Chap22- Submissive

43 11 0
                                    

"Nako, Franz ano'ng nangyari sa leeg mo?" may pag-aalalang tanong ng isang babae pagkapasok namin ng tarangkahan, nakasuot ito ng unipormeng pangkatulong. Tantiya ko ay 28 or 29 years old siya.

"Nasakal ho ako, Ate Luz. Dalawang beses." tugon naman ni Franz sabay ngiwi. "Buti po at nakabalik na kayo dito sa bahay. Kamusta na ho 'yung bunso niyong anak?"

"Oo, maayos na kasi siya ngayon kaya ayon, pinababantayan ko na muna sa tita niya. Salamat sa Daddy mo dahil sinagot nya 'yung mga bayarin." nakangiti nitong ani habang maluha-luha pa.

"Wala po 'yon, Ate Luz. Masaya kaming tumulong sa inyo especially dahil loyal kayo sa'min," saad ni Franz. "Yung asawa mo ho pala, nagpapahinga pa sa ship pero uuwi na rin naman daw ho mamayang gabi."

"Ah, oo nasabi nga sa'kin ni Ser." saad ng babae.

Kasinglaki ng bahay nila Uncle itong bahay nila Franz. Sa katunayan, matatawag na itong mansiyon dahil sobrang gara. Halos lahat yata ng gamit dito ay mamahalin lalo na 'yung mga vase. Pihadong mahilig mangolekta ng vase ang mommy niya.

"She's Liessandra Cy. A friend of mine," pagpapakilala sa'kin ni Franz. Ngumiti naman sa'kin ang babae na s'ya namang sinuklian ko ng matamis na ngiti.

"Nako, ang ganda mo naman, ija. Ilang taon ka na ba?" nagagalak na tanong ni Ate Luz. Sa iba, napapairap ako kapag pinupuri nila ako dahil kitang-kita ko naman na peke 'yung papuri nila. Pero kita ko ang kulay asul na aura na sumasakop sa kabuuan niya.

"14 years old ho," magiliw na tugon ko. 

"Oh," naniningkit ang mga mata nito nang tumingin kay Franz. Muli itong tumingin sa'kin, "Ako nga pala si Luz, labinlimang taon na akong naninilbihan sa pamilya ni Franz."

Tumango ako at ngumiti, "Ikinagagalak ko ho kayong makilala."

Biglang hinablot ni Franz mula sa'kin ang kaniyang hoodie at iniabot ito kay Ate Luz. "Pakilabhan po 'yan, tsaka... pakiutusan ho si Judith na bilhan si Liessandra ng damit at...." napatigil siya. "undergarments."

Napayuko na lamang ako dahil gustuhin ko mang tumanggi ngunit kailangan ko naman 'yon lalo pa't feeling ko ang dugyot ko na.

"Ah sige, ijo. Pa'no 'yang namamaga mo'ng leeg?" muli nitong tanong.

Humarap saakin si Franz, "Si Liessandra na ho ang bahala nito, right Liessandra?"

Ako? Parang sumusobra ka na yata sa mga favors and owes mula sa'kin ha.

"O-opo, marunong naman ho akong magmasahe," ani ko.

"Ah. Okay, sige magluluto muna ako ng pananghalian bago ko labhan 'to Franz ha." saad ni Manang Luz.

"Sige po, salamat ho." wika ni Franz, nginitian lamang siya ni Manang Luz saka nagmartsa paalis.

"I'll go upstairs first, wait for me here." pagkasabi no'n ni Franz ay iniwan na niya 'ko at umakyat siya sa hagdan kaya naman naupo na lamang ako sa sofa.

Ang laki naman ng living room nila, ang gaganda rin ng sofa at masarap sa mata ang color combinations nito. May mga paintings din na antique, ngunit ang nakakuha ng atensyon ko ay ang family picture nila. Only child lang pala talaga si Franz, ngunit ansaya pa rin nilang tignan sa picture at matatawag talaga na isang pamilya.

While roaming around my gaze, nahagip ng paningin ko ang isang babae na nakatingin sa'kin. Sa tingin ko ay kaedaran ko lang siya at palagay ko ay siya si Judith, anak siguro siya ni Ate Luz. Nang mapansin niyang nakatingin din ako sakan'ya ay nginitian niya ako at kinawayan saka dumiretso sa pintuan. Ramdam kong friendly siya at mabait dahil sa gestures niya. 

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now