Chapter 4

9.3K 429 93
                                    

#war1wp

Chapter 4

Date

"Aiah!" Biglang sulpot ni Adam sa harapan ko at nawala sa paningin ko si Jadon dahil natakpan na n'ya.

Adam is wearing a loose maroon button-down polo. May malawak s'yang ngiti para sa akin. Nakatulala ako sa kan'ya, hindi pa rin mahanap ang sariling dila para makapagsalita.

Pakiramdam ko, nanlalamig ang buo kong pagkatao at parang kalahati lang ng sinasabi ni Adam ang nasasalo ng isip ko.

"You really came!" He chuckled and pulled me in a hug.

"Yeah," utal na sagot ko at hindi sinasadyang naisayad ko ang tingin sa mga lalaking nasa couch. 

And when my eyes met the familiar pair of eyes, agad kong naitulak palayo sa akin si Adam at lalong lumakas ang galabog ng puso ko. Uminit ang mga pisngi ko at biglang naalala ang kahihiyang nagawa ko no'ng nakaraan lang.

Nakakahiya!

"Hi, long time no see," sabi ni Adam, si Kamille na ang binabalingan para kamayan ito. 

Kunwaring inayos ko ang buhok ko pero sinasadyang takpan ang mukha mula sa grupo ng mga lalaking nasa couch.  

Marami sila ro'n at puro nagga-guwapuhang lalaki. Kung normal na araw lang 'to, baka nagpi-piyesta na ang mga mata namin ni Kamille sa katitingin sa kanila at baka nakapamili na kami ng mga type namin sa grupong 'yon.

If only Jadon Marcus wasn't there!

For Pete's sake! He saw me! 

I bet he's laughing at me now at malamang ay alam n'yang nahihiya ako sa katangahan ko! Pero bakit ba ako nagtatago? Hindi ba, mas matatawa lang s'ya kung ipapakita kong nahihiya nga ako?

Tumikhim ako at ibinaba ang kamay at tumayo nang maayos nang makakuha ng bagong lakas ng loob.

Ano ngayon kung nand'yan ka, Jadon? Kaya kong kumilos kahit nasa harap pa kita!

Pero halos lumipad sa ere ang nasa isipan ko nang may lumapit sa aming dalawang lalaki na nagtatangkaran at nang ma-realize kong si Jadon 'yon at si Adonijah!

Jadon is in his black polo shirt, tucked inside a pair of beige trousers secured with a black belt. Nakasoot din s'ya ng leather shoes at maganda ang tindig sa harapan namin. Kitang-kita ko ang magandang kapit ng silver na mamahaling relo sa kaliwang pulso n'ya. Ang katabi n'yang si Adonijah, hindi ko na mabalingan dahil na kay Jadon lang ang mga mata ko. 

He looks so expensive despite the simple clothes he's currently wearing. Kitang-kita ang magandang hubog ng mga balikat at mga binti n'ya sa soot na damit. 

Diretso ang titig n'ya sa mga mata ko at hindi ko magawang ialis sa kan'ya ang mga tingin ko dahil do'n kahit na sumisigaw na ang isipan ko dahil sa pagpa-panic. Jadon tilted his head and a small playful and evil smirk played on his soft lips while he stared back at me. Agad na uminit ang mga pisngi ko at kumunot ang noo ko sa kan'ya.

"Adam, we'll just get water," ngisi ni Adonijah kay Adam at nagawa kong iiwas ang tingin ko kay Jadon dahil do'n. Inilipat ko ang tingin kay Adonijah na ngayon ay nakalingon na sa amin. "Hi, Azariah," he smiled and I got shocked that he knew who I was.

Adonijah even knows who I am!

Ngumiti ako kay Adonijah pero hindi ko alam kung ngiwi na ba ang naipakita ko sa kan'ya. He looked at who I was with and smiled at Kamille too before he brought his eyes back to me.

War Has Begun (War Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon