Chap36- Affiliation

36 3 0
                                    

Madaling araw. Saktong alas tres ng umaga. Humahangos akong tumatakbo papunta sa mansiyon.

Buti na lang, nagawa kong akyatin ang bakod ng campus namin sa tulong na rin ng lubid na nakita ko. May maagang jeepney din na bumiyahe kaya't nakasakay ako ro'n at hindi nahirapang makaabot sa mansyon ni Uncle kung saan naro'n si Ali.

"Hurry up. Save them. You're fool, you put your exact address. Now, I'm sure they'll get your brother again. Hurry, before it's too late."

Iyon ang nakasulat sa papel na nakaipit sa likod ng ID ko. Nang mabasa ko iyon, tila ako binuhusan ng nagyeyelong tubig.

"Liessandra!" bulalas ni Manang Rosie pagkakita sa akin. Lumapit siya sa akin, nahalata ko agad ang nanginginig niyang kamay.

"Bakit ho may mga pulis dito?" tanong ko.

"A-ang kapatid mo kasi, kinidnap," nangangatal na aniya.

Napasapo ako sa sariling noo. Sobrang huli na ako. Sana pala tinignan ko na 'yung ID no'ng binigay sa akin ni Stern.

"Si Uncle ho? Alam ba niya 'to?" Kung alam niya 'to, tiyak akong magtatalaga siya ng mga private investigators at mga kakilala niyang pulis. Mas mapapadali ang pagrescue sa kapatid ko.

"Kasama siyang kinidnap." Tinuro niya ang mga police na nakasuot ng latex gloves. Tila may sinusuring kung ano. "May itinurok sa kaniya, tapos, tapos parang bigla na lang siyang nawala sa sarili. May sinabi sa kaniya yung isang lalaki. Naging sunud-sunuran na siya, kusa siyang sumama sa mga 'yon. Nakatali ako kanina, kaya hindi ko na alam kung anong nangyari, basta narinig ko na lang ang sasakyan na papalayo. Buti na lang, dumating ang family driver nila Ser kaya't nakalagan ako at nakatawag ng mga pulis."

Iyon ang salaysay niya na halos hindi ko na narinig nang mapako ang tingin sa isang bagay na hawak ng mga pulis.

Dybroxonin...

Dali-dali akong lumabas, hindi na pinansin ang pagtawag ni Manang Rosie.

"Liessandra," isang mahinang bulong mula sa kung saan.

Nilingap ko ang paligid. Guni-guni ko lang ba 'yon? Parang hindi, may nararamdaman akong pamilyar na aura sa malapit.

"Stern!" I half-shouted. Nilapitan ko siya. He's there, hiding behind the tall and ranky bushes outside the gate. "Bakit ka nariya-" Nabitin sa ere ang susunod kong sasabihin nang makitang dumudugo ang kanang pigi.

Lumapit ako at dinaluhan siya.

"Argh! Ang kati dito!" reklamo niya. "Bakit ngayon ka lang? Wala tuloy akong naging katulong kanina sa pagligtas sa kapatid ko." Masama ang tingin niya sa akin.

"K-kanina ko lang kasi nakita 'yung sulat," ani ko.

"Tss! Weak." Inirapan niya ako. Napangiwi nang kumirot ang dumudugong hita.

Hinuha ko ay nabaril siya. May pasa rin siya sa gilid ng bibig. May bahid din ng dugo ang pilat niya sa pisngi.

"Bakit ka nga nandito sa palumpungan? Makati talaga dito." Sinubukan ko siyang hilahin mula sa pagkakasalampak.

"Slowly," nakangiwing aniya.

***

"Why did you helped that bastard?" mahinang bulong ni Franz. Kaninang alas kwatro, matapos kong maihatid dito sa Ospital si Stern, binuksan ko ang facebook ko.

Hindi ko nga rin alam kung bakit eh, basta natagpuan ko na lang ang sarili na itinatype ang tungkol sa nangyari kay Stern at sa kapatid ko, sinend ko iyon kay Franz.

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now