Chap9- Ghost in the Girl's dormitory

72 17 0
                                    

"Ali? You okay there?" tagaktak ang pawis ko habang patuloy na kinakalikot ang lock ng glass door. Kahit na narinig kong tumunog na ito kanina ay hindi pa rin ito mabuksan!

"Ali?" paulit-ulit na sambit ko sa pangalan ng bunso kong kapatid ngunit wala akong natatanggap na tugon mula sa kaniya. Nakahandusay lamang siya sa sahig at mabilis ang pagtaas-baba ng kaniyang likod tanda na nahihirapan siyang huminga. Ang isa ko pang kapatid ay wala ng buhay, laslas ang leeg at dilat ang mga mata.

Maya-maya pa ay may narinig akong pagkasa ng baril mula sa likuran ko. Dahan-dahan ko itong nilingon at nakita ko ang baril na nakatutok sa akin, ngunit hindi ko maaaninag ng maayos ang mukha ng lalaki dahil sa makapal na usok. Nakita ko ang paggalaw ng daliri niya na handa ng kalabitin ang gatilyo. Shock and fear devoured me, I couldn't move. I couldn't scream. I couldn't evade. He's going to shoot m—

"Shit!" agad kong natutop ang bibig ko, hindi lang pala ako mag-isa dito, baka magising ang mga kasama ko at maperwisyo ko pa.

4:16  in the morning. Ngayon lang  ako dinalaw ulit ng ganoong panaginip, halos basa na ang damit ko ng pawis. Pakiramdam ko ay naroon pa rin ako sa pinangyarihan noon. Mainit, sobrang init at nakakapugto ng hininga ang makapal na usok.

Binuksan ko ang cellphone ko at inoff ang airplane mode.

*Ting!*

[Dmlaw ... k dto, sa bhy. sa Frdy.. pamangks ha]

Galing iyon kay uncle kaninang 10:15 am, pero dahil nakaairplaine mode ay ngayon ko lang narecieve.

Agad naman akong nagreply sa kaniya.

[ok3¥ 😊 fhoe uNçL3 :> <3 😙😙😙😙😙😙😙😚]

Charot, eto talaga sinend ko.

[Okay, old man.]

Bumangon na'ko at nagpunta sa banyo para maligo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Bumangon na'ko at nagpunta sa banyo para maligo. Mas okay na 'yon dahil mamaya, baka ako na naman ang panghuling makaligo.

While I was bathing, I heard a scream 4 meters afar from our room. Narinig kong nagising sila Kyla at binuksan ang pinto.

"Halaa!! Nasa'n si sis Liessandra?!" boses iyon ni Thelma.

"Naliligo ako!" sigaw ko pabalik. Narinig ko ang pag-akto niyang nakahinga ng maluwag, I'm still not trusting 'em. Hindi nila ako inupdate about sa water interruption, remember? Pa'no na lang kung they're secretly hating me? Hays.

"Shermolang?" dinig kong sambit ni Kyla. Tss, si Thelma yung sinabihan ko, not you.

"Ano kayang nangyari?" si Rose. Sa tingin ko ay nakasilip sila ngayon sa pinto dahil may mga ingay din mula sa labas.

"Galing 'yung sigaw sa room nila Annie diba?" Kyla stated. "Hoy! Clara diba kwarto nyo 'yon?"

"What happened ba sis Clara?" si Thelma. Saktong tapos na'ko maligo at as usual, dala ko na ang susuutin ko kaya dali-dali akong nagbihis at tsaka lumabas ng CR. Tumayo ako sa may likuran nila.

"Ano'ng nangyari, Clara?" Rose asked.

"S-si Marie kasi..." the girl named Clara halted.

"Ano kay Marie?" pang-uusisa ni Kyla. I bet she couldn't wait in such revelation. But what's with the girl's scared face? Malikot ang mga mata nito at panay ang pisil ng kaniyang mga daliri.

Was the scream earlier wasn't just ordinary? Does it mean... something bad happened?

"Huy sis Clara, ano nga?"

"Bakit sumigaw si Marie?"

"N-nakakita raw siya ng... ng m-multo, s-sa salamin ng banyo namin... " pagkasabi no'n ay mayroong babaeng nanginginig ang akay-akay ng dalawang gwardiya ang dumaan papunta sa ibaba ng dorm, sinusundan ito ng tingin ng bawat estudyante roon.

