Epilogue

66 6 0
                                    

Maaliwalas ang kalangitan, maging ang buong paligid.

Masarap sa pakiramdam ang bugso ng sariwang hangin na nanggagaling sa dagat. 

“Relax, son. She’ll come,” pagpapakalma ng kaniyang ama.

Aminado siyang kinakabahan, paano na lang kung hindi siya siputin ng bride?

Inayos niya ang suot na tuxedo. Inilibot ang tingin sa venue ng kanilang kasal.

Mula sa pinaghalong puti at violet na bulaklak na nakahilera sa mga gilid, hanggang sa mga bisitang nakaupo sa monoblock chairs na may cover na kulay puti at violet na tela.

Ang bestman niya? Si Karl Lyroin.

Natawa siya sa sarili. Noon kasi, competitive silang dalawa sa isa’t-isa, pero ngayon, bestfriends na. Magkapartner ang kompanya nilang parehong nagsusupply ng mga iba’t-iba at makabagong imbensyon.

“Nababaliw ka na ha, baka lumala ‘yan kapag hindi ka talaga sinipot ng bride mo,” pansin ng ama.

Natatawa na lang siyang umiling-iling. Nadako ang tingin sa bahagi kung sa’n nakaupo ang mga guests na babae.

Ang maid of honor, si Justine. Hindi niya alam kung paano. Basta nalamam na lang niya ngayon na ang maid of honor ay ang baklang kaibigan ng kaniyang sooner wife-to-be.

Muli niyang ipinalibot ang tingin. Nahagip si Stern. Kandong-kandong ang dalawang taong gulang na anak na lalaki. Panay ang bungingis nito at patalbog-talbog ng pwet sa hita ng ama.

Panay naman ang lingon ni Stern sa kabilang bahagi kung saan nakaupo ang asawa. Sinenyasan na kunin na ang makulit na anak dahil namamanhid na ang hita. Pero irap lang ang natatanggap nito mula sa asawa.

Katabi ni Stern ay si Axel. He’s making a face, kaya naman pala bungisngis ng bungishngis ang anak ng katabi.

Tinapunan nito ng masamang tingin ng tatay ng bata. Pero hindi pa rin ito nagpaawat sa pagharot sa batang patuloy sa pagpapatalbog-talbog ng pwet.

“Congratulations,” Amberlie mouthed. Katabi nito si Zaina, Thelma, Rose at Kyla.

Sinuklian niya ng ngiti ang pagbati nito.

Karamihan sa bisita nila ay miyembro ng Xanexene. Mafia group noon na Bank at famous Laboratory na ang pinapatakbo ngayon.

Isa pang dahilan kung bakit beach wedding ang tema ng kasal nila ay dahil daw masusunog karamihan ng mga bisita nila kung sa simbahan gaganapin.

“Why? Marami ba ang pinatay niyo?” iyon ang tinanong niya sa mga ito noong stag party.

“Hindi, mga dalawa lang siguro saamin ang nakapatay na ng tao. Pero may kasalanan pa rin naman kami sa Panginoon.”

“Nak, nandyan na ang bride mo oh,” kinikilig na saad ng maganda niyang nanay na si Francheska Schrödinger.

Tumuwid siya ng tayo. Muling inayos ang tuxedo. Pinapakalma ang naghaharumentadong puso.

Natuon ang tingin niya sa mapapangasawang naglalakad ngayon sa kulay lila na carpet. Kulay gatas puti ang gown nito at ang hawak na palumpong ng bulaklak ay puros lavender.

On the each side of the bride is the Uncle and brother, Ali, busy waving and giving flying kisses to the visitors.

Napailing siya, childish pa rin ang bayaw-to-be niya kahit na bente sais anyos na.

He swallowed hard. His bride is only ten centimeters away from him.

“Kuya Franz, lugi ka kay ate, napakainosente niyan. Sakit-puson aabutin mo sa honeymoon niyo,” biro ni Ali.

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now