Chap42- Gun

37 4 0
                                    

Franz flinched when Liessandra’s voice echoed. Tumayo ito at tumakbo sa kung saan, sapo-sapo ang ulo at halatang nahihirapan. Naawa siya. Ano kayang nangyayari sa babaeng ‘yon?

Susundan na sana niya ito pero tumunog ang kaniyang cellphone.

Una niyang nakita ay ang oras. 8:19pm. Pagkatapos ay ang message notification.

Unknown number ang nakalagay, but thanks to his Retentive memory, he know that it’s the number of the Doctor they consulted to conduct a test on Liessandra’s blood.

“Positive. She still has the chemical in her hemoglobin.” The text stated.

Without replying, he turned off and slid the phone inside his pocket.

Hindi pa huli. Maililigtas pa niya si Liessandra mula sa impluwensiya ng kemikal. Hindi mauulit ang ginawa nito dati.

Of course! Dahil ang laman ng metal box ni Axel ay antidote.

He’s sure. No doubt. He has a masteral degree in distinguishing any kinds of liquid and chemicals.

Pinulot niyang muli ang metal box na kanina’y linapag niya sa sahig. Umayos siya ng tayo nang makuha iyon. Kusa pala ‘yong naglock kanina nang ibalik niya ang takip.

Good thing, nasa kaniya pa rin ang susi. A key disguised as a bracelet. Astig, pero mas astig pa rin ang mga imbensiyon niya.

He inserted the tip tothe keyhole. Inikot niya.

May tumunog.

Dalawang magkaibang tunog.

“Ibigay mo sa’kin ‘yan.”

Nagtiim-bagang siya. Dahan-dahang pumihit paharap sa nagsalitang nasa likuran niya.

Isang lalaking tansiya niya ay nasa around 40 years old plus ang nakatayo sa harap niya. Nakatutok sa kaniya ang hawak na baril na naikasa na.

Inilahad nito ang kaliwang kamay. “Ibigay mo sa’kin,” matigas nitong ulit.

“Who are you?” matapang niyang tanong.

Tumalim ang mata ng kaharap. Humigpit ang hawak sa baril at animo’y nagpipigil. Humigpit din ang hawak niya sa metal box.

“Franz Kyler Schrödinger...” Ipinilig nito ang ulo. Huminga ng malalim bago ibinaba ang baril. “You do really wanna know who I am?”

“Yeah. I really do,” binuntutan pa niya iyon ng ingos at ngisi.

“I’m The—”

May narinig silang malakas na putok ng baril. Galing sa taas.

They both crouched.

Franz heard running footsteps towards their direction.

“Boss!”

Iyon ang mga kalalakihang humahabol sa kanila kanina. Agad ng mga itong itinutok ang kaniya-kaniyang baril kay Franz.

Ang lalaking kanina’y nakayuko ay tumayo. “Nasa’an ang iba?”

“Nasa rooftop, Boss. Sinundan ‘yung babaeng kasamahan niyan.”

Ngayo’y unti-unti ng lumilinaw ang lahat sa kaniya. Ito pala ang Boss mg Xanexene. Kung gayon, ito rin ang may pakana sa pagkamatay ng kaniyang Lolo!

Marahas siyang tumayo, walang pakialam sa kung ano man ang magiging consequence no’n.

Sabay-sabay na ikinasa ng mga tauhan ang kanilang baril na nakatutok kay Franz.

“So, you were the one who killed my father,” nagtitimping aniya.

“Hindi ko alam na ikamamatay ni Mr. Ramirez ang alkane,” depensa ng lalaki. “Wala— Hindi ko alam. Wala ako sa tamang pag-iisip noon. Kamamatay lang ng, ng mag-ina ko dahil din sa kemikal na iyon. Ang akala ko, matagumpay ang nagawa kong gamot... na makakapag-pagaling iyon sa ovary cancer, pero hindi pala.”

“Nagpadalus-dalos kasi ako, kahit na hindi pa kumpirmado kung epektibo ba talaga ang alkane, itinurok ko iyon sa, sa asawa ko. Failed. I thought of revenge, subalit pinagsisihan ko rin sa huli. I’m, I’m.” Tumikhim ito. “I’m sorry for your loss.”

