Chap28- Amusement Prank I (Attempted Murder)

40 3 0
                                    

“Kamusta ka, Ali?”

Kumibot ang labi niya ngunit walang naging tugon sa katanungan ko. Nakatitig lamang siya sa akin.

“Silly girl, kung ikaw kaya yakapin hanggang sa hindi makahinga, magiging okay ka pa ba?” sabad naman ni Franz na nakatayo sa may paanan ng kama.

“Baka kay Leissandra pa matuluyan ‘yang si Ali.” Pinagkrus ni Judith ang mga braso niya at umirap sa hangin. Bahagya siyang siniko ng nanay niya.

“Ali, ayos ka lang ba?” tanong ni Tito Carlos.

Nakatingin lamang sa amin ang mga magulang ni Franz. Kanina pa sila walang imik, marahil ay dahil ayaw nilang manghimasok...

Naramdaman kong tumayo si Ali at niyakap ako. Hindi ko na pinansin ang mga sinabi nila. Hindi na lamang ako sumagot. That was my fault, nagpadala ako sa emosyon ko.

Nanatiling nakayakap sa akin ang kapatid ko. Walang nagsalita.

Hindi nagtagal ay nagpaalam na ang mga magulang dahil kailangan na nilang magtrabaho. Pati na rin si Judith na kasambahay dito.

Tanging si Franz, ako at si Ali na lamang ang natira sa kwarto.

“What if, ipasyal natin siya?” suhestiyon ni Franz.

Great idea. “Pero halos three consecutive days na tayong absent.” baka maaga akong ma-kick out nito.

“Tsss. Nagpapadala naman ako ng excuse letter para sa’ting dalawa.”

“Huh? Ano’ng nilalagay mong dahilan?”

“I don’t know,” kibit-balikat niyang tugon.

“Ano?! Kung I don't know din ‘yung nilagay mo sa excuse letter ko malilintikan ka sa’kin, Franz Kyler!”

“What?”

“What? Kalokohan ang nilagay mo sa excuse letter!”

“Tsk. There you are convenable, alleging even without accurate proof,” nakanguso niyang saad.

Natigilan ako. Maybe what he said was true. Minsan ay nag-aakusa ako ng walang sapat na dahilan, pero hindi naman masama ‘yon ‘diba? Nagiging considerate lang ako.

“Si Judith kasi ang gumagawa ng excuse letter nating dalawa, kaya hindi ko alam kung ano ang nilalagay niyang dahilan,” dagdag niya.

I sighed in relief. Hinaplos ko ang ulo ni Ali na hanggang ngayon ay nakayakap pa rin sa akin.

“Bakit kaya naaalala pa niya ako,” tanong ko sa sarili ko.

“Maybe because he has a sharp memory,” ani Franz.

Marahil nga. May posibilidad din kaya na naalala niya ang nangyari noon? At kung sino ang mga tampalasang pumatay sa magulang at kapatid namin? Malaking tulong ‘yon kung sakali.

Pero hindi makabubuti kung ngayon ko siya uusisain patungkol do’n. Instead of interrogating him, sinunod ko na lamang ang suhestiyon ni Franz.

Namsyal kami sa Amusement Park. Kasama rin si Franz na hanggang ngayon ay hindi pa nakakaget-over sa sakit ng katawan niya. Pasimple niyang hinihilot yung bumbum niya.

“Sigurado ka ba?” muli kong tanong kay Franz.

Hindi pa masyadong okay ‘yang leeg mo, eh. Tapos sasakay ka rin sa roller coaster?”

Pinaikot lang niya ang mata niya. Pfftt. Tignan natin kung hindi rin umikot ‘yang leeg mo kapag umandar na ‘to.

Binalingan ko ang kapatid ko. “Okay ka lang, Ali?”

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Onde histórias criam vida. Descubra agora