Chap7- Lubricating Oil

77 18 0
                                    

Weekends passed, kasalukuyan akong nandito sa dormitory ng school. Dapat kasi, lahat ng estudyante ay dito mismo sa dormitoryo nakatira, dalawang building ang dorm ng Amethystine High. Apat na palapag na building para lang sa mga lalaki at apat na palapag din na para lamang sa mga babae. Bawat room ay kasya ang apat na estudyante at bawat room ay mayroon dalawang CR at isang kusina.

Labag man sa loob ko dahil mas gusto kong mag-isa, wala na akong nagawa dahil pinalayas na'ko ni Uncle sa baha- charot, mabait si Uncle hindi niya ako pinalayas. Kailangan lang talaga na dito mismo sa dormitory titira ang bawat estudyante.

"Sis! Paabot naman ng twalya, nakalimutan ko kasi," sigaw mula sa banyo. It was Rose, one of my dormmate, tatlong araw palang ako dito sa dorm and I observed na parati nyang nakakalimutang magdala ng twalya sa t'wing maliligo.

"Eto na," Kyla handed the orange towel to Rose's hand, tanging kamay niya lang kasi ang nakalabas sa pinto. Si Kyla palagi ang nag-aabot ng twalya kay Rose, I deduced that they're bestfriends and hooray! Mag-bestfriend nga raw sila.

I hope lahat, ako kasi simula no'ng tumira ako kila Uncle ay wala na akong bestfriend. Hindi naman ako naglalabas-labas ng mansyon kaya wala akong bagong kaibigan na nakilala. Parati lang akong nagmukmok doon sa kwarto tsaka nagbasa ng mga libro sa may shelf ni Uncle.

And by the way, the other one is Thelma, kaharap nito ang salamin habang naglalagay ng eyeliner, sa mata niya syempre. She's a happy-go-lucky girl na mahilig sa cosmetics. Mayroon siyang pouch na puno ng kung ano-anong beauty products. Magaling din siya magmake-up, kagaya ngayon, yung eyeliner niya ay magandang tignan. Aesthetic!

"Halaaaa kayo! Ang kukupad nyo kumilos." Tumayo ito at nilapitan ako. "Si Liessandra gurl hindi pa nakakapaligo, magse-seven na oh. Rosa bilisan mo na nga d'yan!" Hays. Kahapon ako rin 'yung panghuling nakapaligo, at ang malas pa dahil nalate ako, but thankfully hindi ako inusisa ng teacher namin.

"Nawalan ng tubig!!!" rinig naming sigaw ni Rose. Lumabas siya mula sa banyo habang nakatapis, mahaba at malapad naman ang twalya kaya hindi sensitibong tignan.

"Nawalan?!" sabay na sigaw nina Thelma at Kyla. Urgh! Ngayon pa talaga? Hindi pa naman ako confident na pumasok nang hindi naliligo. Ano ang ipampapaligo ko? Yung tubig sa ref?! Errrr, baka maging yelo pa ako.

"Oo, nakaisang buhos na nga lang ako sa buhok ko e," Rose said. May mga kaunti pang bula ng shampoo ang buhok niya.

"Madadala naman 'yan sa punas eh, punasan mo nalang buhok mo," suhestyon ni Kyla.

"Baka may sira, wala pa naman yung taga-ayos ng mga ganyan dito," Thelma pouted. "Mamayang hapon ang punta no'n dito t'wing Friday." She stared at me, I sighed. Nangangamoy papasok nang walang ligo.

•-•

"EVERY KIND of organic compounds has specific properties or characteristics." our teacher stated. Science ang first subject namin everyday, and we're discussing about Carbon compounds.

"Cyst, bakit ang dry ng buhok mo?" ani Justine, nakayuko ang teacher namin dahil may binubuklat ito sa libro.

Nilingon ko si Justine, "Huh?" patay-malisya kong tanong. Ganito talaga ang buhok ko, nagdadry kapag hindi nakakapaligo. Pisteng tubig kasi, nawala kung kelan kailangan. Sana pala naglagay ako ng baby oil para hindi masyasong halata.

"Hindi basa ang buhok mo nung pumasok ka dito," saad niya. Huh? Basehan ba kung naligo ka o hindi ang buhok? Aba, mejo nang-gigigilize ako sa hermaphrodite na 'to ah.

"Di ba uso sa'yo yung blower? Yung nakakapagpatuyo sa buhok," sambit ko.

Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko, "Hulaan ko, hindi ka naligo," bulong niya.

"Wala kang proof," I said.

"Meron kasing advisory kahapon, mawawalan daw ng tubig starting 7am to 5pm. Alam kong hindi mo alam dahil alam ko rin na hindi ka sinabihan ng mga chaka mong roommate," aniya.

Wtf?! Advisory?! Fudge, kaya pala 4am palang nagsiligo na sila. Urgh! Mga taksil. Sana inapply ko na lang yung sinasabi ng GoodNovel na; Love all, Believe few.

".... gasoline, for example, has strong odor, volatile, highly flammable and used for such daily activities and for technology." Ibinalik ko na lamang ang focus ko sa nagleleksyon.

"Another example of carbon compound is Lubricating oil. Now, anyone can explain what does Lubricant mean and what's its use?" ani teacher namin.

Umugong ang ingay ng lahat sa apat na sulok nitong klasrum. Hindi magkanda-mayaw ang lahat sa pagtaas ng kamay. Halos may iba na ring nakatayo para lang matawag sila.

"Lubricant. Hehe," Justine uttered in a low tone. Maraming nagtaas ng kamay...

"Ma'am 'yon 'yung ginagamit kapagbshczkjdunehdusl"

"Ma'am, unlike gasoline, lubricant is odorless!"

"Lubricant oil is used as moisturizer, Ma'am."

Napasapo sa kaniyang noo ang guro namin. Halos lahat ay kaniya-kaniya ng explain about lubricating oil. Halos hindi na maintindihan ang kanilang mga pinagsasasabi dahil sabay-sabay silang nagsasalita. Para na tuloy beehive 'tong room namin.

I stood up and raised my hand. Our teacher commanded my classmates to shut their filthy mouths.

"Lubricating oil, sometimes simply called lubricant/lube, is a class of oils used to reduce the friction, heat, and wear between mechanical components that are in contact with each other." I then took my seat. Iba naman kasi yata yung lubricant na sinasabi nila sa lubricant na topic namin ngayon.

Hays. May mga lumot ang utak nitong mga kaklase ko ah. Sabagay, hindi ko naman masisisi ang mga kagaya nilang mahilig magbasa ng wattpad. Oh crap! Hindi lang naman pala sa wattpad may lubricant eh, sa pornsites rin naman.

Ah teka nga lang pala lilinawin ko ha, hindi puro lubricant ang natututunan namin sa wattpad 'no! Maraming magagandang lessons na nakukuha sa wattpad stories, pero depende naman na yan sa mindset mo.

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now