Chap3- Havoc in Lab Room

105 25 0
                                    

"Bhe? Nerd ka?" napamulagat ako nang biglang magsalita ang isang lalaki-err dyosa na seatmate ko. I faced him, nakatingin siya sa salamin na suot ko, well this is only an anti-radiation glasses, pero sinabi niyang nerd ako which is veryyy wrong!

"I'm not a nerd. I'm only wearing glasses to hide my eybags." I bluntly replied on him. Ang akala ko pa naman, walang destruction kapag nasa unahan.

"Ay, talaga ghorl. Buti nalang, wala akong katabing nerd," aniya sabay pilantik ng daliri. "I'm Justine nga pala. Nice to meet you Lili. Awww ang kyut." He commented sabay pinch pinch ng cheeks ko. Who else gets irritated when someone's insensitively pinches your cheek? Huh?

"Stop, okay?" saway ko sabay tanggal sa kamay niya. Napasimangot naman siya and I found it cute, though he's a gay. Everybody say saaaaaayaaaaaangg!

Nasa kalagitnaan kami ng klase nang may isang estudyanteng lalaki ang hinihingal na pumasok, at first I thought he's one of my classmate who's late. But as I saw his blue ID lace, he's a Grade 11.

"Ma'am Garcia, may nag-aaway po sa Laboratory Room!" anito. Tila umusok naman ang ilong at tenga ng teacher namin dahil sa narinig.

"Halika, samahan mo'ko," padabog nitong sabi saka tumingin sa aming lahat. "Kayo, dito lang kayo okay? Later magdidiscuss tayo about carbon compounds. Pick your Science books."

"Yeeeeeessss Maaaaa'aaaaamm!" we all replied in chorus with matching tone.

"Sino kaya yung nag-aaway?" komento ng isa kong kaklase.

"Baka sila Karl at Franz na naman, sila din yung nag-away sa Lab room last month diba." sambit ng isang babaeng may malumanay na boses.

"Ah! Oo, naalala ko pa 'yon. Yung muntik nang magsabuyan ng muriatic acid!" sabad ng isa pa. Napuno ng usapan at nakakabinging mga bulungan ang klasrum.

Nilingon ko ang katabi kong ngayon ay abala sa paglalagay ng lipbalm.

"Why? Curious ka ba do'n?" tanong nya nang mapansin na nakatingin ako.

"Huh? Sino ba naman ang hindi macu-curious," I said. Inilapag niya ang lipbalm saka humarap sa'kin, he smirked and expertly pulled me towards the door.

•-•

"T-ng-na ka! G-go! Parati mo nalang akong sinasabotahe!" panay ang mura ng lalaking hinahawakan ng dalawang CAT officer. Siya si Karl ayon kay Justine, samantalang si Franz naman ang chill na nakaupo lang sa harap ng guidance counselor.

"Hindi ko naman na kasalanan kung pumapalpak ang gawa mo, ikaw yung gumawa no'n, it's your responsibility." Franz stated then crossed his arms. He has this bored look.

Ayon kay Justine, pareho silang Grade 11 TVL at parehong techgeek. Once a month, mayroong nangyayaring exhibition at ini-exhibit ang mga gawa nila. This month ay may nangyaring exhibition, featured ang kanilang inventions. Ngunit laking gulat ng lahat nang hindi gumana ang gawa ni Karl kaya hindi na iyon isinama sa exhibition na ikinagalit ni Karl at sinabing si Franz ang may kasalanan. He's blaming Franz from destroying his invention.

Nasa labas lang kami at nakasilip sa bintana, halos puro mura ang naririnig ko mula kay Karl, tila walang pakialam kahit na may mga guro pa siyang kaharap ro'n.

"Psst! Cyst may teacher!" pabulong na wika ni Justine. Lumingon ako at nakita kong may teacher nga na papunta sa kinaroroonan namin. At syempre sa takot naming mahuli at maguidance din, nagninja moves kami ni Justine. Dagli kaming nagtago sa likuran ng pinto para hindi kami makita. Pumasok na sa guidance office ang teacher na iyon kay lumabas na rin kami sa pinagtataguan namin.

"Baka mahuli tayo dito," ani ko. "Much better bumalik na tayo sa room."

"Gusto mo bang makita yung mga inventories nila?" Justine asked then wiggled his eyebrows. He held my wrist again then pulled me somewhere.

Inventory Room

Puno ng kung ano-anong devices, equipments, at apparatuses ang room na ito. We intrude, yeah pumasok kami dito nang walang paalam dahil wala din namang bantay at hindi nakalock ang pinto.

May mga robotic figurines, electric cars, at kung ano-ano pang mga devices na may mga unique designs. Ngunit ang nakakuha ng atensyon ko ay ang isang relo na may design na moon at galaxy.

Made of purely silicon
Waterproof
Has camera and audio recorder
18GB RAM;
Has GPS

Iyon ang nakasulat sa cardboard na katabi ng relong iyon.

"Cool," I whispered. 18GB is enough for almost thousand nor million of contents. Tinignan ko ang ibaba ng papel kung saan nakalagay ang pangalan ng inventor.

Nạk pradis̄ʹṭ̄h̒: Franz Kyler Schrödinger

"Si Franz ang maygawa niyan, 'yung nando'n sa Guidance office," Justine popped up at my front.

"Oh, asan yung sinasabi na nasira na gawa ni Karl?" usisa ko. Tinuro naman niya ang isang glass box, naroon ang isang hugis dyamanteng kulay asul na device. Lumapit ako roon at binasa ang nakasulat sa card board.

Produces sound
Can be used as a bugging device

"Diamonds are precious and valuable,
and so we are."

Invented by: Karl Lyroin

That was a simple quote, isang diyamanteng asul na kumikinang din, ngunit ito ay sira na. Kahit na sino ay tiyak na mabibighani rito, ngunit ano naman kaya ang dahilan kung talagang si Franz nga ang sumira nito.

I examined the device, hindi ko iyon mahahawakan sapagkat nasa loob iyon ng box at baka mayroon ding alarm once na madikitan ang anumang bagay dito. Who knows, this is a territory of technology geniuses by the way.

"Don't you find it weird?" napalingon ako kay Justine nang magsalita ito. Kagaya ko, nakatingin din siya sa imbensyon ni Karl.

"That tiny red dot on the center of the diamond, something's off here." pagpapatuloy niya. Tinignan ko ulit ang diyamante, ngunit wala akong nakitang pulang tuldok doon. Halos mangunot na ang noo ko pero wala pa rin akong nakikita roon.

"Try to close your one eye, then you'll see," ani Justine nang mapansin ang pangungunot ng noo ko. I removed my anti-rad glass then closed my left eye. And there it is! Mayroon ngang red dot sa gitna ng diyamante, binukas ko ulit ang kanan kong mata ngunit di ko makita ang pulang tuldok na iyon. Hindi yon makikita kung titignan mo ito gamit ng dalawa mong mata, what an amazing optical illusion, but what's the purpose of this?

A/N: Nak pradis' th is a Thai word means "inventor".

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن