Chap29- Amusement Prank II (Attempted Murder)

61 3 0
                                    

"WE'RE NOT KIDS!"

Hinila ko ang nanggagalaiting si Franz palayo sa tatlong mahaderong pulis.

Wala silang professionalism! Sa mga mapang-insulto pa lang nilang mga tingin at tawanan na mas malakas pa sa tunog ng sirena ng kanilang police mobile, nakakababa na ng respeto para sa kanila. Naturingan pa namang mga pulis pero wagas kung makapang-insulto.

Sinaksak ko sila ng matalim na tingin, gano'n din ang ginawa ni Franz bago lumayo sa kinaroroonan ng tatlong pulis na malalaki ang tiyan.

Ang sabi nung teacher ko noong grade 5, ang dahilan kung bakit raw malaki ang tiyan ng isang lalaki ay dahil sa labis na pag-inom ng alak o beer. Nakakalaki raw talaga ng tiyan ang mga alcoholic drinks lalong-lalo na ang beer. Pihadong malalakas uminom 'yung tatlong pulis na 'yon.

"They're underestimating us," Franz mumbled under his breathe.

Wala na ang mga biktima rito dahil siguradong nadala na sila lahat sa Ospital. Ngunit ayon sa nakita ko kanina bago kami umalis dito, may mga nabalian, may mga nasugatan, may batang dumudugo ang ulo na pihadong nabagsakan o natamaan ng parte ng Ferris Wheel, at mayroong nasunog ang balat sa binti dahil siguro sa naputol na wire mula sa ride na 'yon.

Sa ngayon, mga pulis, staffs at manager ng Amusement Park, at kami nila Franz na lamang ang nandito.

"Teka! Bakit nga pala nila hinayaang umalis lahat ng tao?" nagugulimihang tanong ko.

Malaki ang posibilidad na isa sa mga namasyal ang salarin, at posibleng nakatakas na ito! Maaring nakatakas na ngayon ang suspect/s.

Isa pa, nakuhanan na kaya nila ng statements 'yung mga taong maaring witness sa nangyari?

"Hays," buntong-hininga ko. Mahirap talaga kapag walang access sa imbestigasyon.

Magulo. Puno ng katanungan ang isip. Kyuryosidad. Nakakainis!
Ganito pala ang nararamdaman ng mga chismosang walang masagap na bagong impormasyon.

Nakita ko sa aking peripheral vision na napahilamos si Franz sa kaniyang mukha, frustrated kagaya ko. Nakapagtataka lang...

Bakit ba kami affected sa pangyayaring 'to? Wala naman kaming kakilalang nadamay. Hindi naman kami nadamay. Ang akala ko nga, hindi na kami makiki-osyoso dito. Dapat magkasama kami ni Ali ngayon at sinusulit ang oras na muli kaming nagkita.

"Ala una na." Pumihit ako paharap sa kaniya. "Pero hindi pa tayo kumakain," nakanguso kong reklamo.

May tumunog na sikmura. Halatang gutom na gutom na nga. Pero hindi 'yung akin 'yung tumunog.

"Yeah, we must take our lunch first." Nag-iwas siya ng tingin at diretsong naglakad patungo sa exit ng Amusement Park.

Pumasok kami sa isang restaurant na malapit lang din sa Amusement Park. Pero dahil may namukhaan akong iilang kaklase ko ro'n, nilisan na lamang namin iyon.

Tinaasan ko siya ng kilay. Prente kasi siyang busangot na nakaupo do'n sa may upuan.

Tinaasan niya rin ako ng kilay kaya mahina akong napapadyak sa sahig at lumapit sa kaniya. Hinila at dinala sa may nakahilerang mga ulam.

"Hindi mo ba alam ang turo-turo?"

"Point-point?"

I groaned. "Hindi nakakatawa."

"That means you dropped your sense of humor somewhere," aniya. "Besides, I've translated the weird word you said. I was not joking."

"Teaching-teaching yata ang translation nun, eh," pwede ring bull-bull. "By the way, hindi 'to restaurant kaya iba ang sistema dito. Kailangan na ikaw ang mag-adjust dahil walang waiter, server meron."

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now