Chapter 37

7.7K 367 76
                                    

#war1wp

Chapter 37

Stars

"Tired?" Tanong ni Jadon nang maka-upo s'ya pabalik sa tabi ko. 

It felt warmer now that he's back beside me. Para s'yang personal walking heater ko dahil sa tuwing malayo s'ya, it feels unexplainably cold. Am I that clingy?

Agad naman akong umiling sa tanong ni Jadon. Paano naman ako mapapagod? S'ya dapat ang tanungin ko no'n dahil ang daming gustong kumausap sa kan'ya. Galing pa s'yang airport galing sa isang business trip.

"Baka ikaw ang pagod," nangingiting balik ko sa kan'ya. 

Now, I can't remove my attention on him. Jadon has this kind of magic that always pulls me in. Napangiti si Jadon at sumandal sa sofa, ipinapatong ang braso sa sandalan ng sofa sa likod ko.

"I am," malungkot n'yang sabi, halatang nagpapaawa sa akin at pinigilan kong matawa. 

He looks cute but I know that he's only saying that because he wants to receive love from me. I scrunched my nose. 

"Eh 'di, umuwi ka na?" Biro ko.

Jadon groaned and closed his eyes. I stopped myself from admiring how beautiful his face is. I wonder how many girls gawk at his beauty. Sa mga makakapal na mga kilay at mga pilikmata, matangos na ilong, at mapupulang mga labi--no wonder people are asking why he's single.

"Hindi mo man lang ba ako aalagaan?" Pagdadrama n'ya at natawa ako. 

If people heard him, I wonder what they will tell about him. News flash: Jadon Melgarijo seen acting like a baby. My baby. Gusto kong mapatawa sa naisip.

"Ang arte mo," tulak ko nang kaunti sa pisngi n'ya. 

Napangiti si Jadon at sinalo n'ya ang kamay ko, caressing it the moment he got a hold of it.

"Jadon!" 

Sabay kaming napatingin ni Jadon sa tumawag sa kan'ya at agad namang napa-iling si Jadon nang makita n'ya ang papalapit n'yang kaibigan na si Adonijah na nakangisi sa kan'ya.

"Bastard! We thought you wouldn't be able to make it?" Adonijah said, sitting beside Jadon and tapping his shoulder. "Tapos, bigla kong maririnig na nandito raw ang sikat na si Jadon Melgarijo? I thought we're friends?"

Agad na tinulak nang bahagya ni Jadon ang balikat ni Adonijah na lumalapit nang kaunti sa kan'ya. He crossed his legs and I saw him smirking at Adonijah--his cute disposition turned to formal the moment Adonijah came.

"Hindi ka pa ba nagtakang hindi ko ipinaalam sa'yo? That means you're not my friend," panunudyo ni Jadon sa kaibigan at napatawa ako nang kaunti. 

Agad na pinakitaan ni Adonijah ng middle finger si Jadon na agad namang napatawa sa kan'ya. 

"Where's Hiel?" Tanong ni Jadon at agad namang sinabi ni Adonijah na may mga kausap itong ilang businessmen sa ibaba. 

"You should go downstairs too. Make networks," ngisi ni Adonijah bago n'ya inilipat ang tingin sa akin. "Or not," tawa n'ya. 

Agad na uminit ang mga pisngi ko dahil nakuha ko ang dahilan kung bakit s'ya natawa. Agad akong napanguso at tiningnan si Jadon na umiinom sa inumin n'ya.

"He's right," I said. "You should go."

It's important for businessmen to create connections. 

"May iba pang pagkakataon," ngiti sa akin ni Jadon. "I'm tired too. I want to spend this night with you."

War Has Begun (War Series #1)Where stories live. Discover now