Chapter 26

7K 405 207
                                    

#war1wp

Chapter 26

Three Words

Iniwasan kong kausapin si Papa sa sumunod na mga araw. I've been trying to just forget what he said so I could focus on other things like studying and passing my upcoming final examinations.

Malapit na ang examinations namin kaya kailangan kong mas mag-focus sa pag-aaral. I've also noticed that Maki has been spending most of his time in my room at tuwing nag-aaral ako, madalas silang maglaro nina Jadon online. They even do voice calls! Dinig na dinig ko ang tawanan nila habang nag-aaral ako lalo na ang papuri ni Adonijah para sa kapatid ko.

"Ano? Grade 10 ka pa lang? Bakit ang galing mo?" Natatawang tanong ni Adonijah sa kabilang linya at napalingon ako nang kaunti kay Maki na tumatawa habang naglalaro.

Nakadapa s'ya sa kama ko at may yakap na unan.

"My friends always play with me. Magagaling sila kaya naturuan din ako," Maki said and I smiled.

"Daig mo pa si Asiel," Adonijah said and I heard Asiel cursing him.

"Maki, you should use some earphones. You might disturb your sister."

Agad na uminit ang mga pisngi ko dahil paniguradong si Jadon 'yon. 

"Sabi ni Ate, hindi s'ya inaantok kapag naririnig tayo kaya hindi ako nag-earphones," Maki said before he glanced at me. "'Di ba, Ate?"

Talagang tinanong pa ako ng isang 'to!

"Is she studying?" Si Jadon at namula na naman ang mga pisngi ko.

"Oo," nakangising sagot ni Maki habang ibinabalik ang tingin sa nilalaro.

Narinig ko ulit ang tawanan nina Adonijah bago ko ibinalik ang tingin ko sa binabasa.

"Hindi ba, may isa pa kayong kaibigan? He doesn't play?" Tanong ni Maki, tinutukoy si Hiel na hindi ko alam kung bakit n'ya kilala.

"Oh, you know him? He's studying. Hindi rin s'ya mahilig mag-mobile games," ani Adonijah. "Pati nga si Jadon."

"I play. Just not as much as you do," sagot ni Jadon kay Adonijah, natatawa.

"I know Hiel because I always see you and your friends on social media," sabi ni Maki.

Nang biglang tumunog ang phone ko, agad ko 'yong binalingan at nagulat na chat 'yon galing kay Jadon. I immediately picked it up to look at it.

Jadon Marcus Melgarijo:
Tell me if we're disturbing you.

Azariah Morales:
Hindi naman.

Jadon Marcus Melgarijo:
Hindi ka inaantok kaagad kapag nand'yan si Maki at naglalaro?

Napangiti ako.

Azariah Morales:
Oo, eh.

Jadon Marcus Melgarijo:
Maglalaro lang ako habang nag-aaral ka. Tell me if you're already done studying.
Titigil na rin ako pagkatapos mo. 

Uminit ang mga pinsgi ko at kinagat ko ang labi ko.

Days passed by with me following his schedules regularly. Napapansin din ni Kamille na mukha raw na magaan ang mga araw kong lumipas at sinabi ko na lang sa kan'yang may maayos na rin kasi akong schedule para sa lahat ng ginagawa.

Paminsan-minsan, may mga idinadagdag si Jadon na mga reminders tulad ng pagkain at pag-inom ng tubig. Nagugulat na lang kasi ako sa tuwing nagno-notify 'yon sa phone ko at hindi ko inaasahan. Akala ko, may na-miss ako sa schedule. But I didn't point it out with him. Sikreto na lang akong napapangiti sa tuwing nakikita 'yon at sinusunod na lang.

War Has Begun (War Series #1)Where stories live. Discover now