Chap8- Small Talk

65 20 0
                                    

"Class dismissed."

It's 4:35 pm na pero 4:30pm ang dismissal namin. Kung bakit nadagdagan ng five minutes? Pakitanong sa AP teacher naming nagkuwento tungkol sa History.

Kinalabit ko si Justine na nakayukyok sa armchair niya, our teacher already saw him kanina ngunit tila wala itong pakialam at hinayaan lang si Justine.

Pupungas-pungas itong nag-angat ng tingin sa'kin.

"Uwian na, yung mga notebook mo natabig mo kanina," inginuso ko ang sahig. "Ayun, nagkalat."

He picked up his stuffs and fixed it inside his bag.

"Okay, Ms. Navarro lead the prayer first." saad ng teacher namin. Agad namang nagpunta sa unahan ang estudyanteng tinawag niya.

Humarap ito sa'min.
"Claaaassmates, are you ready to pray?"

"Yeeess we aaare."

She turned her back from us.
"In the name of the father, and of the son, and of the holy spirit, Amen." nagsign of the cross kaming lahat and started the after prayer.

"Bye, children." the teacher uttered before leaving the room.

Habang naglalakad kami ni Justine papuntang gate, nahagip ng paningin ko si Franz na patakbong bumababa sa hagdan mula sa second floor ng building kung saan siguro ang classroom nila.

"Hala cyst, si Franz papalapit sa'tin!" pabulong na tili ni Justine. Papalapit nga sa'min si Franz, sukbit nito ang bag niya at ang kaniyang buhok ay tinatangay ng hangin dahil medyo  mahaba iyon.

"Hey," anito.

"Hi din!" si Justine. Kapag talaga pogi ay auto-lapit siya, pogi naman din siya kaya dapat sarili na lang niya landiin niya, Urgh.

"Uhm, sa cafeteria din ba kayo magdidinner?" he asked, his gaze are on me.

"Ako yes!" deklara ni Justine. "Ewan ko lang kay cyst kung yes din."

Franz looked at me with his confused or should I say, pleading eyes.

"Sa cafeteria din ako," I said. Sa cafeteria naman talaga dapat eh, kasi bawal ng lumabas ng campus lalo na't gabi, by the way, ang cafeteria ay nasa loob lamang ng campus.

"Okay! Then, kita-kita nalang tayo mamaya," nakangiting saad nito. Tinapik niya ang balikat ni Justine saka tinanguan ito. Ngiting-ngiti din naman ang hermaphrodite.

"SAMA KA SA'MIN sa cafeteria sis?" tanong ni Thelma. Kaharap niya ang salamin habang naglalagay ng lipbalm.

Hindi ko pa rin nakakalimutan na hindi ako nakaligo kanina dahil sa kanila, hmp! Pero ngayon ay ayos na kaya maliligo muna ako bago magpunta sa cafeteria.

"Mauna na kayo, maliligo pa'ko e." saad ko 'saka kinuha ang twalya ko at isinampay sa aking balikat. Naghanap pa'ko ng damit na isusuot ko para hindi na hassle.

"Sige Liessandra, una na kami!" ani Kyla na hindi na yata makapagantay dahil nasa pintuan na. Tumango na lamang ako at pumasok sa banyo. Pagkapasok ko ay agad akong naligo siyempre.

Dahil basa pa ang buhok ko, binlower ko iyon dahil mayroon naman akong portable blower na dala palagi, 'yon ay dahil mukha akong basang-sisiw sa t'wing lumalabas ako ng basa ang buhok. Scam lang 'yung 'girls with wet hair looks hot'   tsk.

Pagkatapos kong magblower ay kinuha ko ang pitaka ko, siyempre dahil hindi libre ang pagkain do'n at walang balak na manglibre sa'kin. Si Franz? Ewan lang.

"Let's go?" muntik na'kong mapatalon sa gulat nang bigla na lang sumulpot sa harapan ko si Franz pagkalabas ko ng pinto. Bawal kasi ang lalaki dito at may bantay sa baba kaya pa'no siya nakapasok?

"The guards here in campus and I are close, and they're trusting me. I'm worth it to trust tho," he uttered. Inayos ko na muna ang pagkakasarado ng pinto saka muli siyang hinarap.

"Si Justine ba, nakita mo?" I asked.

"Nope, magkaiba kasi kami ng floor." sagot niya. "But I think he's already on the cafeteria," he added.

I just nodded. Sabay kaming bumaba at nagpunta sa cafeteria, and as what Franz said, naroon na nga si Justine nakaupo mismo sa pinakalikurang mesa. Nilingap ko ang paligid, maraming estudyante, malaki ang cafeteria na 'to kaya naman kasya lahat, mayroon ding second floor.

Nilapitan namin si Justine dahil nakayuko iyon habang nagtitipa sa screen ng kanyang cellphone.

"Uy, nandito na pala kayo," aniya nang makaupo na kami pareho ni Franz. "Order na tayo."

"My treat." Franz stated. Pareho kaming napatingin sa kaniya ng may pagaalinlangan. Oo nga't makapal ang face ko pero hindi sa lahat ng oras.

"Wag na, may pera naman kami," pinandilatan ko si Justine na siguradong nagdidiwang na sa isip niya ngayon.

"Oum, I'll treat you not because I'm thinking that you have no money." saad ni Franz. "Don't take it as an insult, please. I just want to thank that I have new found friends."

May point siya kaya pumayag na lang kami— ako nalang naman pala dahil alam kong kanina pa pumayag ito si Justine.

Buti na lang at attentive ang staffs ng cafeteria. Labinglimang minuto lang ang binilang bago dumating ang order namin. Well, it's a fried chicken with garlic flavored gravy, unli-rice and 3 can of soda.

"Nga pala, diba Franz last time na nagkita tao may sumundo sa'yon kotse. So, meaning... umuwi ka sa bahay nyo?" tanong ko sa kanya.

"Woah, Franz? Franz lang talaga? Matanda sa'tin 'yan oy," si Justine habang ngumangat-ngat ng fried chicken.

"Naah, it's okay bro. Better call me Franz only. And... yes, umuwi ako sa bahay no'n, hindi ka ba nainform na kada Friday pwedeng umuwi?" aniya. Stupid me, oo nabasa ko 'yon sa files na ibinigay sa'kin ni Uncle about dito sa school. But me being stupid forgot it.

"Oo nga, pwede 'yo. Ako nga t'wing Friday nagpupunta sa part-time ko e," sabad naman ni Justine.

"Ahhhh," tumango-tango na lamang ako saka nagpatuloy sa pagkain.

"Thank you! Sa uulitin ha," ani Justine habang nakaakbay kay Franz. Halos magkatangkad lang sila at pareho ang pangangatawan kaya hindi hassle sa kanya na akbayan ito.

Franz chuckled, "Yeah. Anytime."

Inihatid nila ako hanggang sa may pintuan ng dormroom namin, at gaya nga ng sinabi ni Franz kanina, close niya lahat ng gwardiya kabilang na 'yong nagbabantay sa girl's dormitory kaya naman pati si Justine ay kasama ngayon dahil pinayagan.

"Salamat, papasok na'ko. Uwi na kayo." saad ko sabay hawak sa doorknob. Tumango naman sila at magkapanabay na umalis. Uh, I hope that Justine won't rape Franz on their way.

I'm Innocent, I did Nothing (SOON TO BE PUBLISHED UNDER CLP)Where stories live. Discover now