Chap34- Enigma

40 2 0
                                    

"Ali, ang ganda ng bracelet mo," puri ko.

Kumakain siya ng agahan. Sinusubuan ni Uncle.

Napatingin si Uncle sa pulseras ni Ali. "Oo nga, bagay sa'yo pamangks."

"Bigay Sel," nabubulol na aniya.

"Sel? Siya ang nagbigay sa'yo?" tanong ko. Tumango siya.

Bahagya akong napaisip. Sel....

"Axel?" bulong ko. Narinig niya pala, kaya tumango siya.

Bigla akong naintriga kaya tinignan ko ang bracelet niya. Tatanungin ko pa sana siya kaso isinubo ni Uncle 'yung bacon kaya puno ang bibig niya.

Sayang. Hindi ko siya matatanong dahil papasok pa ako ngayon. Pero swerte dahil Friday.

Pagkatapos mag-agahan ay nag-ayos na ako para pumasok. Buti na lang at may uniform ako rito. 'Yung bag ko na lang ang tanging kukunin ko sa dorm.

"Bye, Ali. Mamaya nandito ulit si ate." Hinalikan ko siya sa noo. Ngumiti siya kaa sumilay ang munting biloy sa kaliwa niyang pisngi na namana niya kay Mama.

Inihatid ako ng driver. Si Uncle naman ay nagpunta sa kompanya kaya naiwan si Ali kay Manang Rosie.

"Welcome back, Liessandra!"

Halos mabingi ako sa sigaw ni Justine. Napatingin din sa akin ang iba pa naming kaklase.

Mabuti't wala pa dito ang teacher namin. Maaga pa kasi at kokonti pa lang din ang nandito.

Kanina sa dorm ay hindi ko na rin naabutan sina Thelma dahil malamang ay maaga rin silang nagtungo sa kani-kanilang classrooms.

"Ano? Okay ka na ba?" Sinalat niya ang noo ko. Tapos ang leeg naman. "Hay salamat. Buti naman at wala ka ng trangkaso."

Nagsalubong ang kilay ko pero agad ko rin namang pinaghiwalay dahil baka mahalata niya. Yon ba ang nilagay na reason ni Franz? Ay! Ni Judith pala.

Hiningi ko sa kaniya ang mga notes na isinulat niya. Pinicturan ko 'yon para may mapag-reviewhan ako kung sakali.

Buong klase ay inip na inip ako. Maalinsangan na nga ang panahon tapos wala pa kaming electric fan man lang kaya kaniya-kaniyang paypay.

Kahit na umaga sobrang init. Global warming nga naman.

Hindi ako fan ng Math subject. Nakakasakit kasi sa ulo. Pero ngayon ay naiintriga ako.

"We would discuss about Roman Numerals class," sabi ng Math teacher namin.

Syempre alam ko na ang tungkol sa mga Roman Numerals dahil nai-lesson din 'to noong Grade 6 ako.

Habang nagle-leksyon ang Subject teacher namin ay sumagi sa isip ko ang nakaukit sa bracelet ni Ali.

Sabi niya si Axel ang nagbigay no'n, contrary sa inisip ko nung una, na sila Tito Carlos ang nagbigay. Si Axel pala.

I - A. III - C. III - C. VIIII - May ganito bang Roman Numeral?? Ang alam ko VIII stands for number 8, tapos IX na 'yung susunod.

Hindi kaya number 9 ang ibig sabihin ng panghuli?

Tsaka bakit hindi nagmatch sa pangalan niya?

Hanggang sa hapon na't uwian na. Hindi ko pa rin makuha ang ibig sabihin no'n.

Lumingon ako sa kaliwa ko. Wala na si Justine na kasabay kong naglalakad kanina.

"You're pre-occupied."

Napahinto ako. Napahinto rin ang lalaking nasa kanan ko na s'yang nagsalita. Pagpihit ko paharap sa kaniya ay saktong tumama ang sinag ng araw sa hikaw niya sa kaliwang tainga. Kumislap iyon.

"Hi." Ngumisi siya.

