Chap26- Dybroxonin Alkane

44 4 0
                                    

"Liessandra, wake up! Hey!" Napabalikwas ako nang maramdaman ang pagyugyog sa'kin ni Franz.

Napatingin ako sa kaniya na ngayon ay puno ng pag-aalalang nakatingin sa'kin. "You're dreaming, and... sweating. Seems like your nightmare affected you that much."

Naramdaman kong basa nga ang damit ko pati na rin ang pisngi ko. Pero hindi ko iyon pinansin, sa halip ay niyakap ko si Franz ng sobrang higpit. I don't know what's happening, but I'm scared to loose him. O kahit sino mang espesyal sa akin.

"W-what's happening to you?" aniya habang yakap-yakap ko pa rin. Hinagod niya ang likod ko na basa ng pawis, nakaramdam ako ng hiya at pasimpleng inamoy ang sarili ko. Well, not bad, I'm not stinky tho. Bumitaw na ako mula sa pagkakayakap sa kaniya.

"Wala, nanaginip lang," saad ko. Wala sa sariling napatingin ako sa leeg niyang hindi na gaanong namamaga.

"Uh, I feel my neck is okay now. Thank you for massaging..." he said. "Look, hindi ka ba sanay matulog sa sofa?"

"Hindi naman, may napanaginipan lang ako."

"You mean... you dreamt of me? You're mumbling my name asleep," saad niya. I diverted my gaze. Napanaginipan ko nga siya, ang akala ko totoo pero buti na lang at hindi.

"Kamusta na pala 'yung tinitest mo?" pag-iiba ko ng usapan.

"It's done." Naglakad siya patungo sa mesa kung saan naro'n nakapatong ang mga ginamit kanina.

Lumapit din ako doon. "Anong resulta?"

"This yellow liquid is a dybroxonin alkane." Wika niya habang dahan-dahang isinasalin iyon sa isa pang tube na mas malaki.

"Drybro—what?" I cringed.

"Dybroxonin alkane was the chemical who have found almost twenty years ago. It was featured in International Newspapers," he said. I'm not a fan of newspapers and I don't do reading those kasi books lang ang binabasa ko, not newspapers. Oh, don't tell me na walang kaibahan ang newspaper at libro, ha.

"Uhmm... C-care to enlighten me?"

"Hanapin ko lang 'yung newspaper na 'yon, and you, change your clothes. Baka magka-pneumonia ka pa." naglakad siya papunta sa pader kung saan kami tumagos kanina at may kinuha doon, isang itim boxer at puting tshirt.

"Here." Kniabot niya iyon sa'kin. "Don't borrow Judith's clothes, those are disgusting. Hahanapin ko muna sa kwarto ko 'yung newspaper, pwede ka magbihis dito. Don't worry, hindi kita makikita mula ro'n dahil—"

"Yeah, I know." I cut him off kaya naman dumiretso na siya palabas.

Nagsimula na akong magbihis, hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang napanaginipan ko kanina. Maraming nagsasabi na may kahulugan ang mga panaginip, kaya ano'ng kahulugan no'n?

Kasyang-kasya sa'kin itong boxer ni Franz, baka dati niya pa 'tong boxer. Bumagay naman dito ang tshirt niya na oversized sa'kin.

"Are you done? I already found it." Sigaw ni Franz mula sa pagitan ng pader. Kitang-kita ko mula rito na nakahalukipkip siya habang hawak ang isang newspaper.

"Oo, pasok ka na."

As if on cue, he entered and handed me an old newspaper. Sobrang luma na nito  at kupas pero readable pa naman ang bawat letra, malabo nga lang 'yong mga larawan.

"1987 Controversial; A deadly chemical"
'Yon ang nakasulat sa cover page.

Sa unang pahina ay tungkol sa isang kilalang tao dito sa Pilipinas, a senator. Nakasaad dito na namatay ito matapos na dumalo sa isang senate congress noong April 09,1987. Nahirapan ang mga pulis na ma-identify kung ano ang sanhi ng pagkamatay nito. The senator just collapsed in the middle of the exit hallway, heading towards their car with his bodyguards.

Sa una ay inakala nilang na-heat stroke lamang ito dahil sobrang init ng panahon, but when they went into a thorough autopsy, they found out that he was killed by a toxic chemical.