“Bakit ka pa nandamay ng iba?!” singhal niya.

“Mayroong mental disorder si Boss noon...” sabad ng isa, boses ng babae.

Nilingon niya ito—

Kinain siya inis nang makita ang babae.

Si Zaina, ‘yung babaeng sumakal sa kaniya gamit ang buhok...
Na s’ya ring dahilan kung pa’no nila natuklasan ang dybroxonin.

“The death of her wife... He deserved it,” Franz smirked.

A pain crossed in the man’s eyes. Binalingan nito ang mga tauhan. “Ibaba niyo ‘yan, baka maiputok niyo.”

Agad na tumalima ang mga tauhan.

“Tsss. This is the antidote, right?” Itinaas niya ang metal box na hawak. Kailangan na niyang mahanap si Liessandra para magamot na ito ng antidote.

Hindi niya alam kung anong eksaktong nangyayari sa babae, pero may hinuha siyang nasa ilalim ito ng impluwensya ng naturang kemikal. Delikado.

Dahang-dahan na tumango ang lalaki. “Ibigay mo sa akin, kailangan na ‘yang maibigay sa batang ‘yon.”

He was actually shock. Amazement glinted in his eyes. Gusto rin nitong mapagaling si Liessandra?

“Dalawang taon ang nakakaraan, sinubukan kong sunugin ang alkane. Sa gubat... Nang silaban ko, mausok pero hindi umaapoy. May nahulimigan akong boses ng batang babae. Hinahanap yata ang alaga niyang aso, sa gubat ding iyon,” salaysay nito. Nakaharap sa kaniya, walang-buhay ang mga mata.

Nagpatuloy ito, “Nakita niya ‘yung aso niya, ‘di kalayuan sa kinatatayuan ko. Umiiyak siyang tumakbo palabas ng gubat.” Yumuko ang lalaki. “Ang dahilan pala ng pagkamatay ng aso niya, ay ang alkane. Ang usok. Nakamamatay sa hayop, gano’n din ang nangyari sa ibang ibong malapit do’n na nakalanghap ng kemikal.”

Nagtiim-bagang siya. Kaya siguro nagawang patayin ni Liessandra ang pamilya niya, dahil ‘yon sa epekto ng usok sa utak niya at pagkamatay ng kaniyang alaga, naapektuhan din ang emosyonal na sistema niya.

Muli silang nakarinig ng putok ng baril sa rooftop.

He panicked. Hindi niya hahayaang muling magkaro’n ng bahid ng dugo ang kamay ni Liessandra.

Tumakbo siya papuntang rooftop. Nakahinga ng maluwag nang hindi pigilan ng mga Xanexenes.

Subalit hindi nakatulong ang paghinga niya ng maluwag nang marating na niya ang rooftop. Kumabog ng mabilis ang dibdib niya.

May hawak na baril si Liessandra. Her eyes are bloodshot red. She’s smirking.

A man with tatts was sprawled on the floor. Iniinda ang nagdurugong tagiliran. Ang baril na nasa tabi nito, durog na.

Ang mga baril ng kasamahan nito’y nakatutok sa babae.

He flinched when one of those pulled the trigger. A loud bang echoed.

Pero laking gulat niya nang maiwasan iyon ni Liessandra.

Ang mga kasamahan ng lalaki ay tila nag-ugat na sa kanilang kinatatayuan. Nakatutok nga ang mga baril, pero mukhang hindi naman makakatama dahil kitang-kita ang panginginig ng mga ito.

Mas tumalim pa ang gilid ng labi labi ng babae. Pasuray-suray ang ulo nito, animo’y nakadroga.

He’s sure that it’s dangerous to approach her. Wala ito sa tamang katauhan. Hindi si Liessandra ang nakikita niya ngayon, kundi ang dybroxonin.

Nag-isip siya ng paraan upang maipasok sa katawan ni Liessandra ang antidote.

He needs a gun.

Pagkapihit niya’y natigilan siya. Sa hagdan kasi na bababaan niya, nandoon at nakatayo ang Xanxenes pati ang lider ng mga ito.

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now