"Hi din." Pagkasabi ko no'n ay muli akong nagpatuloy sa paglalakad. Pero nakasabay pa rin siya.

'Di bale, madadaanan naman na namin ang boys' dormitory kaya pihadong maya-maya ay hindi ko na siya makakasabay.

Pero lagpas na sa building ng boys' dormitory. Kasabay ko pa rin siyang naglalakad kaya hinarap ko ulit.

"Lagpas ka na. In case na hindi mo napansin," untag ko.

Itinaas niya ang kaniyang kilay. Tumingin sa building ng dormitory na nalagpasan namin, tapos tumingin ulit sa akin. Marahan siyang tumawa.

"You're Liessandra, right?"

"Yes. I am. Bakit po?" I emphasized the po lalo pa't mas matanda siya sa akin.

"Nothing. I just saw that you and the annoying Franz are close." Ipinagdikit niya ang kaniyang hintuturo at gitnang daliri. "So, maybe we could be close too."

Sasagot na sana ako nang may humila sa backpack ko kaya napasandal ako sa kung sino mang humila.

"No. Couldn't." Kumabog ng mabilis ang puso ko. Nanginig ang sistema ko pero buti na lang at nakasandal ako sa kaniya kaya hindi ako natumba.

"Woah. Why?"

"Just go. Away. From her."

"Tsskk. Are you insecure, Kyler?"

"Shut up, Lyroin."

Umayos ako ng tayo mula sa pagkakasandal kay Franz. Inayos ko rin ang backpack ko. "We could be close, Karl. 'Yan ay kung maayos kang makisama," nakangiti kong saad.

Suminghap si Franz na nasa likuran ko.

"Good then. I'm good at socialising," sabi ni Karl.

"A veenerer," bulong ni Franz na sigurado namang narinig ni Karl.

Biglang sumulpot si Thelma.

"Omygosh! You're back na nga, Liessandra!" hiyaw nito. Hindi niya kasama sina Kyla.

"Uhm." 'yon lang ang tanging namutawi sa bibig ko.

Bigla niya akong hinila papunta sa dormitoryo namin kaya naiwan 'yung dalawa ro'n.

Nang lingunin ko sila bago kami umakyat sa second floor ay magkaharap sila't mukhang nag-uusap. 'Yung hindi normal na pag-uusap. Ugh. Sana naman hindi sila mag-away.

Pagkarating sa dorm room namin ay agad akong sinalubong nina Kyla at Rose. Nangamusta sila at nagtanong ng kung ano-ano na sinagot ko naman.

Kumain kami sa cafeteria nang pumatak ang alas syete ng gabi. Ngayon ay kasama ko sila, may dalawa ring kasamang lalaki. Kaklase raw ni Thelma, si Hendrick at Flord.

'Yung Flord panaka-nakang pasimpleng umaakbay kay Thelma. Humahagikhik naman ang babae sa t'wing inaakbayan siya.

Dahil naaasiwa ako sa nakikita ko sa harap ay inilibot ko na lamang ang tingin ko para hanapin si Justine.

Pero ang nahanap ko ay si Franz. Kumakain ng pasta. Di kalayuan sa amin.

"Cyst!"

Naalis ang tingin ko mula kay Franz, nalipat sa hermaphrodite na naglalakad palapit sa mesa namin.

"Hi cutie," bati nito kay Hendrick na katabi ko. Ngumiti naman ang huli.

Umupo si Justine sa gitna namin kay napausog ako. Panay ang ngiti niya kay Hendrick na ngumingiti rin sa kaniya.

Naging close si Justine sa mga nandito base sa naobserbahan ko. Sa totoo lang kasi magaling siya makipag-interact kaya mabilis niyang nakaclose ang mga dormmates ko at ang dalawang lalaking nandito.

Muli akong napatingin kay Franz. Nag-iwas siya ng tingin saktong pagkatingin ko sa kaniya.

Sinitsitan ko siya. Pero hindi tumingin kaya sinitsitan ko ulit.

Tumigil na lamang ako dahil napapatingin sa akin 'yung ibang nandito. Pati ang mga kasama ko ay nacucurious din sa akin.

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now