Chap38- Amidst

42 4 0
                                    

THIRD PERSON’S POV

***

Isang malamig na tubig ang gumising sa dalawang taong nasalampak sa sahig, nakatali ang parehong kamay at paa. Isang batang lalaki at isang lalaking may kaedaran na.

“Gising na!” bulyaw ng isang lalaking puno ng tattoo ang buong braso.

“Ano? Hindi pa ba gising? Hoy! Gising na diyan! Ay, nakapiring pala HAHAHAHA!” isa pang lalaki. Nagtawanan din ang iba pang kasamahan na naroon.

“Tanggalan niyo na lang ‘yan ng piring, hindi na importante kung makilalala pa man tayo,” sabad ng isang kapapasok pa lang na lalaki. Umupo ito sa isang silya na naro’n, ipinatong ang hawak na baril sa nakade-kwatrong mga hita.

Nilingap nito ang paligid, ang walong lalaki lamang na inutusan niya ang naro’n. Nang mapansing wala roon ang hinahanap ay muli itong nagsalita. “Nasa’n ang anak-anakan ko?”

Nagkatingin muna ang mga iyon bago yumuko, nagaalinlangan na magsalita.

“Ano?! Wala bang may balak na sumagot diyan? Gusto niyo bang kayo ang unahin ko kaysa sa dalawang ‘to?” Itinutok nito ang baril sa bata at sa matandang lalaki, tapos ay sa mg tauhan naman niya.

Sumilay ang takot sa mga mata ng matanda na tiyuhin ng bata.

Hindi na nakapiring ang mga ito, ngunit may duct tape na nakalagay sa kanilang bibig. Nangingilid ang luha ng batang lalaki, sa isip niya’y isinisigaw ang pangalan ng kaniyang ate.

“Sinubukan niya ho kasing iligtas ‘yang dalawa.” Itinuro nito ang isang lalaki na iniinda ang kaniyang nabaling buto sa paa. “Kinalaban niya ho kami nang nasa gate na kami palabas, Boss, kaya napilitan kaming... barilin siya para magtagumpay kami na makuha sila.”

Tila umakyat ang kumukulong dugo ng lalaki sa kaniyang ulo. Marahas siyang tumayo at pinaputok ang baril sa pader, malapit sa tauhan na nagsalita. Syempre hindi siya natatakot na may makarinig sa putok ng baril dahil nasa underground sila. Isa pa’y soundproof iyon dahil dinesenyo ng kaniyang anak-anakan na si Stern.

“Putangina talaga ang batang ‘yon,” bulong niya.

Nanginginig naman sa pagkabigla at takot ang lalaking muntik ng matamaan. Binato ito ng matalim ng tingin ng lalaki.

“Gago! Hanapin mo siya! Dalhin mo sa’kin,” singhal niya.

Natatarantang humakbang ang lalaki upang tumalima. Umakyat ito sa steel ladder pataas. Muntikan pa itong mahulog nang madulas sa bakal na hagdan dahil sa pagkataranta.

“Kayo? Ano pang hinihintay nyo riyan? Samahan niyo ang hunghang na ‘yon! Alam niyo namang hindi no’n kakayanin mag-isa dahil sa kaduwagan ng isang ‘yon!” bulyaw niya sa apat na tutunga-tunganga.

He gritted his teeth when all of his men walked towards the ladder. Akay-akay ang lalaking bali ang buto. “Mga putangina talaga! Kayong tatlo, bakit kayo aalis din? Ha? Kayo ba inutusan ko? Sainyo ba ako nakatingin kanina?! Balik!”

Kaagad na nagsipulasan pabalik ang tatlo.

“Nasaan na ang babae?” tanong niya.

Ang lalaking may mga tattoo ang sumagot. “Wala po siya ro’n—”

“Alam ko! Dahil nasa eskwelahan siya. Ang tinatanong ko ay kung nalaman na ba niya, o kung gumagawa na ba ng paraan para mahanap ‘tong dalawang ‘to.” Binalingan niyang muli ang dalawang bakas ang takot sa mga mukha. The old man was trying to say something but he couldn't because of his tape-sealed mouth.

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now