"You mean? Multo sis Clara? as in ghost?!" hindi makapaniwalang tanong ni Thelma sa babaeng si Clara.

"Multo?" paguulit ni Kyla habang nakakunot-noo.

"Oo daw... mahabang buhok... nakaputi... mahaba ang suot... m-matangkad, yun ang sabi niya." nagkakandautal-utal na tugon ni Clara.

"Ga'no ba katangkad?" usisa ko. Napalingon naman sila sa'kin.

"Uy sis Liessandra, you're here na pala."

"H-hindi ko alam, h-hindi namin alam." aniya.

Napatango-tango na lamang ako. Multo? Naniniwala ako sa multo dahil... minsan ng nagpakita sa'kin ang multo ng magulang ko at ng pangalawa kong kapatid, tanging multo ng bunso kong kapatid ang hindi pa nagpapakita sa'kin. Sa t'wing nagpaparamdam sila sa'kin, parati nilang binubulong na alagaan ko raw si Ali... which I found weird. Paano ko aalagan si Ali, eh kasama na nila siya ngayon.

"Everyone, please go back to your rooms." biglang may lalaking naglalakad papunta sa direksyon ng mga nagkukumpulang estudyante. Kahit na ang mga nasa first floor ay nakikiusisa na rin sa nangyari.

"Go back to your rooms," paguulit nito na agad namang tinalima ng lahat.

"Naniniwala ka ba do'n?" tanong ni Rose sa kaharap na si Kyla. Bakas sa kanyang  mukha ang takot, maybe she's afraid of ghosts?

"Ewan lang." tipid na sagot ni Kyla. Palinga-linga siya sa paligid habang ako naman ay naka-upo sa kama ko.

"Totoo kaya 'yon? Hindi kaya sa susunod... sa'tin naman 'yun magpakita?" patuloy na pagsasalita ni Rose.

"Lah! Hoy, wag naman sana sis Rose. Pray lang panlaban d'yan eh," ani Thelma. Agree. But not all ghost can be vanquished by God's name and prayer, some of them has strong force of demons.

But looks like Rose and Kyla didn't hear Thelma. Napapansin ko lang, simula ng pagdating ko dito, hindi nila pinapansin si Thelma. Galit sila sa kaniya? Or maybe, just misunderstanding that's why they're ignoring Thelma.

HINDI NA KAMI nakatulog dahil sa pangyayari kaninang madaling araw, kaya naman maaga kaming nakapasok sa classrooms namin. Section B si Kyla at Rose samantalang Section D naman si Thelma kaya naghiwa-hiwalay na kami ng daan. Ito ang unang beses na nakasabay ko sila sa pagpasok, last times kasi ay parating sila ang nauuna at ako naman ang panghuli.

"Cyst, may multo raw sa girl's dormitory?" pambungad na tanong sa'kin ni Justine na nakakrus ang mga braso habang nasa pintuan.

"Siguro..." I stepped inside our classroom, even here, the topic is about the ghost on our dormitory. They're are talking about some myths about this school like, there was a girl who killed herself on that CR, a girl raped on that room, at kung ano pang mga kwento-kwento.

"Sino nga pala 'yung Marie?" tanong ko kay Justine. Nakaupo na rin ito ngayon sa kaniyang upuan habang panay ang pisil ng kaniyang mga kamay. Uh, is he scared too?

"M-marie, yung nakakita raw ng multo." aniya.

"Oo nga, sino nga 'yon?" ulit kong tanong dahil mukhang hindi niya nagets. I'm asking about her info 'cause I already knew that it was her who saw the ghost.

"Ahh.... Grade 9 din siya, do'n sa Section C." tugon niya.

"Can I see her picture?"

"Okay, wait search ko lang sa fb," he then typed something on his cellphone's screen. Few minutes passed, he showed me a picture of a girl.

Marie Faith De Guzman.  She's pretty, maputi at matangos ang ilong, she has this coca-cola body too.

"Palagi siyang contestant ng mga beauty pageant dito, cyst. Last year ay first runner up siya sa Intramurals," Justine stated.

Napatango-tango ako, "Nakakatakot naman. Tsaka ang unfair, bakit sa dorm lang namin?"

"Well, basta ako nagpe-pray bago matulog," ani Justine put his phone on his pocket. Pumasok na kasi si Ma'am Garcia kaya lahat kami ay umayos na ng pag-upo.

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now