Chapter 3 The Notebook

43 2 0
                                    

Soundtrack for this chapter: Love Me by Yiruma (Click multi-media to listen)

Matapos ang mahabang gabi na nasayang lang dahil sa makulit kong boss, mag-isa na naman akong pumasok sa aking apartment. Pagkatapos kong magshower, umupo ako sa may sala at uminom ng red wine.

Ito ang madalas kong gawin pagkatapos ng trabaho. Magshower at uminom ng isang basong red wine.

Ala una na ng madaling araw pero feeling ko, maaga pa. Hindi pa ako tinatamaan ng antok. At dahil biyernes ngayon, walang pasok bukas. Wala akong gustong gawin. Kung tawagan ako ni Ash bukas para mag-dinner sa bahay nila, maipapasok agad sa schedule.

Kapag nasa labas ako ng apartment, nakakalimutan ko ang lungkot ko. In a city that never sleeps, wala kang choice kundi maging masaya kahit may kulang sa buhay mo.

Ilang buwan na akong ‘trying to move on’ para makalimutan si Portia. Walang tawag, walang text, walang balita, wala akong kaalam-alam sa buhay niya. Nadeactivate ko na ang facebook at twitter ko, at pawang si Jaymee lang ang nagpapadala ng email sa akin. Hindi naman niya minemention si Portia, hindi ko rin naman kasi tinatanong.

I’m still waiting..

Unang araw ko dito bumili ako ng notebook para maisulat lahat ng gusto kong sabihin sa kanya if ever man na magkita ulit kami in the near future. Kailangan kong ikwento sa kanya lahat ng happenings dahil siguradong mako-curious siya.

I’m still looking for the day na magkikita kami, magkakausap kami, magkikwentuhan kami tungkol sa mga bagay bagay.

Lumapit ako sa may study table para isulat ang nangyari sa bar at ang iba pang pangyayari na nangyari sa araw na toh.

Day 196

Ang sabi ng boss ko, may pupuntahan daw kaming site at kailangan kong magtrabaho ng overtime, yun pala sa isang bar kami pupunta para mag-party. May lumapit sa aking babae na kitang-kita ang cleavage dahil sa kanyang sexy red dress with plunging neckline. Ngayon lang may lumapit na blonde na babae sa akin para makipagkilala pero tinanong ko siya kung bakit nag-oorbit ang earth sa sun at hindi ang sun ang umiikot sa earth. Sinubukan naman niyang sagutin pero umalis siya agad at sinabihan akong nerd.

Nakipagsuntukan ang boss ko sa dancefloor, marahil may naasar sa kanya. Sino ba naman ang maasar sa dancestep niyang 1960’s at robotic na galaw sa LMFAO na sounds, kahit ako masusuntok ko siya kung hindi ko lang siya boss.

Iniwat ko ang kaguluhan pero nadamay lang ako at pinalayas kami ng bouncer na siguro yung braso buong katawan ko na. Iniwan niya ako at umalis dala ang mamahalin niyang Bentley, nagtaxi tuloy ako pauwi.

Pagdating ko sa tapat ng apartment, tumawag siya sa akin para sunduin ko siya at piyansahan, hindi man lang nag-thank you ang unggoy.

P.S. Biyernes ngayon, walang magawa bukas.

Araw-araw ako nagsusulat. Meron tuloy akong instant journal. Gusto ko sanang ipadala sa kanya yung isang notebook na natapos ko na.

Kinuha ko ang unang notebook sa may drawer.

Day 1

Muntik na akong magsuka sa eroplano dahil siguro sa slight anxiety buti na lang nag LBM lang ako. Paglapag ng eroplano, inamoy ko ang simoy ng hangin, amoy stateside. Nasa New York nga talaga ako, hindi sa Cubao.

Kung hindi mo sana ako brineak, di sana wala ako dito ngayon. Sinunod ko ang gusto mo. Kung ito ang magpapasaya sayo. Sarap mong pektusan eh. Kung pwede lang umabot ang braso ko diyan, mapepektusan kita pero pagkatapos nun, hahawakan ko ang kamay mo, kaso hindi kayang abutin ng braso ko ang Pilipinas.

