Chap6- Pash Pash

79 19 0
                                    

Franz and I had a good time, at first, I thought he's a brat and a boring person to be with but...

"Hey! Hahaha! Akala mo siguro 'di ako kumakain ng streetfoods no?" aniya habang pinapapak ang fishball na binili namin. Nandito kami ngayon sa gilid ng kalsada kung saan may nagtitinda ng streetfoods. It's almost 5pm but wala pa rin naman ang van na susundo sa'kin ganun din ang sa kan'ya.

"Uh, yung apelyido mo kase pang-mayaman e," me while eating kikiam. Bagong luto kaya't masarap at masarap din ang sauce!

"Yung apelyido ko is pang-foreigner hindi pang-mayaman," he chuckled then put two fishballs in his mouth.

"Yeah?" tanging sabi ko na lamang. Maya-maya pa ay may nagsidatingang grupo ng kabataan na nakahubad ang pang-itaas na  mga damit at may hawak na bolang pam-basketball.

"Pre, itusok mo nga ako ng sampung kikiam," mayabang na sabi ng lalaking lider na nakabrace kay Franz. "Manong eto bayad," dagdag pa nito sabay abot ng sampung piso sa tindero.

Franz raised his eyebrow, "I'm not your slave." Itinuro niya ang mga kasamahan nitong nasa likuran niya habang nakakrus ang mga braso at nakataas ang mga noo. "Better consigne those minions behind you."

Nagtinginan naman ang mga kasamahan nito, apat sila at bale lima sila lahat kapag sinama pa ang ugok na lider na 'to na may brace. Para silang mga tambay sa kanto— uhh Mga tambay sila sa kanto.

"Wag mo'kong angasan pre! Di mo ba'ko kilala?!" sigaw nito kay Franz saka pinatalbog ng malakas ang bola na hawak niya, napunta iyon sa kanal.

"Hoy, kunin nyo nga!" utos nito sa mga kasamahan niya. Oh, tanga naman pinatalbog tapos ipapapulot.

"Teka, parang kilala kita." Franz said, ubos na niyang kainin ang fishball kaya itinapon niya sa basurahan ang plastic cup na pinaglayan no'n. He crossed his arms and stepped forward, halos magkasingtangkad lamang sila ngunit mas maskulado si Franz.

"Ikaw ba si Pash Pash?" ani Franz. Muntik ko ng maluwa ang kinakain ko, daaarrnn! Hahaha kitang-kita ang pagkairita ng lalaki, umiigting ang panga nito gaya ng mga pinapangarap nilang Jboys ni Jonaxx pero ewan ko na lang kung may gumusto sa isang to na umiigting din ang panga.

Kamukha nga niya si Pash pash, kulang na lang ng bilog na sunglasses at panyo sa ulo.

"G-ago ka ba?!" sigaw nito.

Nanggangalaiti na ito sa galit at anumang oras ay handa ng manglapa. Si Franz naman ay chill lang habang nakakrus ang mga braso. Sinaway pa sila ng tindero na h'wag mag-away dahil madadamay ang paninda nila, pero hindi nagpatinag ang dalawa sa tinginan nila. Nakakuyom na ang mga kamao ni pash pash—

"Bentong! Yung bola dumiretso sa stereo!" sigaw ng isa niyang kasamahan.

"Lagot tayo nito kay master, Bentong!"

"Oo nga! Uuwi ka nanamang lumpo niyan!"

Gumuhit ang magkahalong takot at galit sa mukha ni pash pash saka tumakbo papalapit sa mga kasamahan niya. Naiwan kami ni Franz sa harapan ng tindahan ng fishball.

"Mga g-go! Bakit n'yo kasi hinayaang maanod don!?" rinig naming sigaw ni pash pash.

"Tsss. Dimwit." bulong ni Franz. "Oh, nand'yan na ang sundo ko. So, see you again tommorow...?" aniya.

I saw a black Lamborghini ‘di kalayuan sa kinatatayuan namin. May lalaking nasa mid 30s na nakatayo sa labas no'n habang hawak ang pinto ng passenger's seat.

"Yeah. Likewise. Bye," I said, he nodded and headed towards the Lamborghini. Kumaway ako sa kaniya nang tumingin siya sa direksyon ko bago pumasok sa kotse.

Three minutes passed at dumating na rin ang van na sundo ko.

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now