Dybroxonin Alkane.

Iyan ang nakasulat sa pangalawang pahina, hindi ko masyadong makita ang larawan na naka-indicate, pero sigurado akong isa 'yong botilya na may label na 'dybroxonin alkane' at tatak na bungo, nangangahulugang nakakalason o toxic.

"Bakit siya pinatay gamit 'to?" tanong ko saka muling umupo sa sofa.

"Hindi intensyon na patayin siya," he responded and it made me somehow curious.

"What do you mean?" with furrowed eyebrows, I looked at him. Nakatingin siya sa tube kung saan nakalagay ang dybroxonin alkane.

Bumuntong-hininga siya, "The senator was my grandfather."

I gaped, kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Is that the reason why he kept this very old newspaper?

"He has no rivalries, I know that, everyone know anyway. He's a good and responsible senator who aims to achieve the sake of this country," aniya.

Kung wala naman pala siyang kaaway? Bakit siya papatayin? I mean, urgh this is a maze for me. Ang sabi niya ay hindi siya pinatay intentionally, what does he mean?

"I was still very young that time, he said that he will companion me on my contest once the senate congress done. I waited for him," gumaralgal ang boses niya. Makailang beses pa siyang lumunok bago nagsalitang muli.
"Nasa venue na ako no'n, hinihintay ko pa rin siya. Until the awarding came, but still, there's no sign of my Lolo. O-our former driver qpproached me, then said that... hindi na raw makakapunta ang lolo ko dahil patay na siya. Hell yeah, the driver bluntly said that on me like he doesn't care even those blunt but painful words would hurt me."

Napakarude naman no'ng dating driver nila, hindi ba 'yon marunong magpaligoy-ligoy? O kaya naman, magdahan-dahan sa mga salita? Hays. Nang dahil do'n, malamang ay sobrang sakit para sa batang Franz ang marinig iyon.

"I was crying that time even there are people around. The emcee announced that my inventory was the winner, but... I didn't go upstage, I didn't claimed the award. I ran to our car and told the driver to render me to the hospital where my grandfather brought." pagpapatuloy niya, hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako o totoo na may lumandas na luha sa pisngi niya. "B-but, instead of a room, we entered a morgue. I saw him, nando'n din sila Mommy at nagulat sila nang makita ako. I could still remember how devastated my mom was when his father died."

"Sorry, sana hindi mo na lang kinwento kung malulungkot ka lang naman pala. Bringing back the past can cause additional pain."

"Bringing back the past can make you realize things that you never expected to happen." he rectify, contrary to what I've said.

"Does having a Retentive memory, is a burden?" I asked out of the blue. Minsan kasi, nacu-curious ako kung yung pagkakaroon ba ng matalas na memorya ay masama din, kasi hindi mo magawang kalimutan 'yung mga gusto mo ng kalimutan.

"Everything in this world has consequences. All things has advantage and disadvantages, for instance, being a soldier is an advantage because you'll protect your country, but the consequence is your life, and that's the disadvantage 'cause you have to be ready for death." muli siyang bumuntong hininga. "Me, having Retentive memory is somehow aborsive. I can't able to forget what my memory remembers. How hard I try, I still can't."

Bigla kong binawi ang kahilingan ko na sana ay magkaroon din ako ng gano'ng skill. The consequence is too burdenous, I can't stand with it. You won't be able to forget? Oh, no thanks. Parang 'yung kwento ni Haring Midas, humiling siya sa isang diwata na sana raw lahat ng mahawakan niya ay maging ginto. Then, natupad ang kahilingan niya, nagiging ginto bawat mahawakan niya and tuwang-tuwa siya. Pero, as time passes by, nauhaw siya ngunit hindi siya makainom dahil nang hawakan niya ang baso ay naging ginto 'yon, nagutom siya pero naging ginto rin 'yung tinapay. Nang umuwi 'yung anak niyang si Marigold ay niyakap niya ito, tapos ayon naging ginto rin.

See? Noon pa man, may kapalit na ang bawat bagay. 

****

Author's note:

Wala po munang magiging update itong sina Franz at Liessandra :)

See yah sa next update!

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now