Alam ko na ang sasabihin mo, “EEEEEEkkkkkk.. Conrad, ang baduy mo talaga!” Sana naririnig ko yan.

Day 2

Ramdam ko ang lungkot at homesickness, kaya pumunta kami ni Tito Arthur sa Tribeca, nag-lunch kami sa may Soho, at naglakad-lakad sa may Central Park.

Day 3

Nagsimula akong magrenovate ng bago kong apartment, dito ako sa may Greenwhich village. Limestone townhouse ang bago kong apartment. Ako lang ang nagrenovate at hindi na kailangan pinturahan pa. Kailangan ko lang ayusin ang mga bago kong gamit. Umutang muna ako kay Tito Arthur pambili ng mga gamit.

Day 4

Natapos ko ng ayusin lahat ng gamit ko. Vinavacuum ko na lang ang sahig ngunit sa tuwing nakikita ko ang vacuum, naaalala kita. Naiiyak nga ako eh. Isang vacuum lang, biglang naninikip ang dibdib ko kaya pinipigilan kong maluha. Hindi rin ako nagpupunta sa mga home depot, dahil baka makakita ako ng mini vacuum at anti bacterial soap, umiyak ako sa gitna ng pagwi-window shopping, mapagkamalan akong praning ng mga tao.

Day 10

Ilang araw na akong hindi naglalaba. Wala kasi akong washing machine kaya lumabas ako para magpa-laundry, wag kang magalit. Pero nung pumasok ako sa laundry shop, kinabahan ako bigla. Naaalala kasi kita at siguradong sisigawan mo ako kapag nalaman mo toh.

P.S. Wag kang mag-alala, sa una kong sweldo, bibili ako agad ng washing machine. No.1 Wish list: Washing Machine.

Day 15

Bumili ako ng washing machine ngayon, nung idinelever sa apartment ko, bigla akong naluha, what an accomplishment!

Day 18

Kailangan ko na talagang maglaba, tambak na eh. Lumabas ako ng bahay para bumili ng sabon sa grocery. May babaeng nakatali ang buhok at naka denim jeans na kinukuha ang antibacterial detergent soap. Gusto ko sana siyang yakapin para kunyari ikaw yun kaso may kasama siyang lalaki na tatuan at mukhang wrestler hawak hawak ang alaga niyang asong bulldog. Niyakap ko na lang ang antibacterial detergent.

Nang simulan ko ang paglalaba, naalala na naman kita. Bawat bula na nakikita ko, parang hugis ng mukha mo. Mukhang tukmol.

Day 25

Late dinner tonight. Fresh lettuce na inorder ko sa fast food chain. Habang kumakain ako, naisip kong ipadala sayo tong notebook/journal ko. Kaso baka you’d think I’m so pathetic, umaasa sayo. Nagbabaka sakali lang naman ako na baka naman maging tayo ulit.

P.S. Mas lalo akong gumwapo. Kaya kung makikita mo ako ngayon baka tumulo ang laway mo. Magdala ka ng tisuue.

Day 32

I’m in the middle of thinking about sending this to you. Alam kong hindi ka sasagot dito. I just want to know how well you have been doing? Kung okay na kayo ng Mama mo. Kung napalitan mo na ako. Kung may bago kang boyfriend, baka bakla na naman yan ah.

P.S. Ang gwapo ko talaga. Just want you to know para ma-excite ka.

Sinara ko ang notebook at inilagay sa envelope. Ipapadala ko sa kanya toh. Those moments na malungkot at masaya, gusto ko siya ang unang makaalam. Sa kanya ko gustong mai-share ang mga pangyayari sa buhay ko dito. Kahit hindi na siya magreply, okay lang sa akin.

Ipinatong ko ang envelope sa mesa. Umagang-umaga bukas, ipapadala ko kaagad toh sa kanya.

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon