Chapter 40

8.9K 424 107
                                    

#war1wp

Chapter 40

Pa

"Mainit?" 

Pinagmasdan ako ni Jadon bago n'ya tiningala ang langit. He returned his gaze back at me and covered my face with his other hand. Ang isang kamay n'ya, hawak-hawak ko naman dahil kanina pa kami naglalakad-lakad sa plantation ng mga mangga. 

Hindi naman ganoon kainit pero namumuo na rin kasi ang pawis ko sa noo. May mga baka sa hindi kalayuan pero hindi naman kami pinapansin kaya malaya lang kaming nakakapaglakad-lakad. 

I'm glad he brought me here. I grew up in the city kaya naman ang ganitong mga tanawin at lugar, parang may naibibigay sa aking comfort na hindi ko maipaliwanag.

"I'm fine," ngiti ko sa kan'ya. 

Kinuha ni Jadon ang panyo n'ya mula sa bulsa ng suot na trousers bago pinunasan ang noo ko. I watched him and I noticed that he has beads of sweat on his temples too. 

Kinuha ko rin ang panyo at pinunasan din ang noo n'ya dahil nakita kong pinapawisan din s'ya. Bahagyang yumuko si Jadon para maabot ko ang noo n'ya at ngumisi s'ya nang punasan ko na ang pawis n'ya. 

He kissed my forehead after and I kept the handkerchief to myself. Nagpatuloy kami sa paglalakad nang magkahawak ang kamay. 

Pumitas din kami ng ilang mga bunga ro'n na binayaran din naman namin sa nagma-manage ng plantation pagkatapos. Sa ibang mga parte ng lugar, gumamit kami ng golf-cart para maglibot.

Nagtagal pa kami ng halos dalawang oras ni Jadon sa paglilibot bago kami bumalik sa restaurant para kausapin ang may-ari ng lugar. 

Malawak ang haciendang 'yon at halatang hindi marami ang nakakapasok. Mukhang bago pa ang ilang mga fences, gamit, at ibang mga establisyimento sa loob. May ibang parte rin daw ng farm ang ginagawa pa at ini-improve. Hindi ko alam kung paano nakapagpa-reserve si Jadon dito. Mukha kasing eksklusibo lang ang lugar. Siguro, kaibigan n'ya ang may-ari?

Naka-upo ako sa isa sa mga table ng restaurant habang may iniinom na mango shake. Habang si Jadon naman, kausap ang isang lalaking halos kasing tangkad n'ya na sa tingin ko ay ang may-ari ng hacienda. 

Umiinom ako sa shake na in-order kanina habang pinagmamasdan sila nang mapa-upo ako nang maayos nang lingunin ni Jadon ang puwesto ko. He smiled when our eyes met and he winked. Halos mabulunan ako dahil hindi ko inaasahang kikindatan n'ya ako!

Uminit ang mga pisngi ko at nakita kong napangiti ang kausap ni Jadon dahil doon bago sila nagpatuloy ulit sa pag-uusap.

Hindi rin nagtagal, napagdesisyunan na rin naming umalis doon at umuwi lalo pa't may usapan yata sina Jadon at Papa na iuuwi n'ya ako nang maaga ngayong araw.

Nagtanong ako kay Jadon ng kung anu-ano tungkol sa kausap n'yang may-ari no'ng lugar kung saan kami nagpunta habang papaalis kami roon. Ka-edad lang din pala ni Jadon ang lalaki pero may-ari na ng gano'ng kalaking lugar. 

"It's his family's... S'ya lang ang nagma-manage," ani Jadon habang nagmamaneho gamit ang isang kamay at ang isa naman, hawak-hawak ang kamay ko.

Tumangu-tango ako. 

"It's a good place," I said. 

"It is," ani Jadon. "It's a good investment too."

Napakurap ako at tinitigan s'ya. Oh, I know that line. Jadon has such good judgment when it comes to things like this. I also think that it is a good investment pero kahit hindi ko s'ya pilitin, pakiramdam ko, bibili rin s'ya ng gano'n lupain. Nilingon ako ni Jadon at ngumiti s'ya nang maabutan ang titig ko. 

War Has Begun (War Series #1)Where stories live. Discover now