Chap35- Stringent

40 2 0
                                    

Kinabukasan ay muli kaming nagkita ni Franz.

“1339?” asked by him.

Recess time ngayon at nandito kami sa canteen. Kaming dalawa lang dahil pinatawag si Justine ng MAPEH teacher namin. Siya kasi ang contestant for painting.

“Oo,” pagkukumpirma ko sa tanong niya.

Uminom siya mula sa coke in can na binili niya. “I’m thinking...”

I’m thinking, too. Ano naman kaya ang ibig sabihin ng mga numerong iyon? Year 1339? Wala namang 13th month at day 39 kaya imposibleng month and date ‘yan.

“Actually, Roman numerals talaga ‘yung nakacarve sa pulseras niya. One.” Isinulat ko sa hangin ang roman number ng one. “Dalawang three.” I made three vertical lines on air. “At ‘yung panghuli is.” Sumulat ako sa hangin ng letter V at apat na vertical lines.

Tumaas ang kilay niya. “There’s no Roman Number same as the last.”

“Oo nga, pero sa tingi—”

“That means nine, maybe.”

Napatango na lang ako kahit pinutol niya ang pagsasalita ko.

Nagpatuloy kami sa palaisipan namin tungkol sa nakaukit sa bracelet ni Ali. Nabanggit ko na rin na si Axel ang nagbigay no’n.

“That Axel is also a member of the Xanexene.” A statement from him. Not a question.

Tumango ako bilang pagsang-ayon.

“Are they the only members you knew?” tanong niya.

“Oo. Sila lang ang nakilala ko ng gabing ‘yon.”

Natahimik kaming dalawa. Parehong wala ng masabi dahil sa gulong mga isip.

Si Axel kaya ang nagcarve o nagpacarve no’n? Kung siya, aba may pagkashunga pala ang lalaking ‘yon. Saan kaya niya nakuha ang VIIII na Roman Numeric?

Napabuntong-hininga ako.

“Bank!” pabulong na sigaw ni Franz.

Tumitig ako sa kaniya. “Huh?”

Hindi ko maarok kung ano ang iniisip niya. Sabagay, aura ang nababasa ko hindi isip ng tao.

“It’s safe to assume that it is a safety deposit box number.”

“May gano’n bang bangko? Aabot hanggang one thousand?” tanong ko.

“Yeah. The biggest Bank here in Philippines. It has two thousand four hundred safety-deposit box.”

“Paano mo nasabi na may gano’ng Bangko nga?”

Parang wala naman yatang Bangko na gano’n karami ang safety-deposit box.

Humalukipkip siya at kumibit-balikat. “Well, our discussion earlier just popped out in my mind. The topic was about banks and our instructor told about  Bank that has thousand of safety-deposit box, Xanea Bank Corporation.”

That name seems familiar.

Xanea and Xanexene is quite... Similar! Hindi kaya ang Mafia Group din na iyon ang may-ari ng Bangko na tinutukoy ni Franz?

Tila narinig ni Franz ang katanungan sa isip ko.

“I guess that Mafia group we knew owns that Bank or they has connection.”

Posible nga.

Naputol ang pag-uusap namin nang mapansin ang mga estudyanteng nandito sa loob ng canteen na nakatingin sa pinto. Nandoon ang guard, palinga-linga.

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now