niya na tila may nakadungaw mula sa kisame, 'yun yong part na sumigaw na siya. She wrapped  the towel on her self then ran towards me.

Pero bago raw siya makalabas ng pintuan ay nakita niyang bumaba mula sa kisame yung multo, and she distinguished that the ghost was tall. Normal ba 'yon? Bakit parang bawat nakakita sa multo, palagi nilang sinasabi ang salitang matangkad.

KINABUKASAN, kahit na may pasok ako ay nagpunta ako sa unang babae na sinasabing nakakita ng multo, si Marie Faith De Guzman.

"Ano'ng itsura niya?"

Nandito kami ngayon sa quadrangle, hindi ko alam kung bakit hindi siya pumasok sa klase n'ya, basta naabutan ko nalang siya na nandito at nagcecellphone.

"Kagaya lang din ng mga nakikita ko sa horror movies, pero... napansin ko lang na mas matangkad siya," aniya. "Siguro kasi, matangkad talaga s-si, Richel..."

Iginigiit talaga nila na multo ni Richel ang nanggugulo ngayon.

"Nung gabing nagpakita sa'yo 'yun... nakita niyo rin bang may sira o butas yung kisame niyo?"

"Uhm... Oo, butas 'yung kisame nung CR namin, pero di ko alam kung bakit." tugon niya. I nodded, wala na akong maisip na pwedeng itanong sa kaniya kaya't nagpaalam na'ko.

Ang susunod kong pupuntahan ay si Michelle, siya 'yung pangalawang nakakita raw nung sinasabi nilang multo.

Papunta na ako patungong klasrum ng Section D nang biglang may humawak sa balikat ko mula sa likuran. Agad ko iyong hinarap.

"Cyst naman, kanina pa kita hinahanap! Hays," si Justine iyon at kasama si Franz na blangko ang ekspresyon habang nakatingin sa'kin.

"Uh, eh ikaw? Bakit ka nandito, wala bang klase?" tanong ko sa kaniya.

"Meron cyst! Pero hinanap kasi kita, kaya di na'ko pumasok," bumaling siya kay Franz. "Nakasalubong ko siya, tapos sabi niya tutulong raw siya sa paghahanap sa'yo, kaya isinama ko na."

"Where did you go?" Franz said using his cold-bored voice. 

"Iniimbestigahan ko 'yung tungkol sa nangyayari sa Girl's Dormitory," tugon ko. "Kagabi kasi, nagpakita kay Thelma 'yung sinasabi nilang multo."

Nagkatinginan naman sila, Franz furrowed his eyebrows, still processing what I've said.

"Kung si Michelle ang hinahanap mo ngayon, hindi siya pumasok." saad ni Franz.

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now